Wakas

1K 18 2
                                    

"Aray ko naman, Rafaelle!" daing ko nang madiinan niya ang maling parte ng balakang ko.

Nagpapamasahe kasi ako sa kanya dahil sobrang ngawit na ako sa pagdadala ng malaking tiyan.

"Sorry, saan ba ang masakit? Hindi ko alam magmasahe," aligagang sambit niya at nag-aalalang tumingin sa akin.

Natawa ako sa itsura niya na parang may nagawang krimen. Akala mo naman ikamamatay ko na ang maling ginawa niya. Nilapat ko na lang ang likod ko sa malambot na kama. Hay naku, Rafaelle!

"Tama na nga 'yan. Matulog na lang tayo." Tumingin ako sa kanya. "Hindi pa rin ako makapaniwala na nasabi mo na sa mga kapatid mo ang totoo. Galing mo! Very proud na naman ako sa iyo. Kaso..." Umayos ako ng tayo. "Ang sabi sa akin ng reyna, hindi ka na raw pwedeng mag-propose ng bagong batas dahil kapapasa mo lang. Matagal na naman daw ulit bago ka ulit pwede magpasa. Paano na ang gusto mong mangyari?"

Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ang gilid ng noo ko. "Hayaan mo muna iyon, naniniwala naman ako na may tamang oras para sa lahat ng bagay. Hindi pa siguro ito ang tamang oras para sa bagay na iyon. Tsaka hindi naman ako nagsisisi na mas pinili ko ang kapakanan mo kaysa sa kagustuhan ko."

"Sorry kung palagi na lang tungkol sa akin ang ginagawa mo. Promise ko, babawi ako sa iyo pagkapanganak ko. Hindi pa ako makakilos nang maayos ngayon." Tinuro ko ang tiyan ko. Parehas kaming nagulat ng gumalaw iyon.

"Junior talaga ang gusto mong pangalan niya?" tanong ni Rafaelle.

"As in Rafaelle Jr., ayaw mo ba?" Kumunot ang noo ko.

Napakamot siya sa ulo niya. "Ang awkward lang kasi. Ayaw mo ba ng ibang pangalan? Gusto ko Danniel, eh."

"Danniel Rafaelle," sabi ko at tumingin sa kanya. Tinaas-baba ko ang kilay, proud na proud sa naisip.

"Ang kulit mo, bakit gusto mo ang pangalan ko? Hindi mo maiwan." Humalakhak siya.

"Syempre, ang pogi kaya. Gusto kong gwapo rin ang anak natin. Gusto ko kamukhang-kamukha mo."

Masama nito ay kamukha ni Rachim ang anak namin dahil sa kanya ko ipinaglihi. Halos umusok ang ilong ni Rafaelle nang malaman iyon. Wala naman kaming magawa ni Rachim sa bagay na iyon. Siya ang gusto ng baby.

"Feeling ko may unfinished business pa kayo ni Leo. Hindi na kayo nag-uusap. Bakit? Anong nangyari?" tanong ko habang naglalakad kami sa Queen's Garden. Siyam na buwan ko na sa pagbubunti. Kahit anong oras ay pwede na akong manganak. Dito sa palasyo gusto ni Rafaelle na manganak ako. Ayaw niya sa Araniya.

"Nalaman na niya yata ang pagkagusto ko sa kanya. Nailang yata siya kaya hindi na lumalapit sa akin." Bumuntonghininga siya.

"You can't lose him. He's very important to you. Pwede naman kayong mag-usap para hindi ganito ang sitwasyon niyo. Nagkakasalubong kayo rito sa palasyo pero parang hindi naman kayo magkakilala. Hindi maganda iyon," sabi ko at hinigpitan ang kapit ko sa kanya.

"Ganoon talaga, ano'ng magagawa ko kung ayaw niya akong kausap o kahit harapin man lang?" Nagkibit-balikat siya. "Nahihiya rin ako sa kanya."

Siniko ko siya. "Ano ka ba? Matatanggap ko pa kung talagang nag-away kayo, iyong personalan. Pero ang ganito, silent treatment kaagad, hindi iyon pwede. Ikaw na lang kumausap sa kanya kasi mamaya, nagkakahiyaan lang pala kayo. Come on, Rafaelle, I want to you to keep the only friend you have."

Napakamot siya sa ulo niya. "Darling, nahihiya nga ako. Hindi ko nga alam kung may lakas pa ako ng loob para kausapin siya. Gusto ko rin naman ng closure kaya lang, napapangunahan ako ng hiya."

Ngumisi ako. "Ako na ang bahala. Kakausapin ko siya tapos tatawagin kita para kayo naman ang mag-usap. Iyon lang ang magagawa ko sa ngayon."

"Salamat, Audrina." Hinaplos niya ang tiyan ko. "Can't wait to meet little Rafaelle, but I will call you "Dani"." He kissed my belly then smiled at me.

A Sudden Heiress Where stories live. Discover now