Kabanata 9

459 15 2
                                    


Impress

Hindi ko na alam kung tama pa ba ang pagbangga ko kay Lord Maxwell na mukhang tototohanin ang pagiging magkaribal namin. Ang sabi kasi ni Rafaelle, hanggang hindi ako opisyal na naitalaga bilang Duchess ng Bien ay maaari pang magbago ang lahat. Pwede akong maalis bilang first line of succession kung mapapatunayan na may nagawa akong isang bagay na hindi maaari sa isang parte ng maharlikang pamilya. Malay ko ba kung ano ang mga pinaggagagawa ko noon, hindi ko naman inaasahan na magiging duchess ako balang araw. Kagaya na lang ng lagi kong sinasabi, gusto kong makontrol ang buhay ko. Ayokong didiktahan ako ng isang posisyon o antas ng buhay.

"Did you already decide what you will wear on that small ball?" tanong ni Rafaelle nang walang pasabi siyang pumasok sa silid ko.

Umiling ako at binalik ang tingin sa mga magagarang gown na nakalatag sa kama ko. Lima iyon, dalawa ay victorian style dress at ang tatlo ay ang mga pausong style Queen Iesha, iyong simple pero malakas ang dating. Wala naman sa mga damit na ito ang gusto kong suotin. Hindi ganito ang mga sinusuot kong damit at pakiramdam ko ay pangit-pangit ko kapag ganyan ang mga damit ko.

"Pwede bang hindi na lang pumunta? Pagod pa ako dahil sa klase namin kanina ni Miss Amita." Bumuntonghininga ako.

Kumunot ang noo ni Rafaelle. "Hindi pwedeng wala ka roon dahil inaasahan ng mga mamayang pamilya sa Bien ang pagpunta mo. I heard that Lord Maxwell will attend that ball too. You need to be there dahil kung hindi ay baka makuha ni ng tió mo ang suporta ng lahat ng nandoon."

Umirap ako sa hangin. "Bakit kailangan pang kumuha ng suporta ng iba kung mismong ang hari na ang nagpasya na ako ang ilagay sa posisyon?"

Umiling siya. "Hindi mo naiintindihan ang lahat. Ang hari ay nagsisilbi sa bansa at hindi para sa sarili niya. Oo, magagawa niyang piliin kung sino ang ilalagay sa pwesto pero hindi siya bingi sa hinaing ng tao. Pwedeng mabago ang desisyon niya kung merong punto ang marami."

Tinaas kong tingin ko. "Marami na akong hindi naiintindihan sa umpisa pa lang pero nandito pa rin ako at tinanggap ang mga sinasabi niyo. Hindi pa man ako duchess ay para na akong tuta na sunud-sunuran lang sa iyo. Bawal kong malaman ang ganito! Hindi pa oras para malaman ang ganito! Litong-lito na ako at hindi ko alam kung kaya ko pa bang ipagpatuloy--"

"I'm bisexual," mahinang sabi niya na ikinatigil ko.

Umurong lahat ng emosyon ko nang sabihin niya iyon. Parang nawala ang lahat ng sasabihin ko dahil sa biglang pag-amin niya na hindi siya straight. May halo siya! Pero bakit ba ako nagulat? Sa umpisa pa lang ay may hinala na kami ni Sammy na baka nga pusong babae ang prinsipe.

"T-Talaga?" tanong ko ng wala sa sarili. Gusto ko na lang sampalin ang sarili ko dahil sa tanong kong walang kwenta.

Tumango siya. "Hindi iyon katanggap-tanggap, hindi ba? Siguradong itatakwil ako ng mga kapatid ko lalo na ang kuya kong si Rachim. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari kaya hindi ko mailabas ang sarili ko. Kaya kailangan ko ang tulong mo." Inabot niya ang kamay ko.

Bahagya akong natawa, ang mga mata ko ay nagtutubig dahil dapat kanina ay iiyak ako. Moment ko dapat kanina, eh.

"Paano kita matutulungan? Wala akong magagawa kung ayaw ka nilang tanggapin." Yumuko ako. Wala akong alam sa mga bagay na ganyan.

"Meron, Audrina. Noong sinabi ni Richart na isa kang tao na iba ang prinsipyo sa mga katulad namin, napaisip ako. Kaya tinanggap ko ang trabahong ito, kahit alam kong magiging mahirap ang pagkumbinsi sa iyo ay ginawa ko kasi alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin. Malakas ang loob mo at--"

Pareho kaming napatayo nang tuwid nang pumasok si Miss Amita. Pinagmamasdan niya kaming dalawa at nilapitan si Rafaelle.

"Su Alteza, you are not allowed to visit the lady while she is preparing," sabi nito at tinaasan ako ng kilay.

A Sudden Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon