Kabanata 8

627 17 0
                                    


Existence

Umupo ako sa tapat ni Ms. Amita Domingo, ang Miss Minchin kanina. Bago ko pa siya harapin ay tinanggal ko na lahat ng inis at pagka-irita ko sa kanya. Ayoko nang maging asal-kalye sa harapan niya at baka insultuhin na naman ako. Good thing, Rafaelle was able to made her calm every time I will do something unethical. Anong choice ko? Eh, iyon ang nakasanayan kong gawin. Dapat ba kaagad matatama ko ang pangungulangot, pagdighay nang malakas, at paghikab ko sa harapan niya? Lumaki ako nang nagagawa ang gusto ko at walang nagsasabi na mali iyon dahil ganoon naman talaga ang normal na tao.

"You are planning to be a respected person, a duchess of a great duchy. You should act like one. In the eyes of the people of Bien, you are still the illegitimate child of the former duke. Kahit pa ang iba ay gusto ko, mas marami pa rin ang nadududa sa iyo. Paano nga naman nila aasahan ang isang tao at babae pa na mamuno sa kanila kung ang pag-upo nang maayos sa harapan ng bisita ay hindi man lang magawa," sabi ni Amita at tinaasan ako ng kilay.

Tumikhim ako at pasimple na pinagmasdan kung paano siya nakaupo. Walang imik kong inayos ang pagkakaupo ko ayon sa pagkakapwesto niya. Kumunot ang noo ko nang kahit anong gawin ko ay hindi ko magaya kung paano nakaposisyon ang paa niya. Napasimangot ako at nakita ko ang pagngisi niya.

Tumayo siya at nilapitan ako. Sinenyasan niya akong tumayo kaya sinunod ko naman siya. Wala naman akong magagawa kung magrereklamo ako. Walang katapusang pag-aaway ang mangyayari sa amin.

"Sit properly, avoid leaning your back or else you will lose your posture. Don't cross your feet. Pagdikitin mo lang sila at dahan-dahan na iusog sa gilid ng upuan. Your hands if not holding something, will remain at your lap." Habang sinasabi niya iyon ay inaayos niya ako. Ngayong ko lang napagtanto na napakatigas pala ng katawan ko.

"Para saan ang sandalan kung hindi gagamitin?" tanong ko.

Nagtaas siya ng kilay kaya tinikom ko na lang ang bibig ko. Ayoko na lang mag-talk, wala rin naman akong panalo. Siya nga pala ang etiquette teacher ko at ang sabi niya ay hindi niya titigilan hanggang sa hindi ako natututo. Ayoko namang makamatayan niya na lang ako at sa pag-inom lang ng tsaa ang inabot niyang ituro sa akin.

"Hindi ba dapat ay maging natural lang tayo sa harap ng mga tao? Para makita nila ang tunay na tayo. Siguro kaya gusto nila ang ama ko kasi ang galing niyang magpanggap na maayos at may dignidad siyang tao. Pero tingnan mo naman, kung sino pa ang hindi mo inaasahang gagawa ng masama ay siya pa ang gumulat sa atin. I grew up with his leadership, I saw him once, tapos hindi na ulit. I once adore him dahil magiliw siya sa mga bata at hindi ko alam kung pagpapanggap lang iyon." Yumuko ako at binaba ang hawak na tasa ng tsaa.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Ms. Amita at saka inangat ang baba ko. "Having manners in front of people does not mean that you are pretending to be someone. It's your choice how will you carry yourself without thinking of just pretending. Pwede mo rin namang ipakita ang totoong ikaw sa maayos na paraan, hindi iyong hihikab ka nang malakas sa harap ng mga taong nirerespeto ng lahat."

"I want to be someone else. Iyong makilala at tatatak sa kanila hindi dahil sa isa ako sa mga naging Duchess ng Bien. I want to do something good that will make them remember me for the rest of the centuries." Ngumiti ako sa kanya.

Tumango siya. "I know you will be something. You have the same vibes as the current Queen. Naging estudyante ko rin siya noon at magkaparehong-makapareho kayo. Maraming reklamo at halos puro bagsak ang grado sa lahat ng excercises pero tingnan mo nga naman, siya pa ang naging reyna. Siya ang kauna-unahang reina ng Cordancia na walang dugong Espanyol. Siya rin ang mga tumapos sa mga hindi magandang tradisyon ng Cordancia at dahil doon, mas lalong napamahal sa kanya ang mga tao. And she never lose her poise. She's elegant and playful at the same time. She's a mother of the princesses and a queen of the country. She's a wife and a leader at the same time. She will be remembered and future generations will adore her. Wala sa dugo niya ang pamumuno pero dahil sa pagsisikap niya at ang pagmamahal niya sa hari ay nakuha niya ang gusto niya. Hindi ko iyon itinuro sa kanya pero ginawa niya dahil iyon ang gusto niya at sa tingin niyang liligaya siya."

A Sudden Heiress Where stories live. Discover now