Kabanata 31

307 5 0
                                    


Not Anymore

Halos magkasabay kaming nagulat ni papa nang marahas na bumukas ang pinto at niluwa no'n si mama na hingal na hingal na animo'y tumakbo nang napakalayo. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Okay lang kayo?" tanong niya at lumapit sa amin.

"Oo naman, ma. Bakit ba?" Pinaupo ko siya sa tabi ko.

Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Tumawag sa akin si Principe Rafaelle at sinabing nandito nga kayo at kausap mo ang tatay mo. Kilala kita, Audri, kaya nagmadali akong pumunta rito. Akala ko ay nag-aaway na kayo kaya nagtataka ako kung bakit buo pa rin ang katawan niyo."

Halos mapairap ako at narinig ko naman ang pagtawa ni papa. Tuwing si mama sa kanya na kunot na kunot ang noo. "Ano'ng nakakatawa, Harri? Ano ba ang nangyayari dito? Audrina!"

Natawa muna ako bago siya sinagot. "Okay na kami ni papa, mama. Huwag ka nang magulo d'yan."

Ang kaninang naguguluhan niyang itsura ay napalitan ng ngiti. "Talaga? Hindi ka na galit sa kanya?"

Umiling ako. "Ayos na ako, mama. Sana pala noon pa ako nakinig." I, once again, cried.

I just want to go back to my normal life with my papa and mama. Hindi na magiging matigas ang ulo ko, pangako 'yan. Please, bring back my old life.

"Salamat naman kung ganoon. Kay tagal kong hinintay ang araw na ito. Hindi ko alam kung ano ang nangayari pero nagpapasalamat ako at nagkatotoo na ang mga panalangin ko." Niyakap ako ni mama at hinawakan naman niya ang isang kamay ni papa.

Nagkatinginan kami ni papa. Tumango siya sa akin. He wants my mother to know the truth. Ako rin naman, ayoko nang maglihim sa mama ko. Sobra-sobra na ang pagsisinungaling na ginawa ko kaya siguro ganito kakomplikado ang lahat. Dapat si mama ang unang nakaaalam ng problema ko dahil siya ang pinakamalapit sa akin, pero mas pinili ko pang sabihin sa ibang tao at umasang maiintindihan nila ako. Mali ako.

"Mama," tawag ko sa kanya. Umayos ako ng upo at tiningnan siya.

Naghintay siya nang susunod kong sasabihin kaya tahimik siya pati na rin si papa.

Bumuga ako nang hangin. "At my young age, you thought me how to take care of myself. You thought to preserve my whole being, to protect my body." I looked into her eyes. "I failed you, mama. I was never the Audrina you thought I am. I am liberated. Sex became my enjoyment. I'm sorry. I lost my virginity when I was only 16 years old. I failed you, mama. I'm sorry." Bumitiw ako sa pagkakahawak ko sa kanya.

My heart is breaking, I could almost hear it tearing apart. Ganito pala kasakit magsabi ng bagay na alam mong ikadidismaya ng minamahal mo. Nagbaba ako ng tingin dahil ayokong makita kung paano ko binigo ang mama ko. Hindi ko kayang makita siyang masaktan dahil sa pinili kong landas. I am such a failure. I don't deserve her. She just wanted me to have a normal and peaceful life, but I am always choosing the complicated one.

"Why are you saying sorry for being yourself?"

Naangat ko ang tingin ko sa kanya. Sobra akong nabigla sa sinabi niya na inisip ko na guni-guni ko lang iyon. Sa sobrang pag-aasam na sana ay hindi siya magalit ay iyon ang narinig ko.

"Mama?" I called her.

She smiled. "I love you, Audrina. Just like your father, you are stubborn. Maaaring ako ang iyong ina pero wala akong karapatan na diktahan ka kung ano ang dapat mong gawin sa buhay mo. Simula nang magkaisip ka at nagsimulang gumawa ng sariling desisyon, tanging gabay na lang pwede kong ibigay sa iyo. Naniniwala ako na napalaki kita nang tama at hinding-hindi mo maipapahamak sa sarili mo kahit ano pa mang piliin mong landas. You are just like your father, but I love you with all of your flaws. Ganoon talaga siguro kapag nagmahal ka, mabubulag ka." She cupped my face and wiped my tears away. "If you are happy, then be yourself. Don't worry about me because, I will be here always supporting you with every decision you will make." She hugged me once again. "Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Natatakot ka ba na baka magalit ako?"

A Sudden Heiress Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt