Kabanata 33

323 7 0
                                    


Over

Panay ang sulyap ko kay Rafaelle na panay naman ang irap at iwas ng tingin sa akin. Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa gustong gawin. Maiintindihan niya ako sa oras na malaman niyang sa kanyang pa rin ako uuwi sa oras na matapos ang gulong ito.

"I want our wedding to be done tomorrow before your Acceptance Ceremony occured," sabi ni Benedict habang kumakain kami.

Nag-igting ang panga ko. Kinailangan ko munang huminga nang malalim bago nag-angat ng tingin sa kanya at ngumiti. "Sure, I'll ask a team to prepare our wedding tomorrow." Napalunok ako.

Naibagsak ni Rafaelle ang kanyang kubyertos kaya napatingin sa kanya. Umirap siya sa akin. Hay naku! Rafaelle!

"I'm done eating," sabi niya at saka mabilis na tumayo.

Nakasunod lang ang mata ko sa kanya hanggang sa makalabas siya ng dinning room. Ang hilig talagang magtampo nang hindi inaalam ang tunay na kwento. Iniwan niya pa ako kasama si Benedict kahit nangako siyang hindi ako iiwan. Ngumuso ako at pinagpatuloy ang pagkain. Wala naman akong karapatang magalit, naiintindihan kung bakit nagtatampo siya sa akin ngayon. He did everything to make me stay in my place, but I just gave up without telling him.

Napangiti ako nang bumalik siya sa dinning room at bumalik ulit sa upuan niya. Nagtaas siya ng kilay sa aking nang makita ang ngiti ko. Hindi rin pala ako matitiis.

"Bakit ka bumalik, Principe Rafaelle? Akala ko ay tapos ka ng kumain?" tanong ni Benedict.

"Masamang bumalik?" sarkastikong banat niya pabalik.

Wow naman, iba rin. Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Kailangan maramdaman ni Benedict na siniseryoso ko siya para hindi siya makahalata na may kakaiba sa akin.

"Hindi naman." Tipid siyang ngumiti pero alam kong naiinis na 'yan. Kung hindi lang prinsipe si Rafaelle ay baka binanatan na niya ito.

Mabilis akong pumasok sa kwarto ni Rafaelle pagkatapos naming kumain ng hapunan. Alam kong naglilinis siya ng katawan ngayon pero who cares? Gusto ko siyang makausap. Tulog na rin naman si Benedict kaya wala na akong aalalahanin.

"What are you doing here, Audrina? Nagbibihis pa lang ako," mahina pero may diing sabi niya.

"We need to talk," sagot ko. Ano naman kung makita ko ang katawan niya? Nahawakan ko na nga 'yan. What's the big deal?

"Go, tell me your excuses." Hindi na niya tinuloy ang pagbibihis. Tanging tuwalya lang na nakapalupot sa beywang niya ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan niya. He is topless and his hot abs are distracting me. What the hell? Dapat pala pinagbihis ko muna siya. Paano ako makakapagpaliwanag nang maayos nito?

Inangat ko ang tingin ko sa mukha niya. Nakakunot ang noo niya. Umupo siya sa kama at naghintay ng sasabihin ko. Wait lang, nag-practice na ako kanina. Ang abs namin kasi naninilaw.

"I'll give up Bien because that's the only thing I can do to protect the duchy from Benedict," panimula ko. Alam kong hindi pa iyon sapat sa kanya.

Umupo ako sa tabi niya at bumuntonghininga. "I don't want to do this, but I have no choice, darling. I promise that I won't give up anything. Ang sabi ko lalaban ako hanggang huli. But some things are meant to be given up."

"Am I one of those things?" Nagtatampo pa ang tono ng boses.

"Of course not. You are baby, you know? After all of this, I will come home to you. Matagal man pero alam kong hihintayin mo ako, hindi ba? You will still be there kahit na ikasal ako sa iba. You will understand that I need to do this. And you will know how much I hate that I need to do this." My tears just overflow and I can't stop it for some reason.

A Sudden Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon