Kabanata 27

314 6 0
                                    


Listen

Umupo kami sa buhanginan at pinagmasdan ang mga bituin. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin na parang mawawala ang isa kung sakaling makabitiw ang isa. Ganoon nga ang mangyayari sa amin. Sa tahimik na lugar din pa lang ito mabubuo ang isip ko. Kung walang magiging ibang paraan para makaalis, mas mabuting hindi ko na lang subukan pang umalis. I should pay the consequences of actions. I never thought that my recklessness will make me pay.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko naisip na mahuhulog din pala ang loob ko sa isang lalake. Kakaibang lalake. Hindi lang basta lalake. All in one na.

"I missed the Royal Palace," biglang usal ni Rafaelle kaya napatingin ako sa kanya.

Naningkit ang mga mata ko. "Oh? Baka nami-miss mo si Leo?" Nagtaas ako ng kilay.

Malakas ang tawa niya at saka ako hinarap. "Pwede rin."

Ngumiwi ako sa kanya at bahagyang lumayo. "Oh, ano pa ang hinihintay mo? Umuwi ka na kasi, pakihatid na lang ako kay mama."

Mas lalo siyang natawa sa naging reaksyon ko. Kung sabunutan ko ang lalakeng ito, makakatawa pa kaya siya?

"Selos ka ba?" Tumikhim siya at pinigilan nang matawa. "Seriously, I want you to meet my brothers. All of them. Not just princes and a king but my brothers. Also their wives."

Nawala na lang bigla ang inis nang maisip kung ano ang binabalak niyang gawin. Meeting the family stage na ba kami. Although, hindi naman iyon ang una naming pagkikita pero iba pa rin kung talagang mag-uusap kami nang hindi tungkol sa royalty business.

"Are you sure you want me to meet your family? I-I mean, hindi pa maayos ang lahat," mahinang sabi ko.

"Don't worry. Bonding lang naman. We will welcome you soon as the new Duchess of Bien. And based on the history, Bien and the Monarch didn't have a good relationship. I want you to be part of our family not only as a Duchess of the Great Duchy of Bien but also my Duchess. Duchess of Araniya." He kissed the back of my hand.

His Duchess...

"Are you serious, Rafaelle?" I asked him.

Tumango siya. "I never been this serious, Audrina. I just realized that, whatever feeling that I have with Leo is not as deep as the feeling I have for you. Siguro ay masyado lang akong natuwa kay Leo. He gave me happiness that even my family cannot give. He is indeed special. But you are spectacular. I am not afraid to show the real me. I am not afraid to be weak and show my weakness. With you, I don't have to be that perfect prince the world always want. I am me when I am with you."

I gave him my biggest and truest smile that I know I cannot with just anyone. "I promised to help you to be free. Gusto kong dumating ang araw na hindi na lang ako ang makakakita ng tunay na ikaw. I want the whole Cordancia see how awesome you are." Tumayo ako at nagpagpag ng damit para maalis ang mga dumikit na buhangin. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Let's go to the Royal Palace. I want to see your family."

Tinanggap niya ang kamay ko. Buong lakas ko siyang hinila kahit hindi naman na kailangan. Pagkatayo niya ay walang sabi-sabi akong hinalikan sa labi. Sandali lang iyon, parang dampi nga lang ang nangayari.

"Nasaan nga pala tayo?" tanong ko habang binabaybay ng sasakyan ang hindi pamilyar na lugar.

"Perene."

Oh, ang kakambal pala ng Bien ito. Parehong masama ang reputasyon. Mabuti na lang hindi pa sila isinama sa mga duchy na direktang hawak ng Royal Family. Ang alam kong hahawak nitong Perene ay si Lord Darius na wala pa sa tamang gulang para maipasa sa kanya ang Bien. Nasa pangangalaga ngayon ang bata ng Royal Council. Ang bait talaga ng bagong hari ngayon. Malamang kung hindi mapagpatawad ang hari ay ipitapon na lang din ang bata sa ampunan. You see can see thing in different way when you believe there is still goodness in devils.

A Sudden Heiress Where stories live. Discover now