Kabanata 36

335 6 1
                                    


For now

"Are you ready?"

Tumingin ako kay mama na pinili kong mag-ayos ng buhok ko para sa magiging piging sa pagtatapos ng season of picking. Sa wakas ay matatapos na rin ang pinakamahirap na panahon para sa akin. Makalalaya na rin ako sa nakasasakal na lugar na ito pati na rin kay Benedict.

"Hindi na ako makapaghintay sa mga magiging reaksyon ni Benedict. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi lang siya ang nag-iisang magaling maglaro dito. Kung babagsak ako ay isasama ko siya." Ngumisi ako at tumingin muli sa salamin.

Rafaelle already ordered an annulment case at naibigay na rin ang ebidensya na kinuha namin. Kaya lang ang sabi niya mababa na ang anim na buwan na paghihintay sa resulta. Hindi rin sigurado kung maaprobahan ba pero maaari naman daw umapela. Pinaubaya ko na iyon kay Rafaelle, alam kong hindi niya ako bibiguin.

"Kung ano man ang mangyari pagkatapos ng araw na ito, tandaan mong nandito lang kami ng papa mo at ni Sammy." Hinalikan niya ako sa pisngi at lumabas na ng kwarto.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan ng nilamon ng katahimikan ang buong paligid. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto na ilang buwan ko ring naging tahanan. Maraming maganda at hindi rin magagandang pangyayari sa kwartong ito. Natawa ako nang maalala ang unang pagkakataong nakita ni Rafaelle ang mga laruan ko. Hindi ko makalimutan ang mukha niya habang hawak ang vibrator na ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan.

Tumayo ako at pinuntahan ang cabinet kung saan ko tinatago dati ang mga laruan. Alam kong siya rin ang nagtapon ng mga iyon dahil siya lang naman ang kilala kong pinag-iinitan ang mga laruan ko. Kaya naman nagulat ako nang mamataan ang vibrator ko. Bakit bumalik?

Nakabalot pa ang mga iyon ng makapal na plastic. Para siguro hindi makita ng iba. May sulat pang kasama na nagsasabing, "I gonna give this back. I know you miss them. Sorry for hiding them for a short time. -Rafaelle". Napangiti ako sa sarili. Hay naku, kahit kailan talaga ang mahal na prinsipe napaka-generous.

Pinasok ko sa naka-impakeng gamit ko ang mga laruang iyon at isang beses pang pinagmasdan ang kwarto. Mami-miss ko ito pero hindi na ako babalik. Mas gusto ko ang dati kong buhay pero mas gusto ko ang magiging buhay ko kasama si Rafaelle. Ano kaya magiging buhay ko kasama siya? Magiging  maligaya siguro ako nang sobra.

"Huwag mo munang isipin 'yan, Audrina. Kasal ka pa kay Benedict at kailangan mo munang madispatya ang hayop na iyon," bulong ko sa sarili ko.

Bumuntonghininga ako. Ang daming nangyari ay hindi ko akalaing mai-in love ako sa isang prinsipe. Ang tunay na nagpabago sa buhay ko ay nang malaman kong isang dating duke ang tatay ko at ako tagapagmana niya. Hindi ko akalaing ganito pala ang buhay na ilalaan sa akin Diyos. Parang nakasakay sa rollercoaster. Hindi man puro masasaya ang nangyari at least, nakilala ko ang taong gusto kong paglaanan ng panghabang-buhay.

"Audrina, magsisimula na tayo. Nakaayos ka na ba?" Kumatok pa ng isang beses si Rafaelle sa pinto bago iyon binuksan.

Nakagat ko ang labi ko nang makita kung gaano siya kagwapo sa suot niyang tuxedo. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang nakapormal. Hindi lang basta tuxedo ang suot niya, isa iyon sa mga kadamitan nilang mga prinsipe tuwing may isang mahalagang pangyayari ang magaganap sa bansa.

"You look very beautiful, darling. Kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon sa paraan kung paano kita nakikita. You never failed to bloom in eyes," he said then put his arms around me.

"Binobola mo na naman ako, nakikita ko ang sarili ko sa salamin." Umirap ako.

"But your heart doesn't beat as my heart does. Your eyes can't see what eyes can see. Sinabi ko na ito sa iyo noon, bakit hanggang ngayon nagdududa ka pa rin?" tanong niya.

A Sudden Heiress Where stories live. Discover now