Kabanata 29

292 8 0
                                    


Talk

Ngumiti ako kay Leo na kaharap ko ngayon. Halata namang hindi siya komportable sa pagtitig ko sa kanya at talagang nginingitian ko pa siya kahit hindi kami close. Sakto kasing naabutan ko siya na nasa garden at siya lang mag-isa ang nandoon. Naisip ko na kausapin siya, baka sakaling mayl malaman pa ako kay Rafaelle.

"Kumusta ka?" basag ko sa katahimikan na kanina pa bumabalot sa amin.

Siya ang pinakabatang Royal Council at marami pa nga yatang kumontra noong sinama siya ng hari. He proved those who opposed him that they were wrong. He is the best young man so far in Cordancia.

"Ano ang kailangan niyo, Lady Reese?" walang emosyong tanong niya.

Ngumuso ako. "Audrina na lang, ano ka ba? Mas mataas pa rin ang katungkulan mo sa akin sa ngayon, hindi pa ako duchess." Umupo ako nang matuwid. "Close ba kayo ng mga prinsipe?"

Nagtaas siya ng isang kilay. "Nagkakausap kami kapag may kailangang pag-usapan pero sa tingin ko, hindi malapit sa pagiging kaibigan ang ugnayan namin. After all, they are the princes of this kingdom."

Aww, kawawang Rafaelle.

"E, kay Principe Rafaelle? Ang sabi niya sa akin, close kayo. Pinagluluto mo pa raw siya ng buffalo wings." Tumaas-baba ang kilay ko.

"I can call him as my friend pero hindi ko alam kung ganoon ang tingin niya sa akin. Dahil sa trabahong at katungkulang binigay sa akin ng hari, hindi na ako nagkapanahon sa mga kaibigan ko sa labas ng palasyo. Wala na akong makausap sa kanila ngayon. Lumalala pa iyon nang may mga taong hindi nagustuhan ang pagiging Royal Council ko. Kung hindi dahil sa trabaho ay hindi ko makakausap ang ibang Royal Council, madalas din akong mag-isa dahil mas gusto ko iyon kapag nag-aaral ako. Si Principe Rafaelle ang unang lumapit sa akin. Hindi ko iyon inaasahan dahil ang akala ko ay papasok lang ako sa palasyo para sa tungkulin. Hindi ko naisip na makipagkaibigan sa mga prinsipe dahil hindi naman dapat." Yumuko siya.

"Ow, masaya ka kapag nakikita si Principe Rafaelle?" Tinago ko ang pagngiti ko. Baka si Leo ang dahilan kaya naghahanap ng tulong si Rafaelle.

"Oo pero mas masaya ako kapag nakikit si Princesa Risha." Sumilay ang ngiti sa labi niya.

Nawala ang saya ko at napalitan ng pagkalito. "Bakit?"

Tumikhim siya. "Unang beses kong sasabihin sa iba kung ano ang buhay ko sa labas bago ako naging Royal Council. Naalala ko kay Princesa Risha ang anak ko."

Nalaglag ang panga ako. "A-Anak?"

Tumango siya. "Pero wala na siya dito sa Cordancia. Lumayo sila ng ina niya at sumama sa ibang lalake. Bata pa kami nang mabuntis ko siya. Nagalit ang magulang niya pero wala na silang magawa dahil nangyari na. Hindi ko alam kung ano ang naging pagkukulang ko. Nagtatrabaho ako habang nag-aaral para kahit papaano ay may maibigay ako sa mag-ina ko. Kaso mas pinili niyang sumama na lang sa lalakeng nakilala niya sa America na kayang ibigay ang lahat ng gusto nila. Gusto kong umapela nang sabihin niyang aalis sila ng Cordancia. May karapatan ako sa anak namin pero naisip kong malayo rin naman ang loob sa akin ng bata. Kung gusto niyang lumayo, hindi ko siya pipigilan, masakit lang na hindi ko na makikita ang anak ko."

"Hindi ka siguro minahal ng babae," alangan kong sabi.

Tipid siyang ngumiti. "Baka nga." Kinagat niya ang pag-ibabang labi niya. "Ang hiling ko lang ngayon ay sana hindi ako kamuhian ng anak ko kapag nalaman niya ang totoo. Sana maintindihan niya ako kung sakaling magkausap man kami sa hinaharap. Sana hindi niya isiping nagsisinungaling lang ako. Kasing edad niya ang prinsesa at tuwing nakikita ko siya, naalala ko ang anak ko."

A Sudden Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon