Kabanata 2

1.1K 32 4
                                    


Great

Imbis na matakot sa pananabunot ng prinsipe ay mas nagkalakas pa ako ng loob ng mas lalo siyang inisin. Halatang masyadong affected sa pagsasabi ko sa kanya ng bakla dahil tinadtad ako ng mensahe pagkatapos. As if namang matatakot ako sa mga pananakot niya, eh siya ang may kailangan sa akin.

"Hindi ka pwedeng umalis dahil pupunta rito si Principe Rafaelle. Makinig ka sa akin kahit ngayon lang, Audrina. Ang tigas ng ulo mo!" Hinarangan ni mama ang pinto at tinaasan ako ng kilay.

"It Wilsa's birthday party, mama. Matagal na niya akong inimbitahan. Mas nauna siya kaysa sa prinsipe na iyon." Sinubukan ko siyang itulak. Ayoko sana siyang kausapin pero naunahan niya ako sa may pinto. Wala namang ibang daan palabas dito.

"Pero mas importante ang sa prinsipe. Huwag nang matigas ang ulo mo," pagmamakaawa niya.

Ngumiwi ako. Hindi niya ako madadaan sa ganyan ngayon. Galit pa rin ako dahil sa tinagal-tagal ng taon na pwedeng sabihin niya sa akin ang totoo ay mas pinili niya na manahimik. Tapos ngayon ay pipilitin niya ako na maging kagaya ng kriminal kong ama? No way, highway!

"If you really love me, mama, you will not force me to do something I don't want to do. You know me, I want to be free. Always! Kahit ikaw ay hindi ako mapigilan. Why you will let me enter a life that will cage me for the rest of my life? Ikaw na ang nagsabi noon na you will let me do things that will make me happy. Why now? Anong nagbago at ganyan niyo na kagusto na dumikit ako sa kung ano man ang ibibigay sa akin ng ama ko ngayon?" She was shocked at first. Hindi siya nakapagsalita ng ilang segundo bago unti-unting lumayo sa pinto.

Ako naman ngayon ang nabato sa kinatatayuan at tinitigan pa si mama bago nagmamadaling inabot ang doorknob at umalis. As much as possible, I want to avoid dramas. Hindi iyon bagay sa akin. Akala ko naman kasi ay sadyang maganda lang ang trabahong pinapasukan ng mama ko kaya ang ganda ng buhay ko. Kahit na sa apartment lang kami nakatira at palipat-lipat pa kung minsan ay hindi ko nagawang magreklamo. Ikaw ba naman na mag-aral sa malaking school na may rooftop at sariling clock tower, ang ganda pa ng uniform. Tapos lagi ang sasarap ng lunch ko at ang laki ng allowance ko. Kaya nga nakabibili ako ng mga sex toys. Kapag nakita ni mama iyon sa kwarto siguradong yari ako.

If my father really had a concern for me, he should introduce himself to me properly. Money is nothing compare to a father's love. I never hated him, I know he has reasons. Iyon lagi ang nasa isip ko noong bata pa ako. Iyon lagi ang isinasapuso ko dahil ayokong lumaki sa galit. I tried my best to look for the beauty of what he did. Tapos ganito lang pala. Hindi lang pala niya ako iniwan, gusto rin pala niya akong mawala na talaga nang tuluyan. Although he provided me money, it doesn't change the fact that he once treated me as a trash that needs to dispose.

"Akala ko hindi ka na pupunta? Anong sabi ni tita at saka no'ng prinsipe?" tanong ni Sammy nang sunduin niya ako gamit ang kotse niya. I always wanted one but my mother won't allow me. Ang sabi niya wala raw kaming sobra-sobrang pera.

"Makulit silang pareho. I don't want to be a duchess, I made it clear. Paulit-ulit!" Sinuot ko ang seatbelt.

"Eh, bakit kasi ayaw mo? You will live like a princess in the mansion. You will have a great power tapos lagi kang magpapa-party!" sigaw ni Sammy habang tinatahak namin ang daan papunta sa plastic naming kaklase na si Wilsa.

"As if na puro party lang ang magaganap doon! Mas maraming mabibigat na responsibilities ang dapat unahin kaysa sa party. Baka nga bihira na lang ako makalabas at baka hindi na rin ako maka-party nang ganito. And worst, baka hindi na rin tayo madalas magkita. They treat me different, wala ng mga lalake. That's not the life I want. I don't want responsibilities. I want to live my life. I don't want to share it with other people. At higit sa lahat, ayokong matulad sa ama ko." I sighed. Marami pa akong dahilan kung bakit ayokong tanggapin. I can't say them all.

A Sudden Heiress Where stories live. Discover now