36

7 1 0
                                    

Samantala naman sa simbahan, nakahanda na ang lahat.

Hinihintay ni Patrick na maglakad si Valerie sa aisle.

Nagsisimula nang tumugtog ng wedding music ang organist.

Naglalakad na ngayon ang mga tao sa aisle.

Sina Benjamin at Valerie ay naghihintay na makalakad.

"Valerie..."

"Dad..."

"Make me and your mother proud."

Mananahimik nalang si Valerie.

Itutugtog na ang wedding march.

Lalakad na sila Valerie at Benjamin papunta sa altar.


Si Mario ay nagmamaneho at naghahatid kina Cyril, Gloria, Aldo, at Marissa sa simbahan.

Nag-uusap sila tungkol sa plano nina Benjamin at Melanie.

"Sakto lang din, nandoon si Topaz. May mga private make-up services din siya para sa mga events eh. Pero sandali lang... So yung ninong at ninang ni Patrick, plano nilang patayin yung mga Soledad, at nakawin ang yaman nila?"

Tanong ni Mario.

"Oo, atsaka kaya gusto ako ilunod ni Mrs. Arpia kasi gusto niyang manigurado na walang makakapagpigil sa mga plano nila."

Sagot ni Cyril.

"Paano mo naman magagawa yun ate?"

Tanong naman ni Marissa.

"Kasi nga, baka ako talaga yung gusto ni Patrick, at hindi anak nila."

"Grabe, tapos ngayon ang kasal nila?"

Tanong ni Gloria.

"Oo, kaya kailangan na natin bilisan. Kailangan natin matigil yung kasal."

Iikutin na ni Mario ang taxi at itatakbo na niya ito ng mabilis.


Nakarating na si Valerie sa altar na katabi si Patrick.

Magsasalita na ang pari.

"Dearly beloved, we are gathered here today..."

Sisingit si Melanie sa tabi ni Benjamin.

Mapapangiti sina Benjamin at Melanie sa isa't isa.

Si Topaz in attendance. Nasa mga pew kasama ang mga ibang maids of honor.


"Alam mo, hindi ako makapaniwala na madali ka naming itinakas. Bakit wala siyang iniwan na tao para bantayan ka?" tanong ni Mario.


"Overconfidence siguro? Malaki rin kasi ng ulo nung babae na iyon. Isa pa, siguro dahil kailangan niya ang lahat ng makukuha niya para matupad ang kanyang layunin, at iyon ay ang patayin si Patrick at ang kanyang pamilya." sagot ni Cyril.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na ang apat sa simbahan.

Pumara ang taxi ni Mario sa harap ng simbahan.

Magsasapatos si Cyril.

"Dito lang kayo ha. Baka kasi maging delikado. Kuya, yung mga pulis, tawagan mo na."

Paalala ni Cyril kay Mario at sa mga bata.

"Sige."

Lalabas na si Cyril sa taxi.


Wedding vows na.

Tatanungin na ng pari si Patrick.

"Mr. Patrick Soledad, do you take Ms. Valerie Arpia as your lawfully wedded wife?"

"I..."

Titig na titig sa kanya si Valerie.

"C'mon! Say I do!"

Pabulong na sinasabi ni Melanie.

"I..."

Magtataka na ang mga tao sa kung ano ang nangyayari.

"I-"

Mapapansin niya na lumalakad si Cyril sa aisle.

"ItIgIl AnG kAsAl!"

Hingal na pasabi ni Cyril nang subukan niyang isigaw ito.

Basang basa rin siya habang nakatayo sa entrance ng simbahan.

Cyril (Tagalog Version)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora