24

6 1 0
                                    

Tatakbo at tatakbo si Cyril hanggang makalabas siya ng ball.

Mas lalo namang lalakasan ni Patrick ang pagtawag niya kay Cyril.

"Cyril! CYRIL! PLEASE DON'T GO!"

Tatakbo at tatakbo lang si Cyril.

Tatakbo siya sa gitna ng dance floor, hahabulin siya ni Patrick.

Bababa siya ng stairs, kaso biglang aksidente niyang maiiwan ang isa sa mga sapatos niya.

Susubukan niyang bumalik para kunin ito.

Kaso maririnig niya si Patrick.

"CYRIL! CYRIL!"

Iiwanan na niya ang sapatos at itutuloy niya ang pagtakbo paalis ng hall.

Makikita ni Patrick na naiwan ni Cyril ang kanyang sapatos.

Pupulutin niya ito.

Hahabol sina Elijah, Esther, Erwin, Melanie, Benjamin at Valerie sakanya.

Tatawagin ni Esther ang anak niya.

"Patrick!"

"Ma."

Magtatanong naman si Erwin.

"Anong ngyari?"

Hindi masyado makasalita si Patrick.

"I..."

Titingin sya sa kalsada at mananahimik ng unti.


Samantala naman si Cyril ay nakalayo na sa community hall.

Kita na niya si Mario. Tatakbo na siya papunta sakanya

"Kuya Mario!"

"Oh Cyril! Nasaan yung isang sapatos?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag, magmaneho ka na please! Alis na tayo!"

"O sige sige, sakay na!"

Magmamaneho na si Mario.

Aalis na silang dalawa ni Cyril.

Habang tumatakbo ang kotse ni Mario, titingin si Cyril sa bintana, iisipin ang mga mabibilis na pangyayari.

Cyril (Tagalog Version)Where stories live. Discover now