29

7 0 0
                                    

Monday na ulit. 

May pasok nanaman si Cyril sa Funside Local Diner.

Naglilinis siya ng sahig.

Lalapitan siya ni Reinald.

"Wow, sipag ngayon ni Besh ha."

"Syempre, payday ngayon eh."

"Talagang gustong makasahod."

"Lahat naman tayo diba?"

"Sabagay."

Itutuloy ni Cyril ang paglinis ng sahig.

"Atsaka malapit ko na rin kasi maipon yung pera na kailangan ko para sa bakery."

"Gaano kalapit nga ba?"

Tanong ni Reinald.

"Actually, sakto na yung pera ko para mabili ulit yung lupa. Nabawasan lang yung pera ko para makapunta ng Albay. Pero hopefully, madadagdagan ulit dahil sa makukuha natin today."


Sa wakas at nakarating na rin ang hapon.

Nakapila na ang mga empleado ng Funside local diner para makuha ang sweldo.

Pagkatapos ng ilang minuto, sunod na si Cyril sa pila.

Nakaharap na rin niya ang boss niya.

"Oh De Mesa, para sayo. Pinaghirapan mo yan."

"Thank you sir!"

Natutuwa si Cyril dahil nakuha na niya sweldo niya.

Kukunin niya yung lumang number card ng bakery ng pamilya niya sa kanyang wallet at pagmamasdan niya ito.


Pagkatapos ng mahabang araw, umuwi na rin si Cyril.

Gusto niya tingnan kung sakto na ang kanyang ipon.

Kukunin niya lahat ng alkansya, bag, at envelope na ginamit niya para sa pag-ipon.

Titingnan din niya ang balanse niya sa banko gamit ng cell phone.

Bibilangin at icocompute niya ang mga naipon niya.

May ballpen, papel at calculator siyang nilabas.

Pagkatapos ng ilang oras, mukhang naibilang na niya ang bawat sentimo na naipon niya.

"Yes!"


Sa sumunod na araw, hindi pumasok si Cyril.

Tinago niya ang cash niya sa isang bag para ideposito sa banko.

Pagkatapos ng deposit, titingnan niya ulit balanse niya sa phone. Makikita niya na na-transcribe na ang pera niya.

Pagkatapos 'neto ay dumeretso siya sa pinakamalapit na computer shop.

Aasikasuhin niya yung resignation letter niya sa Fun Side local diner.

Kaso, may tao na parang nag-oobserve sakanya sa kabilang dulo ng shop. 

Yung private investigator ni Melanie.

Cyril (Tagalog Version)Where stories live. Discover now