26

8 1 0
                                    

"NAIWAN MO SYA!?"

Sigaw ni Topaz.

"Shh!! Madaling araw na."

Pabulong na pagsabi ni Cyril sakanyang kaibigan.

Hihinaan na rin ni Topaz ang kanyang boses, pero hindi pa rin niya mapigilan na magreact sa pagkawala nung isang sapatos na ipinahiram niya kay Cyril.

"Eh paano naman ako mananahimik, eh kasama sa shipping yung sapatos!"

"Alam ko pero, ano kasi eh... Naghabulan kami ni Patrick."

"Ano??"

"Bigla nalang sya nadulas sa paa ko. Hindi ko na sya nabalikan. Sinubukan kong balikan pero palapit na si Patrick saakin eh-"

"Eh kailangan mo parin balikan yun!"

Sabi ni Topaz sa paraang mapamilit.

"Topaz ayoko na! Ayoko na siyang makita ulit. Bayaran ko nalang yung sapatos."

"Sandali lang... ha?! Bakit ayaw mo na siya makita?"

Pupunta sa bintana si Cyril.

Mabigat ang loob niya habang naghahanda siyang sabihin kay Topaz tungkol sa nangyari kanina.

"May nalaman kasi ako..."

"Ano yun?"

"Nalaman ko na engagement party pala yung pinuntahan ko. Na ikakasal na pala siya. Doon sa anak nung ninong at ninang niya."

"Ha? Engagement party? Eh paano yun ngyari? Akalako single siya?"

"Akalako rin. Yun pala, nilihim niya yun saakin."

"Eh... Baka naman kasi may dahilan siya kung bakit niya nagawa yun. Kung alam mo yung pinagsasabi ko."

Titingin si Cyril kay Topaz.

"Topaz... Kahit sabihin natin na may gusto nga siya saakin, hindi pa rin pwede! Pamilya niya yun eh. Atsaka, kahit iwanan man niya yung Valerie na yun sa altar, hindi pa rin posible na magkakatuluyan kami. Tandaan mo, babalik na rin ako ng probinsya noh. Hinihintay ko nalang yung mga susunod na sweldo ko."

"Pero, hindi na nga ba kayo pwede magkita ulit?"

"Sa puntong ito, ayoko maging homewrecker. Ayoko rin manira ng pamilya. Kaya kung kailangan ko siyang iwasan para hindi mangyari yun, gagawin ko yun. At, kung kailangan mo talaga yung sapatos, babayaran ko nalang siya."

"Hindi."

"Ha? Eh diba-"

"Huwag mo na siyang bayaran. Ibibigay ko nalang yung mga sapatos na yun sayo."

"Eh paano yung custome-"

"Ididiscount ko nalang siya. Sabihin ko nalang din na nagkaproblema doon sa sapatos kaya hindi na siya kasama doon sa order."

"Sigurado ka ba? Grabe malaki na yung utang na loob ko sayo ha."

"Grabe, huwag mo na isipin yun. Again, best friend kita. Gusto kong makamit mo ang mga pangarap mo. Atsaka..."

Kukunin ni Topaz yung isang sapatos at ilalagay sa kamay ni Cyril.

"Regalo ko nalang din yan sayo. Para kahit papaano, kahit hindi maganda yung pagtapos ng gabi mo, at least may souvenir ka. Nagsaya ka naman din kahit papaano diba?"

"Kung tanggalin yung ngyari sa dulo, oo naman. At nagpapasalamat talaga ako sayo."

"Walang anuman."

Yayakapin ni Cyril si Topaz.

Biglang magriring phone ni Cyril. 

Tumatawag si Patrick.

"Oh, sasagutin mo ba yan?"

Irereject ni Cyril yung call at iboblock yung number.

Cyril (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon