15

9 0 0
                                    

Sa kabilang dulo naman, si Cyril ay nasa bahay, nagbibilang ng kanyang pera.

Kakausapin niya sila Keith at Walter.

"Ano ba yan, kailangan ko nanaman magbawas ng pera 'neto."

Mag-iingay sina Keith at Walter.

"Eh nakakahiya naman kung makikihingi pa ako ng damit sakanya. Sariling gastos ko nalang ito. Kay Topaz nalang ako bibili ng outfit. Baka meron syang maipapasuot saakin."

Kukuha ng pera si Cyril sa ipon niya.


Pagkatapos makuha ang saktong pera na kailangan niya, lalakad na siya papunta doon sa Topaz's Telas.

Papasok siya sa loob ng tindahan at pipili na sa mga sandosenang damit.

Kukuha sya ng damit na nakahanger tapos dederetso na sya ng cash register para bayaran si Topaz.

Bigla siyang kakausapin ni Topaz.

"Cyril. Umamin ka nga saakin."

Magiging tahimik ang paligid.

"Nakikiraket ka ba doon sa anak nung may ari nung Soledad Elegante?"

"Ha? Bakit mo naman biglang naisip yun?"

"Ano ka ba, andami kayang namimili ng damit ngayon. At lahat sila ay nagsasabi na susuotin nila ito sa party ng mga Soledad. At nagkataon lang din na isa ka sa mga namimili ng damit ngayon. Kaya umamin ka na nga saakin, siya nga ba yung nagpaparaket sayo ngayon?"

Kikiligin nalang si Cyril.

"Aba! Ganda mo ha! Nakajackpot ka na ngayon mhiee! So ano? Baka naman kaya namimili ka ngayon kasi hindi pala para sa party, magdedate lang pala kayo."

"Gaga hindi! Makikiraan lang ako doon. Pinipilit kasi ako ni Patrick pumunta, eh syempre pinagbigyan ko nalang din. Nakakaawa kasi."

"Grabe naman ito. Nakakaawa talaga?"

Ngingiti at tatawa nalang sila Cyril at Topaz.

"Pero wait, makikiraan ka lang? Edi ibigay ko nalang sayo ng libre yan."

Makokonsensya si Cyril.

"Ha! Huy huwag! Customer pa rin ako noh!"

"Best friend naman kita ha!"

"Eh still, deserve mo pa rin na mabayaran Topaz. Pinaghirapan mo rin itong negosyo mo noh."

"Sigurado ka ba?"

"Yes. Ako nga, pangarap din na magkaroon ng sariling negosyo. Syempre ipapabayad din kita noh!"

"Kakaloka ka bhe!"

Tatawa na lang sila ulit.

"O sige ha. Tatanggapin ko ito. Pero hindi ko na ibabalik ha!"

"Oo naman! O sige na, magbibihis pa ako. Kwentuhan nalang kita pagbalik ko."

"Sige. See you later! Enjoy ka ha!"

Lalabas na si Cyril ng Topaz's Telas.

Bumalik ito sa kanyang tinitirahan upang magpalit ng damit.

Pinili niya ang kulay turquoise na tuxedo bilang damit niya para sa party.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakabihis na siya.

Titingnan niya yung sarili niya sa salamin na suot na ito.

"Taray oh!"

Sila Keith at Walter ay nakatingin lang sa kabilang dulo.

Ililipat ni Cyril ang atensyon niya sa kanyang mga alaga.

"Okay ba?"

Titingin ulit siya sa salamin at hihinga ng malalim.

Titingin ulit siya kay Keith at Walter ng isa pang beses.

"Kakayanin natin ito."


Lalabas na si Cyril sa kanyang bahay.

Makakasalubong niya sila Gloria, Marissa at Aldo, kakauwi lang galing sa ibang bahay.

Sabay ang tatlo tatawag sakanya.

"Ate Cyril!"

"Hi!"

Unang magsasalita si Marissa.

"Wow ate ang ganda mo ngayon!"

"Salamat! May pupuntahan akong party eh! Sandali lang, parang ginabi naman kayo ha."

Si Gloria naman ay sasagot.

"Pumunta kasi kami sa bahay ng kaibigan namin. May project kasi kaming ginawa para sa school eh, kaya di kami nakauwi agad."

Biglang sisingit si Aldo.

"Pero okay na ate, natapos naman namin!"

Magsasalita si Cyril ulit.

"Sige ha, mabuti na inaatupag niyo yung pag aaral ninyo. Pero dapat mag-ingat din kayo ha, huwag kayo masyado magpagabi. Ambabata niyo pa."

Sabay ulit silang tatlong sasagot.

"Sige po!"

"O sya, mauna na ako ha! Nagmamadali na kasi ako eh."

Magsasalita nanaman si Aldo.

"Sige ate!"

Sabay naman sina Gloria at Marissa na magsasalita.

"Bye ate!"

Lalakad na si Cyril palabas ng Section 18.


Pagkatapos ng ilang minuto, nakalabas na rin siya ng gate ng subdivision niya at  naghihintay na rin ng sakay papunta ng Silver Haven.

Habang naghihintay, mapapansin niya na hindi nakatali ang sintas ng kanyang sapatos.

Itatali nya muna ito.

Bigla nalang may dadaan na jeep, pero sobrang bilis ang pagtakbo at hindi ito titigil. Dere-deretso syang tatakbo.

Mapapansin ito ni Cyril at susubukang habulin.

"Huy sandali!"

Nung sinubukan niyang habulin ang jeep, biglang nadulas siya sa sementong tinatapakan niya at nahulog siya sa kanal.

Nadumihan ang kanyang mamahalin na suot.

Cyril (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon