34

6 1 0
                                    

Sila Marissa, Aldo at Gloria ay pauwi galing eskwelahan.

"Ano ba yan, andami nanamang kailangan gawin."

Reklamo ni Marissa.

"Di bale, pwede naman tayo magtulungan."

Komento naman ni Gloria.

Biglang may dadaan na van at magse-speedup at bubusina sa mga bata.

"Huy!"

Sigaw ni Aldo.

"Ang bastos ha!"

Sigaw naman ni Gloria.

"Hala!"

Sabi naman ni Marissa.

Kakaliwa ang van.

"Sundan nga natin yun!"

Sabi ni Aldo.

"Huwag tayo magpahalata ha!"

Paalaala naman ni Marissa.

Tatakbo sila at susundan nila yung van.

Makikita nila na tumigil yung van sa isang lumang warehouse.

Magtatago ang mga bata sa isang puno at sisilip.

Makikita nila si Melanie lalabas ng van, pati mga bodyguards niya na buhat si Cyril na wala pa ring malay.

Papasok na sila ng warehouse.

"Ate Cyril?"

Mapapansin ni Aldo.

"Hala! Parang kinidnap sya!"

Sabi ni Marissa.

"Kailangan natin humingi ng tulong!"

Sabi naman ni Gloria.

"Dali!"

Komento naman ni Aldo.

Tatakbo na sila pabalik ng Section 18.


Dinala si Cyril sa isang lumang warehouse na may malaking aquarium na mukhang luma at walang laman.

Gumising siya. Nakatali ang kamay at paa at nakalagay siya sa loob ng aquarium

"Ha?"

"Rise and shine sleeping beauty!"

Sigaw ni Melanie, pagkalabas niya na nakaayos na para sa wedding nina Patrick at Valerie.

"Hello, Cyril!"

"Mrs. Arpia?"

"That's right!"

Makikita ni Cyril na nakatali siya at nakalagay sa aquarium.

"Huh? Sandali lang po, bakit ako nandito."

Mahihirapang gumalaw si Cyril.

"Hindi po ako makagalaw!"

"Of course you can't. Dyan ka lang noh! Well at least, until you're still able to breathe."

Hindi naiintindihan ni Cyril ang sinasabi niya.

"Huh?"


Nakarating na ang tatlong bata sa Section 18.

Tatakbo sila sa Topaz's Telas.

Makikita nila si Mario naglilinis ng bintana ng taxi niya.

"Kuya Mario!"

Sabay nilang tatlong isinigaw.

"Oh, mga bulilit. Anong kailangan niyo?"

"Si ate Cyril! Kinidnap sya!"

Sagot ni Gloria sa tanong ni Mario.

"Ha?? Saan? Paano?"

"Dalhin ka namin po doon!"

Sagot naman ni Marissa.

"Kailangan po natin mag taxi!"

Komento naman ni Aldo.

"O sige, sakay na kayo!"

Sasakay na silang apat sa taxi.


Samantala naman sa warehouse, ipinagmamasdan pa rin ni Melanie si Cyril habang nakatali siya sa loob ng aquarium.

"Sige na po, pakawalan niyo na po ako. Bakit niyo ba ito ginagawa?"

"You see, Cyril. Me and my husband were both planning to take over the family business of the Soledads. Eventually, mangyayari at mangyayari naman din yun kapag ikinasal na sila Patrick at Valerie. However, YOU came into the picture!"

Makikinig si Cyril na nabibigla sa nalalaman niya.

"You know what's ridiculous? Of all the people who could ACTUALLY have the potential to ruin our plans, isang bakla pa talaga?! My gahd. Patrick really lowered his standards."

"Pero ikakasal naman sila ha. Aalis naman dapat ako. Bakit pa rin ako nadadamay dito?"

"Me and Benjamin just want to make sure that NOTHING will get in our way. So... Why not get rid of the ONLY thing that's hindering us from our plans?"

"Sandali lang, may kinalaman din ba yung anak niyo dito?"

"Oh no, she has no idea. But why does it matter? She'll do whatever we want her to do. Even if that includes getting married to a guy that she CLEARLY doesn't have feelings for."

"Ano ba talagang balak ninyo?"

"Simple. Pag ikinasal na sila Patrick at Valerie? Papatayin namin ang mga Soledads. In the process, saamin malilipat ang yaman nila, since technically, our daughter will be a part of their family by that time."

"Pero bakit niyo pa kailangan gawin yun? Hindi ba mayaman na kayo?"

"Not rich enough to say we're number one, Cyril. Hindi enough ang number 2! We have a resort, a gym and a spa. Yet for some reason, that freaking restaurant of the Soledads ALWAYS ends up being number one in making money. Hindi kami papayag ng asawa ko. The Arpias are and WILL ALWAYS BE NUMBER ONE!"

"Bakit sarili niyo lang iniisip ninyo? At kung totoo nga yung sinasabi ninyo na walang alam si Valerie, hindi niyo ba naiisip kung ano yung pwedeng maramdaman niya?"

"Does it matter? We are the parents after all. We KNOW what's best."

Bubuksan ni Melanie ang gripo na nakakonekta sa aquarium. Pinapasukan na ng tubig yung aquarium.

"Care for a swim? At least... For one last time?"

"Hindi ko lang maintindihan, bakit hindi niyo nalang ako pinatay nung nasa bahay pa ninyo ako?"

"Oh Cyril... Alam mo naman na madali kaming mahuhuli doon kapag pinatay ka namin sa bahay namin. So why not in a place where no one suspects?"

Lalakas ang daloy ng tubig.

"Hala!"

Magsisimulang magpanic si Cyril

Tuluy-tuloy ang pagdaloy ng tubig.

"Hindi kayo magtatagumpay!"

"I'm sorry dear, but I think we're about to."

Tatawa si Melanie.

"Enjoy your final swim dear!"

Aalis na si Melanie, sasama na rin ang mga bodyguards sakanya. Iiwanan nila si Cyril na malunod sa aquarium.

Cyril (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon