6

17 0 0
                                    

Next day na. 

11:30 AM.

Magkakaroon ng meeting ang mga Arpia at Soledad tungkol sa kasal nina Patrick at Valerie, pati na rin tungkol sa kaganapan para sa wedding anniversary party ng mga Soledads sa darating na Sabado.

Dumating sina Melanie, Benjamin at Valerie sa mansyon ng mga Soledad na nakasakay sakanilang van. 

Sasalubungin nina Esther, Erwin at Patrick yung mga Arpias.

Lalabas na ang mga Arpia sa van at babatiin ni Melanie ang kanyang mga kaibigan.

"Erwin! Esther dear!"

Babatiin ng mga magulang ang isa't isa sa pamamagitan ng mga halik, yakap at pakikipagkamay, habang sila Valerie at Patrick naman ay awkward.

Babatiin ng mahina ni Valerie si Patrick.

"Hi."

Sasagutin naman niya si Valerie.

"Hey."

Lalapitan ni Melanie ang kanyang inaanak.

"Patrick inaanak! How are you!"

"Okay lang po ninang! Hi Ninong!"

Makikipagbeso at bless ang inaanak sa kanyang ninong at ninang.

Gagawin din ni Valerie iyon kay Esther at Erwin.

Pagkatapos ng pagbati sa isa't isa, magsasalita na si Esther.

"So, let's proceed na to the meeting room?"

Tuwang-tuwang na sasagot si Melanie

"Yes! I'm so excited!"

Pupunta na ang mga pamilya sa meeting room ng mansyon at dederetso na silang uupo sa mga upuan na kasama ng mesa na nakaayos para sakanila. 

Kasama dito ay ang isang projector na nakapwesto sa gitna ng mesa at projector screen na nakalagay sa harap nila.

Ang mga Soledad, Arpia at iba pang wedding organizers ay nagtipon-tipon para pag-usapan ang kasal nina Patrick at Valerie.

Tatayo si Melanie, magpapatuloy sa harapan at magsisimulang magtalakay tungkol sa kanyang mga ideya para sa kasal.

"So, I was thinking, how about we hold the wedding at our resort? After all, we are aiming for something exotic for this wedding right?"

Titingin si Esther kay Patrick at Valerie.

Biglang magsisingit siya ng komento.

"Umm mars? Don't you think na mas elegant kung sa simbahan nalang sila ikasal? Kasi, seriously? Sa resort? I mean... Think about it."

"At bakit naman hindi mars? This is the wedding of the century! Churches are cliche! How about we spice it up a little?"

Sisingit na si Erwin sa usapan.

"Actually Mel, I have to agree with my wife here. Kasi, if I have to remind you, yung anak mo yung aangkin ng apelyido ng anak namin. Not the other way around. And also, tradition na kasi ng family namin na sa church talaga magpakasal. 

Magkakaroon ng kunting katahimikan para mapag-isipan ng mabuti ang ideya.

"So I guess, maybe for a little respect for the ones that came before us?"

Dagdag ni Erwin.

Nanlaki ang mga mata ni Melanie, at titingin siya kay Valerie.

Si Valerie naman ay magkokomento na rin tungkol sa ideya ng kanyang ina.

"Oo nga po ma. Atsaka, para naman siguro mas solemn yung dating diba?"

Sasama ang tingin ni Melanie.

"Well, I just want the best for my daughter and my godson."

Habang may tensyon na ngyayari sa mga matatanda, si Patrick naman ay tinetext si Cyril tungkol sa pagkikita nila ng 5pm.

"5 PM ha!"

Message sent to Cyril.

Balik kay Melanie, mukhang go with the flow nalang siya sa meeting at hindi na tututol, sa kabila ng maliwanag na gustong gawin ito.

"Fine, have it your way. After all, kayo naman ang mas malaki ang ambag sa wedding na ito."

Matutuwa si Esther sa sagot ng kanyang kaibigan.

"Thank you mars."

Uupo na si Melanie at tatabi kay Benjamin.

Aaliwin ni Benjamin ang kanyang asawa.

"It's okay dear, ako na bahala."

Si Benjamin naman tatayo.

"Okay, so for the catering and the reception-"

Maririnig niya si Patrick nagtetext

"Uhh Patrick, can't you listen for a moment?"

"Ahh, sorry ninong! I was just texting some people to help for later kasi."

Hahanga si Esther sa kanyang narinig

"May nahanap ka ng venue anak?"

"Yes po mommy. I have also met some good people who are willing to help."

"Oh that's great!"

"Pero kailangan din po kasi namin ni Elijah ng extra help, kasi sobrang laki nung venue eh."

Aalahanin ni Esther ang pangangailangan ng anak.

"Sige anak, I'll take note of that."

Sisingit naman si Melanie.

"Well we look forward to what you guys have in store. Just make sure that apart from your parents' celebration, you are also doing it for the wedding, okay Patrick?"

Mananahimik ng sandali si Patrick bago sumagot.

"Yes, ninang."

Tatango si Melanie, at bibigyan si Benjamin ng gesture para magpatuloy siya.

Itutuloy na ni Benjamin ang pagsasalita.

"Well... I guess we can proceed now. Okay Patrick?"

"Yes ninong."

"Okay... So as I was saying..."

Cyril (Tagalog Version)Where stories live. Discover now