His lips rose in amusement while staring at me. "Susuotin mo ang gusto mong suotin, Rai. At ako... huhubarin ko ang gusto kong hubarin..."



Napalunok ako at tumuwid ng tayo. "M-Magbibihis na pala ako," wika ko na lang.



Ngumisi siya. "Ang bilis namang magbago ng isip mo."



"Saan ba tayo?" I asked instead, ignoring what he said.



"Airport," he briefly responded and flashed a smirk. "May susunduin lang tayo..."



"Okay, I'll come with you..."



Iyon ang huli kong sinabi bago siya nilagpasan. Pinutol ko ang usapan namin at dumiretso sa hagdanan. I'm on my way to my room to change my clothes. I'm coming with him and I don't know why. Nang marinig ko kasi ang isang pamilyar na pangalan mula sa kaniyang bibig ay parang tinutulak ako ng sarili ko na samahan siyang sunduin ang Shekainah na iyon.



Alam ko na siya ang susunduin dahil dinig ko ang pagkakasambit ni Rence ng pangalan niya kanina. I am curious and wondering who's really that Shekainah. Gusto ko rin malaman kung ano ang papel niya sa buhay ni Rence. Gusto kong makita ang hitsura niya, gusto ko siyang makita.



I don't know what's wrong with me. I wore one of the sexiest dresses that Han gave and brought to me last time. Pagkababa ko nang pagkababa sa hagdan ay nasilayan ko kaagad ang preskong mukha ni Rence. Nakatanaw siya sa akin habang nakapamulsa pa. Sinuyod niya ako ng tingin at tumagis ang bagang niya.



Mula ako sa silid ko at doon ako nagbihis. Nero and Mommy was not there, they're in the backyard. Sinilip ko sila sa bintana matapos kong magbihis kanina at mukhang inaaliw ni Mommy ang anak ko roon. Mukhang sa backdoor yata sila dumaan dahil hindi naman sila dumaan sa dinning area kanina. Good thing that Mom is true to her words. Ayaw ko pa kasing magkita pa si Nero at si Rence ngayon.



"Iyan ang susuotin mo?" tanong niya nang makalapit na ako sa kaniya. "Wala ka na bang ibang damit?"



I scoffed. "Bakit? May mali ba sa suot ko?" Inarkuhan ko siya ng kilay. "Katulad ng sinabi mo kanina, magbihis ako. At ngayong nakapagbihis na ako ay nagrereklamo ka naman sa suot ko?"



"Because it's too revealing," he said in horror. "Sa airport lang naman tayo, Rai."



"Eh 'yon naman pala, nilalang mo pa ang airport. So bakit mo pa ako pinapalit ng damit kung sa airport lang naman tayo?" I asked and I even empathized the word "lang". I sounded irritated because he's such a douchebag! "Ito ang susuotin ko, hindi mo 'ko puwedeng utos-utusan lang sa mga susuotin ko. This is my body, I can wear anything I want. My body, my rules..."



"Okay, you won," he surrendered before reaching for my hand. He held my hand and immediately intertwined our fingers. "But don't let go of my hand."



"What?!"



Hinatak ko palayo sa kaniya ang kamay ko pero hindi niya binibitiwan iyon. Mas malakas siya kaya wala akong panlaban sa kaniya lalo nang hinatak niya pa ako palapit sa kaniya at inangat ang aking kamay na hawak-hawak niya, hinalikan niya ang likod niyon habang nakatitig sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at napalunok.



"T-Tara na," anyaya ko lang at muling hinila ang kamay ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak niya roon. "Rence," banayad na banta ko at bumuga na lang ng marahas na hininga dahil wala na akong magawa kaya hinayaan ko na lang siyang hawakan ang kamay ko.



Shit, ang hirap maging marupok.



Kaunting kalabit lang nitong si Rence ay paniguradong bubuka na naman ang bulaklak ko sa kaniya. Para siyang grasya na mahirap tanggihan. Hinayaan ko lamang siyang hilahin ako hanggang sa makalabas kami ng mansiyon. Hilang-hila niya ang kamay ko hanggang sa matungo namin ang kaniyang pamilyar na sasakyan.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now