"Pasensya na. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, eh. Nawalan tuloy ako ng malay sa oras." paliwanag ko na ikinatango naman nito at ikina-buntong hininga.

"Is she still bothering you?" biglaang tanong nito na bahagyang ikina-kunot ng noo ko.

"Sino?" kunot noong tanong ko bago ibaling ang tingin sa banana milk na nasa kamay ko, muntik na kasi itong malaglag sa sahig dahil nag-evaporate na ang lamig.

"Si blondie, yung babaeng pinaki-usapan kong tawagin ka kanina." paglilinaw niya na ikinabilog naman ng labi ko. "Pasensiya na. Dapat ako ang papasok sa loob para tawagin ka ang kaso baka maharang ako ng mga kaklase mong babae." napapabuntong hiningang ani pa nito na nginitian ko lang bago sagutin ang tanong niya.

Pinigilan ko pang matawa dahil sa tinawag niya kay Tiffany. Hindi niya ba ito kilala at blondie ang tawag niya rito?

" Si tiffany ba? " paninigurado ko na ikinatango niya na ikinailing ko naman. "Hindi na madalas." sagot ko at hinintay kung anong sasabihin niya pero nanatili lang siyang tahimik kaya naman napatingin ako sa kaniya.

He was looking at me patiently na animo'y hinihintay niya na sabihin ko ang kabuuang detalye na gusto niyang marinig.

Napabuntong hininga ako bago kunin ang pulsuhan niya para marahan siyang I-guide sa eating spot namin tuwing recess, sa rooftop ng building kung saan kami naroon.

"Bukod sa pagtarto niya sa akin na parang mortal niya akong kaaway, wala naman ng issue. Okay naman lahat." paliwanag ko at bahagyang huminto nang makarating na kami sa hagdan papuntang rooftop.

Madalas kasi kaming magpang-abot ng ilang desperadang tagahanga ni Seven. Madalas akong masangkot sa away dahil sa kanila.

No'ng una ay hindi alam ni Seven 'yon dahil ayaw kong mag-alala siya sa akin pero no'ng isang beses na nakita niya akong may pasa ay pinaamin niya ako. Nagalit siya sa akin noon at hindi ako pinansin ng ilang araw, kasabay ng hindi niya pagpansing 'yon ay ang pagtigil din ng paghahamon ng away ng mga tagahanga niya.

Nalaman ko na lang na kinausap niya pala ang mga ito para hindi na kami magpang-abot lahat no'ng magbati kaming dalawa dahil kinulit ko siya na pansinin na ako na gumana naman.

"Eh, yung iba?" tanong niya na nakapag pabalik sa akin sa reyalidad

Napatingin ako sa kaniya ng maramdaman ko ang pagkuha niya ng bag ko na nakasabit sa balikat ko kanina at isinukbit niya 'yon sa balikat niya bago maunang umakyat sa hagdan.

I stared at his back before smiling. Sumunod ako kaagad sa kaniya dahil nangangalahati na siya sa hagdan at baka maka-iwanan pa ako.

"Hindi naman na maiiwasan 'yon." kibit balikat ko at bahagya pang napatawa "Sikat ang bestfriend ko kaya hindi na maiiwasan ang mga tagahanga mo na magagalit at magkakaroon ng inggit sa'kin." dagdag ko pa ng may tipid na ngiti sa labi bago pumasok sa binuksan niyang pinto papasok sa rooftop.

I walk directly to the railings of the rooftop. Napapikit na akng ako ng biglang umihip nag malamig ngunit masapa sa pakiramdam na hangin. I inhale in contentment before opening my eyes. Naramdaman ko kasi ang prisensiya ni seven sa likod ko kaya napaharap ako sa kaniya.

"Just tell me if they're still bothering you. Kakausapin ko ulit sila." mahinahon ang tono ng boses niya habang sinasabi iyon. Bakas din ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya at naka-ukit din ang pag-aalalang iyon sa maamo niyang muka.

I smile widely after seing his worried expression and after hearing his worried voice. Doon pa lang kasi ay kontento na ako. I know that he cares at sapat na sa'kin 'yon. Kahit pa one versus thousands, okay lang sa'kin dahil alam ko na he got my back anytime.

"Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko. Ikaw ang nagturo sa'kin na h'wag papaapi, remember?" may malawak na ngiti sa labing pag-re-reassured ko sa kaniya at bahagya pang napatawa ng maalala ang mga leksiyon niya sa'kin nung bago-bago pa lang kami bilang magka-ibigan.

Itinatak niya kasi sa isipan ko na kahit siya na ang lalaban para sa'kin, kahit paano raw ay kailangan ko pa ring matutong lumaban para sa sarili ko, just incase na wala siya sa tabi ko kapag may nanlait o nambully ulit sa'kin.

He also taught me how to stand up and defend my self. He taught me how to be confident and how to feel beautiful no matter what other people says.

He turned all my insecurities into confidence. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa kaniya dahil do'n. That time, I wasn't sure of the friendship he offered to me, nando'n pa rin yung hinala na may iba siyang motives for befriending me pero nung makilala ko pa siya ay halos magtatalon ako sa tuwa dahil I made a very good decision for accepting his friendship.

Look what it take us now. We're still friends, best of friends to be exact. Magkasama pa rin kami at mas tumitibay pa ang pagkakaibigan.

"Alam ko 'yon. Nakakainis lang kasi napapa-away at nasasaktan ka ng dahil sa akin." diretsyo ang mukang sabi niya bago mapayuko na ikina-iling ko naman.

I took a step forward para malapitan ko siya. Pabiro kong ginulo ang maayos niyang buhok dahilan para maging messy ito na ikina-angat naman ng ulo niya.

I snorted. Salubong ang kilay niya at medyo masama ang tingin sa akin nung una pero lumambot ang ekspresyon ng muka niya ng gawaran ko siya ng isang malawak na ngiti.

"Don't be." panimula ko "Hindi mo naman kasalanan na maraming may inggit at galit sa'kin, eh. Kasalanan nila 'yon dahil makitid ang utak nila para maintindihan na magkaibigan at sanggang dikit tayong dalawa." dagdag ko pa. I bit the inside of my cheeks to stop the bitterness of my voice nung banggitin ko ang salitang 'magkaibigan'.

"Pero kas-

"We waste a lot of time. Magmiryenda na tayo." putol ko sa sasabihin niya para ibahinnnag usapan bago ko siya lampasan upang pumunta sa bench na inuupuan namin dito.

Madalas kaming kumain dito kaya may bench na nakahanda para sa amin. We get that bench to an abandoned room sa building na 'to. Wala namang gumagamit at buo pa kaya naman inilagay na lang namin dito para magamit.

I eat my burger contentedly while watching the defeated figure of seven beside me.

Nagtama ang paningin naming dalawa kaya naman nginitian ko siya ng matamis. His defeated expression changed instantly, maaliwalas na ngayon ang muka niya bago niya ako suklian ng parehong ngiti na ibinigay ko sa kaniya.

I didn't really plan on befriending him before, but I'm glad that he managed to change that and I'm glad that I chose to accept his friendship.

Minsan talaga ay worth it din yung pagsugal kahit 'di mo alam yung kakalabasan nang pagsugal na 'yon. Pero sabi nga nila, hindi mo malalaman ang magiging resulta kung hindi mo susubukang alamin.

Oo, hindi sa lahat ng pagkakataon kaylangan mong sumugal pero naka depende na lang siguro 'yon sa tao. May mga bagay kase na worth it naman sugalan pero may mga bagay din naman na hindi, pero kapag sumugal ka naman kasi kailangan kahit anong maging resulta ay handa ka na.

Sa madaling sabi, Taking the risk means accepting whatever the outcome will be.


Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن