PART SEVEN: THE NEW LEADER

16.3K 1.3K 1.1K
                                    

AUBRIELLE.

Kaliwa't kanang mga camera ang nasa paligid. Naroroon din ang ilang media at ang kapulisan. Sa gilid ko ay si Neska at sa tabi ko naman ay si Casper. Si Andrius naman ay pilit na pinakakalma si Neska, mukha itong traumatized.

Sa harap namin ay naroroon ang isang bangkay na nakabalot sa isang malaking plastik. Pinalilibutan na ito ng forensics at ng kapulisan.

"Neska, please..." rinig kong bulong ni Andrius kay Neska. "Kailangan mo lang magsabi kung anong nangyari. Nandito kami, kaya ka naming protektahan."

Hindi kumikibo si Neska. Nakatingin lang ito sa lapag at pilit na kinukutkot ang mga daliri. Ang pulis naman na nasa harapan nito ay mukhang naiinip na. Kanina pa kasi nito hinihingi ang testimony niya.

"Neska..." pagmamakaawa ni Andrius.

"Miss," sabi na ng pulis. "Testimony lang ang kailangan namin. Ikaw ang naka-check in dito, dito natagpuan ang katawan."

"So what are you trying to say?" Neska snappped. "That I killed her?!"

Her voice raised. Kahit ako ay bahagyang nagulat.

"Hindi ganoon, miss. Ang amin lang, isa ka sa posibleng witness o posibleng may sala. Hindi namin malalaman kung hindi namin iimbestigahan. Kaya nanghihingi kami ng testimonya."

"Sir—"

"Let him," putol ko kay Andrius na sasagot pa sana para kay Neska. "Ginagawa niya lang ang trabaho niya."

Tiningnan ko naman si Neska.

"Tell them. Narrate your story, Neska. Alam nating inosente ka pero hindi ma-p-prove ng pananahimik mo ang innocence mo. Sabihin mo kung anong nangyari."

Neska met my eyes, as if she was desperately asking for help.

"Go on," I said. "Kaya mo 'yan..."

Tiningnan kami isa-isa ni Neska. Nagsimulang maluha ang mga mata niya.

"Handa ba kayo sa maririnig n'yo?" tanong niya sa amin. Her voice was filled with fear.

"We believe in you, baby," panghihikayat ni Andrius.

Naglikot ang mga mata ni Neska. Lalong dumami ang mga luha roon.

"T-They're back..." she whispered.

"Huh?" tanong ng pulis.

"They're back... they're... they're everywhere..."

Kumunot ang noo ng pulis. "Sino, miss?"

Sa pagkakataong iyon, pare-pareho kaming nakaramdam ng kaba. Alam namin ang sinasabi niya. Kilala namin ang tinutukoy niya.

"Are you sure?" tanong ni Casper. It was the first time that he talked. He sounded scared, too.

Tumango si Neska at tumulo ang luha sa mga mata niya.

"They want something from us..." bulong ni Neska. "Hindi sila titigil hangga't hindi nila 'yon nakukuha. They will kill us... they want to kill us..."

My jaw dropped. The first time I saw Casper and Neska this scared was when we fought against the Eagles.

"How sure are you?" tanong ni Casper. "Napakarami mong kaso na hinawakan, Neska. Marami sa kanila controversial pa. How sure are you na hindi ito pananakot ng isa sa mga naipakulong mo?"

"I just know, Casper!" ganti ni Neska. She sounded frustrated.

"You just know?" tanong ni Casper. "Hindi puwedeng you just know lang. Hindi puwedeng kutob-kutob lang, Neska."

Stay Alive Where stories live. Discover now