PROLOGUE

83K 4.3K 5.2K
                                    

"The Death Chasers won."

Pa-ulit-ulit kong naririnig ang mga katagang iyon na para bang naka-ukit na sila sa isip ko. Matapos ang mga karumaldumal na nangyari sa amin noon, hindi man namin aminin ay may mga trauma kami na hindi pa namin handang pag-usapan. Nanalo nga kami, pero hindi namin iyon maramdaman.

Isa't kalahating taon na ang nakararaan nang ma-frame up kami ng pinsan kong si Neska kasama ang kilalang Judge na ka-batchmate namin na si Cliford Andrius Blake. We were in a party wherein drugs were secretly involved. At dahil alagad kami ng batas pero wala kaming alam sa nangyayari sa paligid namin, we were blamed by the netizens and were labelled as 'incompetent'.

A hate train was made against us. They wanted to dismiss us. They wanted to cancel us. At dahil wala kaming choice, we were thrown away in a far city. We were then scouted by Newt Dahmer, thus the second generation of the Death Chasers were born.

Ang Death Chasers ay ang grupong binuo ni Prosecutor Tyler Scott kasama sila Public Defender Newt Dahmer, Prosecutor Avery Heimsworth and Attorney Heinz Nixon Byers.

The Death Chaser was a secret legion at first. Ginawa iyon para imbestigahan ang kaliwa't kanang pagpatay sa isang malayo at liblib na lugar sa bansa. To cut the story short, it turned out that Heinz, their own member, was the real culprit. He died, Tyler did too.

Hindi naniniwala si Newt na tapos na nga ang lahat. Kaya naman binuo niya ang second generation ng Death Chasers kasama ako, ang pinsan kong si Neska, si Judge Andrius, at ang taong hindi ko inaakalang magugustuhan ko—ang kaibigan at kababata ng pinsan kong si Neska—si Casper Harrington.

It was chaotic, not to mention our complicated loveline. Mahal ni Andrius at Neska ang isa't isa. Si Casper naman ay mahal na mahal ang pinsan ko, at ako, mahal na mahal din siya pero anong magagawa ko? Casper needed love, but my love wasn't the one that he wanted.

There were ups and downs. There were twists after twists. We found out that Tyler was alive, and Heinz too. I was poisoned. Neska was emotionally wrecked. Casper was traumatized. Andrius almost lost his ability to walk. And Newt...he sacrificed himself for me—for us. Na kapalit ng kapayapaan na natatamasa namin ngayon, kinailangan niyang isakripisyo ang sarili niya.

Na-m-miss namin si Newt. Parati. Maya't maya. Kulang na kulang kami kapag wala ang presensiya niya. Marami kami pero ramdam namin ang kakulangan.

Newt sacrificed his life for me. Noong gabing nakaharap namin ang mga agila at nakipagbuno sa kanila, ako ang naging patibong ng grupo. I was poisoned and nearly died. They needed to bring me to the hospital but Casper and Newt were caught by the cult.

Hindi sila pinaalis ng kulto. Kailangan daw na may mamatay sa aming tatlo bago sila pumayag na may makaalis namin. Newt sacrificed his life just for me to stay alive.

And that's why we did a pact. Whatever happens, for the sake of what we went through and for the sake of Newt, we need to STAY ALIVE.

Kaya hindi ako magpapatalo. Hindi ako magpapatakot. Hindi lang ako member ng Death Chasers. Hindi lang ako isang Prosecutor. Si Aubrielle Baxter ako. I need no kingdom to call myself a queen.

Kaya binilisan ko pa lalo ang pagtakbo. Madilim na ang paligid at wala nang mga tao. Hindi nila ako puwedeng mahuli. Hindi nila ako puwedeng mabiktima. Hindi ako puwedeng mamatay!

Sinubukan kong tawagan si Neska pero hindi siya sumasagot. Ganoon din si Andrius, malamang ay magkasama sila. I tried to call Courtney, Traise, Avery, or even Tyler only to no avail. Mas lalo akong naluha.

Sa mga pagkakataong kailangan ko ng taong tutulong sa 'kin, sino ang magkukusa?

Sa pagkakataong ako naman ang nasa alanganin, sino ang nandiyan para sa 'kin?

Stay Alive Where stories live. Discover now