PART THREE: The Chaos Begins

39.7K 2.3K 3.5K
                                    

NESKA.

Madilim ang buong kuwarto at ang ilaw na tumatagos sa bintana lamang ang nagbibigay ng kagarampot na liwanag sa buong kuwarto.

Malakas din ang ulan at gayon din ang hangin. Kumikidlat pa nang madalas. Iyon ang hinihintay ng karamihan—ang ulan. Napakatagal na simula nang umulan sa buong siyudad at naging problema na ang napakainit na panahon.

To be honest, that was the perfect night to fall asleep and cuddle your pillows all night—except for Neska Ellinor Harriett.

Neska was standing near the window. Lumuluha ito at sapo-sapo ang noo. She was breaking down—malayong-malayo sa Neska na kilala ng lahat bilang masiyahin.

"Andrius... ayaw ko na..." Bulong niya sa kausap sa cellphone. "Ayaw ko na... please..."

Hindi kumikibo si Andrius sa kabilang linya. Para itong  natameme sa narinig.

"That's the only way, Andrius..." Neska followed. "T-Tapusin na natin—"

"Sandali, Neska," Andrius cut her off. "Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Noong... noong isang araw lang okay tayo. Sinundo mo pa 'ko sa first day ko sa med school. We even went out that very night. Tapos... hindi lang tayo nagkita kahapon at ngayong araw... all of a sudden you no longer want me?"

Andrius sounded hurt and confused.

"After everything that we went through just to be in each other's arms now, ngayon ka pa ba bibitaw?"

Neska closed her eyes. Tuluyang umagos ang luha sa mga mata niya.

"Hindi mo maiintindihan sa ngayon. Pero... pero 'pag dumating ang tamang panahon... pasasalamatan mo ako. Ito lang ang tanging paraan, Andrius."

"Hindi mo na ba ako mahal?" Andrius' voice was enough to let her know that he has started crying too. "Ako, mahal na mahal kita kaya please... please Neska, pag-usapan natin 'to..."

Sumandal si Neska sa dingding at tumingin sa ibaba. Tumulo ang luha niya roon.

"I'm sorry, Andrius..." She said. "I'm so sorry..."

"Ipaliwanag mo sa 'kin kung ano ang nangyayari para magawan natin ng paraan, hmm?" Pagmamakaawa ni Andrius. "We will overlook for possibilities, my love, 'wag lang tayong maghiwalay. I can't imagine my future with someone else—I can't even imagine my future without you in it."

Sana nga ay ganoon lang kadali ipaliwanag ang lahat. Sana nga ay kaya niya iyong ipaliwanag, pero hindi. It was too heavy for someone else to handle. Neska knew pretty well how they fought for their lives just to be alive this day and she can't put anyone at risk again. Not anymore, not even this time.

"Sorry..." Neska muttered. "M-Mag... mag-cool off muna tayo..."

Ilang segundong hindi nakapagsalita si Andrius. Magsalita man ay nauutal ito, hindi nito malaman ang sasabihin o mararamdaman.

"Ganoon na lang kadali sa 'yo na iwan ako, ano?"

Those words pierced her heart. He was hurting because of her.

"Being with me is tiring, ain't it?"

"Andrius... hindi naman sa ganoon," Neska said and sighed.

"Then what?" Andrius asked. "I love you so much, Neska, I love you to the point that I can give up everything that I have for you. Pero ano ako sa 'yo? Someone that you can drop when things don't seem well?"

Napatakip si Neska ng bibig at humikbi. Alam niyang hindi iyon totoo.

"Hindi ko ba naparamdam sa 'yo na mahal na mahal kita? You are the reason why I am motivated to live everyday, you make me feel excited about what would every morning bring because I know you are in it. Paano ako 'pag wala ka na? Neska, please naman... 'wag mo 'kong iwan. Please, baby... please..."

Stay Alive Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum