Imbes na pansinin ang presensya ng isang tao sa likuran ko ay yumuko ako sa bedside table at hinanap doon ang underwear ko. Ramdam kong nanlalambot na ang mga tuhod ko, nanghihina ako at kahit ang aking kamay ay nanginginig pa nang hinawi ko ang mga takas ng buhok kong nakatakip sa aking mukha.



"Are you looking for something, baby?" May bahid na panunukso ang isang pamilyar na tinig ng nasa likuran ko. "Oh... you are looking for your underwear surely. I kept it, baby," he added cooly. "Tinago ko ang underwear mo dahil gusto kong amoy-amuyin iyon, Rai."



Umawang ang bibig ko sa huling narinig. I am sure that it's really him. Sigurado ako at alam kong si Rence nga itong nasa likuran ko. Nahihiya ako sa sarili ko ngayon kasi talagang may nangyari sa aming dalawa! Ang inaalala ko lang ay paano na ang susunod na mangyayari? Tang ina, parang ayokong harapin siya!



"I really missed you, Nephele Rai," he whispered.



After that, I heard his footsteps from behind. Tumuwid ako ng tayo matapos kuhanin ang cellphone ko sa sahig na nabitiwan ko kanina. Hinatak ko pababa ang suot kong oversized t-shirt dahil wala pa naman akong suot na panloob na damit ngayon. Wala rin ang brassiere ko, hindi ko na rin mahanap iyon pero paniguradong nasa paligid lang iyon kaso ayaw kong hanapin dahil halos natulos na ako sa kinatatayuan ko ngayon.



Napatalon na lang ako nang biglang may pumalupot na bisig sa baywang ko. Bumaba lang ang aking tingin doon at hindi ko magawang alisin iyon dahil sa mga damit na hawak ko ngayon. Lumapat ang kaniyang mainit na katawan sa akin na ikinatindig ng mga balahibo ko. Napalunok pa ako nang naramdaman kong nilapit pa ni Rence ang kaniyang bibig sa tainga ko. He even bit and licked my earlobe.



"Napagod ba kita? Nagugutom ka ba? Gusto mo bang um-order ako ng makakain natin? Ano ba'ng gusto mong kainin---"



"Uuwi na 'ko," malamig kong deklara at pinutol siya.



Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin at binitiwan ako. Hinarap ko siya at halos bigla kong nalunok ang dila ko nang makitang tuwalya lamang ang nakapalupot sa kaniyang baywang at may mga iilang butil pa ng tubig ang nasa kaniyang dibdib at may nakasabit pang maliit na tuwalya sa kaniyang balikat. Sumilay pa ang ngisi sa kaniyang labi nang makita ang reaksiyon ko.



"You're drooling," he stated.



"H-Hindi," sabi ko at mabilis na umiling. "Uuwi na ako," madiin kong wika.



"Okay then," he said and nodded. "Ihahatid kita sa inyo," prisinta niya pa. "Let us inform your parents that you spent your night with me," makahulugang dugtong niya.



"Why would I tell them that? I told you, I have a fiancè," I said in a monotone and looked away.



"You have a fiancè but you gave in to me? Pa'no kaya kapag malaman ng fiancè mo na may nangyari sa atin?" panunuya niya.



"Tell him then!" I commanded. "Tutal iyon ang gusto mo, sabihin mo sa kaniya! Sabihin mo na may nangyari sa atin at sarap na sarap ako sa 'yo! Iyon ang gusto mo, hindi ba?!" singhal ko pero nakablanko lamang ang kaniyang ekspresyon.



"Yeah, that's what I want," he admitted. "I'm selfish, Rai, and I want you mine alone. Kung aagawin ka sa kaniya, gagawin ko. Hindi ako titigil hangga't hindi ka napapasa akin, Rai."



"Nababaliw ka na!" I shouted furiously. "Sa susunod ay magpapakasal na kami ni Han!"



Ngumisi siya. "Sabi mo kahapon ay ngayon kayo magpapakasal? Tapos ngayon ay sa susunod naman? Paatras nang paatras, Rai, ha? O baka hindi na tutuloy ang kasal ninyo kasi may nangyari na sa atin?"



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now