" Gosh! S-sorry! I didn't mean to—" napaangat ang tingin niya sa babae. Malamig na titig ang binibigay niya dito pero nagataka siya nang manlaki ang mata nito at nakaawang pa ang labing nakatitig sa kanya. Tila ba nakakita ito ng multo. Pero bago pa man niya mapagsalitaan ito ay bigla na lang itong kumaripas ng takbo at nawala ng barang bula sa kanyang paningin.

What the fvck!





That girl seems familiar to him. Parang nakita na niya ito sa kung saan. Her small pretty face—damn! I know it!





Gotcha baby!



✶✶✶

Napadungaw siya sa binatana nang marinig niya ang ugong ng sasakyan. Nakaramdam siya ng kaba at exciment sa hindi malamang dahilan. Ilang araw na niyang hindi nakikita ang mukha ng binata dahil iniiwasan niya ito at noong umalis ito ay ilang araw din itong hindi umuwi. Nakaramdam din siya ng pagalala dahil sa tuwing tinatanong niya ang mga tauhan nito at sina Pinya ay tanging nasa trabaho lang ang sagot ng mga ito.

Kasalanan rin naman niya siya itong umiiwas tapos ngayon ay hahanapin niya. Masisi niyo ba siya, natakot lang siya sa maaaring mangyari. At Isa pa hindi niya pa lubos itong kilala.


Napangiti siya at bumaba pero napawi din iyon nang makitang hindi ito nagiisa. Kasunod na pumasok nito ang Isang babaeng mala-model ang dating at nangasim ang mukha niya ng kumapit ito sa binata.


Is she his girlfriend? Mukhang Oo yata dahil napaka sweet nila at bagay silang dalawa. Napanguso siya nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Amadeo at diretso lamang itong umakyat sa taas kasama ang babae nito. Bumigat ang pakiramdam niya sa isipang magkasama ang dalawa sa silid.

Akala niya ay siya lang ang babaeng tanging dinala niya dito? Pero sino ba ang lolokohin niya Isa lang naman siyang bihag nito. Naalala niyang hindi niya ginusto ang mapunta sa lugar nito.


Nagalala namang tumingin si Pinya sa kanya habang napapailing na lang si Manang Apple. Mabilis niyang sinaway ang sarili dahil sa naramdamang. Shut it Maureen! Dapat wala kang pakialam sa kanya—sa kanila!

Nagtungo na lamang siya sa kusina upang tumulong sa pagluluto ng pananghalian.

" Umupo ka nalang diyan hija at kami na ni Pinya ang bahala sa pagluluto." pigil sa kanya ni Manang Apple nang akmang maghihiwa siya ng rekados. Bumusangot siya at ibinigay kay pinya ang panghiwa. Pinanood na lamang niya ang ginagawa ng dalawa. Hindi niya maiwasang isipin ang dalawa na nasa itaas. Ano kaya ang ginagawa nila? Nobya ba talaga niya iyon? Kung ganun alam ba nito ang ginagawa ng nobyo sa kanya?


Maraming katanungan ang namumuo sa kanyang isipan. At may parte sa kanya na umaasang makakaalis na siya sa bahay na ito dahil may nobya naman pala ito at wala naman itong rason para ikulong siya doon buong taon. May buhay siya sa labas nge Isla, naghihintay sa kanya ang Inay at kapatid niya.


Napahinto lamang siya sa pagiisip nang may biglang magsalita sa gilid niya. Natigilan din sina Pinya at Manang Apple sa ginagawa.


" Excuse me, can you make me some juice. I'm thirsty!" maarteng lintaya nito at nakataas kilay pang nakatingin sa kanila. Ang babaeng kasama ni Amadeo pero wala ang lalaki sa tabi nito. Napakurap siya pinasadahan ito ng tingin. Napabaling naman ang mata nito sa kanya at maarteng tinuro sya nito.


" You! give me a one glass of orange juice. Wala ka namang ginagawa right? And you're a maid here. So hurry up!" utos nito.

" Ahh Miss hindi—"


AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Where stories live. Discover now