Property 9

2.5K 79 10
                                    

This chapter is dedicated to:

user66725839
heyitsaunicorn18
yanzie_13
itsmreoduun
Czhyh_Dvnn05
ICHOOSEU29
ycjazz
ishimichiko
nico_aki
Artemisbabe_
AntonetteEspaola8

Thank you for voting!
Happy reading!

______________________________________

PROPERTY 9: DRUNK.


TATLONG araw nang pilit iniiwasan ni Maureen ang binata pagkatapos mangyari ang mainit na tagpong iyon sa kanilang dalawa. Sobrang nahihiya siya at naiinis siya sa kanyang sarili. Napaka-gaga niya dahil nagpadala siya sa mga haplos nito-jusko! Nasampal na lang niya ang kanyang sarili dahil doon. Buti na lang ay hindi niya naisuko ang bataan-muntik lang! Pero nakipag make out parin siya dito at hindi na yata iyon mawala-wala sa isip niya.

Noong nakaraang araw ay umuwi na ang kanyang Ina at kapatid. Gustuhin man niyang sumama sa mga ito pero alam niyang hindi pwede dahil nakasubaybay ang binata sa bawat galaw niya. Nagagalit din siya sa kanyang sarili dahil tila may kung ano sa kanyang katawan sa tuwing malapit si Amadeo sa kanya. And she doesn't like the feeling and it feels new to her. Bago lang ang pakiramdam na iyon pero tila ba napaka pamilyar nito sa kanya.


Marahas siyang napabuntong hininga at napatingin sa kanyang repleksyon mula sa salamin. Nasa kanilang silid siya ngayon at ayaw niyang lumabas dahil alam niyang makikita niya ito. Sa tuwing gabi naman ay nauuna siyang matulog para lang maiwasan ito kahit magkatabi sila sa higaan.


" Ma'm nakahanda na po ang almusal," rinig niyang tawag ni Pinya sa labas at mahina pa ito kumatok. Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha nito.


" N-nasa baba ba siya?" mahinang tanong niya na hindi naman nito agad na gets. Napakunot noo pa ito at mayamaya ay bigla itong ngumisi.


" Wala po si Sir Amadeo Ma'm maaga pong umalis," aniya nito. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Gusto niya sanang tanungin kung saan ito nagpunta pero itinikom na lamang niya ang bibig. Siguro ay pumasok ito sa trabaho, bulong niya sa isipan.


" Sumabay na ho kayong kumain sakin Manang Apple at ikaw din Pinya," tawag pansin niya sa dalawa na akmang aalis na sa kusina.


" Ayy naku Ma'm nakakahiya naman, mamaya na lang ho kami," tanggi ni Manang Apple pero ngumiti lang siya at pinilit ang mga ito na kalaunan ay wala namang magawa kundi ang sabayan siya sa pagkain. Madami kasi ang niluto nitong almusal at nakakalungkot naman tignan kung siya lang ang mag-isang kakain.


Pagkatapos magumagahan ay nagpasama siya kay Pinya na maglibot sa paligid. Nababagot na siyang walang gagawin kundi ang magmukmok lang sa silid. Palaging ganun na lang... paulit-ulit ang kanapan kinabukasan kaya naisip niyang suyurin ang buong mansyon.


" Pinya, sabihin mo nga sakin, nasaan ba tayo?" baling niya dito. Napatigil naman ito sa paglakad at humarap sa kanya.

" Nasa mansyon parin po tayo ni Sir Amadeo Ma'm," nakangiting aniya nito. Napangiwi siya sa sagot nito at napakamot noo.

" No...what I mean is saan to located, saang parte ng Cebu?" paglilinaw niya. Bigla ay napatawa naman ito.


" Ah-hihi pansenya na Ma'm, nasa private Island po tayo ni Sir," nag peace sign ito at ngumiting aso sa kanya.

AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon