Property 7

2.7K 86 1
                                    

PROPERTY 7: FAMILY.

MAUREEN QUINN

" You can't escape again Mia Signora, I will secure you to not get out here from now on. You made me no choice."


Gaya ng sinabe niya ay narinig ko ang pag lagatok ng siradura ng pinto. Ini-lock niya iyon mula sa labas at wala akong magawa dahil na rin sa bigat ng pakiramdam ko at hindi ko rin maigalaw ng lubusan ang isang paa ko.


Inis kong inihagis ang Isang unan sa pinto na gumawa ng mahinang ingay. Bwesit na lalaking yun!

Parang gusto ko na lang tumalon mula sa balkonahe total hindi naman ako makakatakas dito. Pero wag na lang pala dahil kailangan ko pang makita sila Inay.


Sa kakatitig ko sa pinto ay nakatulog muli ako. Naalimpungatan lang ako nang makarinig ako ng ingay mula sa pinto. Pungas pungas akong bumangon at hinintay ang pag bukas nito.


Mayamaya lang ay bumukas iyon at pumasok si Pinya na may dalang tray ng pagkain. Mukhang nahihirapan pa ito pero agad itong ngumingiti ng makita ako.


" Good Afternoon Ma'am! Ito pala ang lunch niyo, nagluto si Manang Apple ng tinolang baboy tsyaka fried chicken!" masayang lintaya nito at inilapag sa iyon sa side table. Tipid lang akong ngumiti at umiling dito.


" Ayokong kumain..." Kita kong napahinto ito.

"Naku Ma'am, kailangan niyo pong kumain para gumaling agad kayo, teka nilalagnat parin ho ba kayo?" sunod-sunod nito aniya. Umiling lang ako at muling humiga at
nagtalukbong ng kumot.


" Ma'am naman, masarap po ang ulam kaya bumangon napo kayo baka ay—"


" Leave it to me Pinya, ako ng bahala dito. Kumain na lang muna kayo ni Manang Apple sa baba," mariin akong napapikit ng marinig ang boses nito. Marunong pala itong mag Tagalog Akala ay foreign lang ang alam nito pero wala akong pake kahit na sexy at medyo slang siyang magsalita.


" You will get up or I will lay beside you and Fvck you tell you stop being hard headed!" nanlaki ang mata ko sa walang preno nitong bibig. Mabilis akong bumangon at inihagis sa kanya ang unang ginamit ko.

" Ang bastos mo!" masama ko itong tinapunan ng tingin. Mahina itong tumawa.

" W-wag ka ngang lumapit sakin!" inis kong asik nang mapansing umupo ito sa gilid ng kama at akma nitong abutin ako. Napatili naman ako nang bigla akong hilain nito.


" Aray!" ungot ko nang di sadyang mahawakan nito ang naka cast kong paa. Napatayo naman ito at tarantang chineck ito.


" Damn, sorry Love! Did I hit it?" napakunot noo ako nang pati mukha at katawan ko ay sinuri din nito. Pero mas nabigla ako sa itinawag nito sakin. Did I heard it right or nagkamali lang ako ng dinig? At nag so-sorry pala ang isang toh.


" Hey, is there something wrong? May masakit pa ba sayo?" muling tanong nito nang hindi ako nagsalita at nakatitig lang sa kanya. Nakakabigla lang Kasi. Siya ba itong kaharap ko? O baka naman ay nasaniban ito ng mabait na ispiritu?


" Ikaw ata ang dapat kung tanungin niyan," anas ko. Napahinto naman ito at napabitaw sakin. Umatras pa ito at frustrated na sinabunutan ang buhok ng marealize niya ang kanyang ginawa.


" Fvck this!"


Para siyang batang nagmumura sa harap ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano...agad akong napaiwas ng tingin nang sumalubong sakin ang frustrated nitong mata.


AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang