"Ah! Aray!" 


"Shit! Bakit mo inipit?!" Lumabas agad si Thomas at tinignan yung kamay ko na hindi naman gaano naipit. 


"Joke lang hahaha," sabi ko at pinakita pa sakanya yung ayos kong kamay. Umirap siya saakin at papasok na ulit sana sa kwarto nila pero bago pa niya pihitin yung pinto ay hinawakan ko na siya sa braso niya, "Ano ba kasi yun?"


Huminga siya nang malalim at humarap ulit saakin pero hawak hawak ko pa rin yung kamay niya, "Hindi ko pwedeng sabihin yun sayo. Kusa mo dapat yun maalala."


Bumuntong hininga ako. "Okay. Pero bakit parang hadlang yun na maging tayo?"


"Why?" He stepped closer kaya napaatras ako nang konti at yumuko naman siya para pantayan yung mukha ko, "Gusto mo na bang maging tayo?"


Hindi ako makasagot dahil hindi ko pa rin sure kung gusto kong magkaroon kami ng relasyon ni Thomas. I mean, gusto ko siya pero hindi ko alam kung ready na ako stage na yun. 


"See? You're still unsure and I don't want to be in an unsure and complicated relationship even if I have feelings for you," paliwanag niya at may point nanaman siya. Pinatong niya yung kamay niya sa ibabaw ng ulo ko at ginulo yun nang konti, "Bigyan mo nalang ako ng sagot pag naalala mo na ang lahat."


"Okay." Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi na ikinagulat naming dalawa. Agad akong umiwas nang tingin at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, "Goodnight!"


Agad agad kong pumasok sa kwarto namin pagkasabi ko ng goodnight sakanya. Hanggang ngayon ang bilis pa rin nang tibok ng puso sa ginawa ko. Shit, kahiya huhu. Bakit mo yun ginagawa, Naomi? Paano mo yan haharapin si Thomas bukas? Mas naging awkward tuloy!


1AM na at hindi pa rin ako makatulog dahil sa nangyari kaya bumaba muna ako sa lobby at pumunta sa malaking veranda para magmuni muni.


Sa hindi inaasahan, nakita ko si Gino na nasa isang beach lounge chairs doon na mukhang natutulog. Lumapit ako doon habang hindi namamalayang nakatitig pa rin sakanya. Mukhang naramdaman naman niya yung presensya ko at lumingon saakin.


"Uhm, sorry nagising ka ata dahil saakin. May nakaupo ba?" Tinuro ko yung katabi niyang lounge chair.


"Wala," sabi niya at sumenyas na pwede akong umupo doon. 


"Salamat," sabi ko at umupo na sa tabi niya, "Bakit ka pala andito? Hindi rin makatulog?"


"I'm sleeping earlier," sabi niya. 


"Ay, oo nga pala. Sorry," pagpapaumanhin ko dahil mukhang naistorbo ko nga yung tulog niya. 


"And you? Hindi ka makatulog?" Tanong niya. 


"Oo eh." I wonder kung pati si Thomas ay hindi rin makatulog at iniisip din yung nangyari kanina. Aish! Napailing nalang ako nung narealize kong iniisip ko nanaman yung nangyari kanina. 

A Hidden Gem (Fate Series#3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz