"Hindi ako stranger kasi sinabi ko naman na pangalan ko. Sean nga e." Huminga akong malalim at humarap sa kanya.

"Nandito tayo sa simbahan kaya pwede ba tigil tigilan mo 'ko." Mahina pero madiin kong sagot sa kanya. Ngumiti siya at tumango sa akin.

"Sige, sige mamaya nalang." Ngiti nyang muli at umupo na sa nakitang upuan. Bumuntong hininga nalang ako at dumiretso sa kung nasaan ang mama.

"Ang tagal mo naman." Bulong ni mama ng makaupo ako sa tabi niya.

"May nakausap lang kasi ako ma." Kibit balikat ako.

Nang matapos ang misa ay dumiretso na kami ni mama sa sasakyan. "Daan muna tayo ng mall." Paninimula ng mama tumango ako at pinindot ang unlock ng sasakyan.

Papasok na sana kami sa sasakyan ng may tumawag sa pangalan ko. "Zaniella!!" Lumingon kami pareho ng mama sa kung nasan ang boses na iyon. Tama ang kutob ko si Sean na makulit.

"Uuwi na kayo? Hello po tita i'm Sean Bass." Pagpapakilala niya kay mama. Natuwa naman si mama sa inasta niya.

"Hello hijo, kaibigan ka ba ng anak ko?" Ngiting tanong ng mama. Hindi ko sila pinapansin dahil bigla ay tumunog ang cellphone ko kaya dinungaw ko.

I already miss my girl. I wanna see your lovely face.

Napangiti ako sa message niya. Hindi siya pumapalyang ipaalala sa akin na miss na ako. Pero bakit hindi niya masabi sakin yung bagay na hinihintay ko.

Nagreply ako sa kanya.

Kakatapos lang naming magsimba ni mama, me too I wanna see your handsome face

"Opo, pwede po bang sumama sa inyo kung saan man kayo pupunta?" Nilingon ko silang dalawa.

"Oo ba-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni mama dahil alam kong hahayaan lang niya yang Sean na yan.

"No!!!!" nagulat ang mama sa naging reaksyon ko.

" I mean.. date namin ng mama ko 'to kaya hindi pwede." dahilan ko.

"Anak, its okay, he's your friend kaya halika na hijo. May sasakyan ka ba?" Tanong ni mama dito na ikinangiti niya. Tumango siya. "Opo tita, nandon po, sundan ko nalang po kayo." Ngiti niya. Napapaisip tuloy ako kung may naging problema ba siya sa buhay niya at pala ngiti siyang tao.

Dumiretso siya sa kanyang sasakyan at bumusina. Umiling nalang ako. "Ma, ba't mo naman siya yinaya?" iling ko ng makasakay kami sa sasakyan at pinaandar na ito.

"Anak naman. He is your friend of course I'll invite him." halos ay irapan ko na siya.

"Ma! He's not my friend. He's a stranger!"

"A good stranger then." Ngiti nito habang may hinahanap sa kanyang bag.

"Anak, huwag ka namang ganyan sa ibang lalake, kay Jaythird ka lang mabait." Sermon ni mama sakin.

"Ma, hindi sa ganon ayoko ko lang sa bolerong lalake." Napatawa siya ng mahina.

"Anak, don't judge the book by its cover." Hindi nalang ako kumibo. Tama naman siya, baka talagang friendly lang ito.

Nang makarating kami sa mall ay kita kong itinabi ni Sean ang kanyang jaguar sa tabi ng sasakyan ko. Bumaba agad si mama sa tabi ko. Inalalayan ni Sean si mama habang ako naman ay inayos ang bag bago ako bumaba.

"Tita ang ganda ganda niyo po. Sayo po siguro nagmana si Zaniella ganda." Ngiti niya habang nauna na silang naglakad. Tinitigan ko si Sean. Gwapo siya kung titignan mo talagang babaero ang dating niya. Medyo magulo ang kanyang buhok na nakataas na hindi ko maintindihan pero hindi iyon nakabawas sa foreign na itsura niya.

Love me BackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora