31

12.3K 563 210
                                    

LILIANA HELLION

Tulad nga ng inaasahan ko, napasubo ako sa kwentuhan sa kaibigan ko. Ang daming tinanong sa akin si Celeste, at bilang matalik niyang kaibigan ay ipinaliwanag ko sa kanila kung sino si Chase sa buhay ko at kung paano ko siya naging fiancé samantalang ang alam nila ay wala akong nobyo.

Hindi rin sila makapaniwala nang malaman ang childhood best friend ko na matagal at ilang taon ko nang hinahanap ay si Chase pala.

Oo, alam nila ang tungkol sa paghahanap ko sa kababata ko na sampung taon kong hindi nakita.

Mahaba-habang paliwanagan tuloy ang nangyari dahil na rin sa dami ng mga tanong ni Celeste sa akin. Buti na lang talaga ay mabilis silang maka-gets.

At habang nagpapaliwanag ako kina Celeste kung paano nag-krus ang landas namin ng childhood best friend ko ay todo bantay naman itong si Chase sa akin.

Wala na si Marco dahil agad siyang lumayas sa harapan namin nang bantaan siya ni Chase. Duwag yata ang lalaking 'yun dahil dali-dali siyang umalis.

Pero ito namang si Chase ay nanatili pa ring nakapulupot na parang ahas 'yung braso niya sa bewang ko. Ayaw niya akong pakawalan na parang may magtatangkang humatak o kumuha sa akin palayo sa kanya. Tahimik nga lang din siyang nakikinig sa amin.

Seryoso lang siya. Masama lang din siyang nakatingin kay Marco na nakaupo sa kabilang table kasama ang mga kaibigan niya. Ang lakas ng loob pero takot din naman pala.

Nagpaalam din kami agad ni Chase nang matapos naming mag-usap nina Celeste at Jude. Medyo nailang pa ako dahil nasa amin ang atensyon ng mga taong nakakasalubong namin ni Chase.

Lahat ng mga girls ay kay Chase ang tingin at atensyon, kulang na lang ay dukutin ko na ang mga mata nila.

Kung dito lang siguro nag-aral si Chase, tiyak na babansagan siyang Campus Crush dahil sa angkin niyang kagwapuhan.

"So, Marco pala ang pangalan ng lalaking 'yon?"

Sa wakas ay nagsalita na rin si Chase nang makasakay kaming dalawa sa kotse ko. Pinahiram ko muna kasi 'yung sasakyan ko sa kanya, sabagay ay bihira ko lang ginagamit itong kotse ko.

Ngunit gano'n na lamang ang paglaki ng dalawa kong mata nang makita ko kung ano ang hawak niya. Nasa kaliwa niyang kamay ang isang wallet na itim habang sa kanan naman niya ay ang isang school I.D. Pamilyar sa akin 'yung I.D dahil sa lace nito at kagaya ito ng suot kong school I.D.

Pero mas nanlaki ang mata ko nang tingnan ko kung kanino 'yung school I.D na 'yon. The heck? Bakit nasa kanya ang I.D ni Marco?

"Paano napunta sa 'yo 'yan?" gulat kong tanong.

"I told you, mahusay akong mandurukot. Masyadong nakapokus ang atensyon niya sa 'yo kaya hindi niya namalayan na nadukutan ko na siya," aniya na parang proud pa.

"E, 'yung wallet na hawak mo? Don't tell me na wallet ni Marco 'yan?" tanong ko pa.

Nginisian ako ni Chase bago niya binuksan 'yung wallet. My jaw dropped when I saw Marco's driver license in that wallet. Bakit ang bilis naman yata ng kamay ni Chase?

Gano'n lang niya kadaling makuha at nadekwat 'yun? At wala kahit isa sa amin ang nakapansin sa ginawa niya? Unbelievable! Isa siyang mahusay na mandurukot kung gano'n.

"Mukhang big time ang Marco na 'yun, ha?" ani Chase habang isa-isa niyang tinitingnan ang laman ng wallet ni Marco.

Binilang pa talaga niya mismo sa harapan ko 'yung cash money ni Marco na tig-iisang libo. Anak ng! Huwag niyang sabihin na interesado siyang kunin 'yung laman ng wallet ni Marco? Aba'y kahit mahal ko itong lalaking 'to ay hindi ko hahayaan na nakawan niya si Marco.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Soon To Be Published Under GSM)Where stories live. Discover now