4

14.1K 641 310
                                    

THIRD PERSON POV

Binilisan pa lalo ni Chase ang kanyang lakad upang hindi siya abutan ng humahabol sa kanyang parak kasama ang babaeng kanyang dinukutan.

Agad din niyang isinuksok sa bulsa ng jacket niya ang ninakaw niyang makapal na wallet at dalawang mamahalin na kwintas na pwede niyang ibenta sa malaking halaga.

Sa kamamadali niyang maglakad para hindi siya mahuli ay agad siyang tumawid sa kalsada kahit pa wala siya sa pedestrian lane. Muntik pa siyang mabangga ng isang itim na kotse, mabuti na lang ay mabilis na nag preno ang nagmamaneho ng sasakyan na iyon.

Malakas pa siya nitong binusinahan kaya muli siyang naglakad papalayo at malalaking hakbang na ang ginawa niya para sa gayon ay maligaw niya ang humahabol sa kanya.

Tiyak na sa loob ng kulungan siya pupulutin kapag nahuli siya. Alam ni Chase na masama ang magnakaw at tinuruan naman siya ng tama ng kanyang ama pero wala siyang ibang choice.

Kahit na magbanat pa siya ng buto at magtrabaho magdamag ay hindi pa rin sapat ang pera na sasahurin niya. Kukulangin pa rin iyon para sa pambili ng gamot ng Lolo Martin niya na tumatanda na at may sakit pa sa puso.

Ang kanyang ama naman ay nagtitinda ng mga isda sa palengke pero kulang pa rin ang kinikita nito. Simula talaga na maaksidente ang kanyang ama sa pabrika kung saan gumagawa ng mga lata ay hindi na ito muling nagkaroon ng maayos na trabaho.

Naputulan kasi ng isang paa ang ama niya dahil sa aksidente itong naipit sa isang makina kaya matapos nitong gumaling at nakabawi ng lakas ay mas pinili na lang ng ama niya na magtinda ng mga isda sa palengke.

"Chase! Aba'y buti naman at dumating ka na!" tawag sa kanya ng Kuya Lakan niya, isa sa mga malapit na kaibigan ng pamilya niya.

Kapitbahay nila ito noon. Bata pa lang siya ay kilala na n'ya ito, pero mula nang lumipat na sila ng ibang bahay ay bihira na lang niya makita ang dati niyang mga kakilala sa dati nilang tinirahan na bahay.

Nagkaroon kasi ng problema sa pamilya nila kaya sila nagpakalayo. May dahilan sila kaya sila umalis.

"Kumusta ang raket mo?" tanong nito ng tuluyang nakalapit si Lakan sa kanya.

Tinatanong nito ang raket na ginagawa niya para may pambili siyang gamot at para na rin ay may maibili na rin niya ng bagong saklay ang kanyang ama. Luma na kasi ang nabili nitong saklay at malapit na rin itong bumigay.

Nakangisi niyang dinukot ang dalawang kwintas at makapal na wallet bago niya iyon ipinakita kay Kuya Lakan niya.

"Sinuswerte yata ako ngayon," turan niya kaya tuwang-tuwa silang pareho.

"Ako rin, sinuswerte rin ako!" saad ni Lakan at ipinakita naman nito sa kanya ang nadukot din nitong wallet.

"Tiba-tiba tayo ngayon. May pambili na rin akong gatas at pampers para sa anak namin ni Dalisay!" nakangiti pa nitong sabi kaya natawa na lang si Chase.

Tingnan mo nga naman ang tadhana, kung sino pa ang laging kaasaran mo noon ay siya pa talaga ang makakatuluyan mo.

Hanggang sa ngayon nga ay hindi pa rin makapaniwala si Chase na magkakatuluyan si Lakan at Dalisay. Tandang-tanda pa niya noon na halos isumpa na nina Lakan at Dalisay ang isa't isa.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Soon To Be Published Under GSM)Where stories live. Discover now