22

12.1K 592 228
                                    

THIRD PERSON POV

"Si Liliana, siya na ba ang bago mong nagugustuhan ngayon?" tanong ni Imee at hindi ko inaasahan na iyon ang itatanong niya.

Saglit siyang hindi nakasagot, sa katunayan niyan ay wala naman talagang nagbago sa nararamdaman ni Chase para sa kababata niya.

Crush na niya si Liliana noon pa lang, at walang nagbago. Hanggang sa ngayon ay meron pa rin talaga siyang pagtingin sa childhood best friend niya, ngunit natatakot si Chase na umamin.

Natatakot siya na baka hindi rin gano'n ang nararamdaman ng dalaga sa kanya.

"Hanggang magkaibigan lang kaming dalawa ni Liliana," sagot niya.

Hanggang doon lang silang dalawa ni Liliana dahil tiyak na wala siyang pag-asa sa dalaga. Hindi siya nababagay para kay Liliana kahit deep inside ay gusto niya talaga itong ligawan.

Noong makita niya ito at malaman na ang kinidnap niya ay si Liliana ay halos hindi na siya mapakali. Laging laman ng isipan niya ang kababata niya. Noon pa lang ay palaging si Liliana ang iniisip niya ngunit mas pinili niyang huwag magpakita rito.

Sinampal na siya ng katotohanan na hindi siya nababagay para kay Liliana, hindi bagay ang tulad niyang mahirap. Kumbaga isa siyang bato na hindi pwedeng ihalo sa mga dyamante.

Kaya kahit ayaw niya ay mas pinilit na lang niyang tanggapin na wala na talaga siyang pag-asa para sa dalaga.

"E, ako? May natitira ka pa rin bang pagtingin sa akin?" tanong ni Imee kaya naman napatitig siya rito.

Nakikita niya ang saya sa dalawa nitong mata. Humakbang pa si Imee palapit sa kanya at masuyo nitong hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi habang nakatitig din ito ng diretso sa mga mata niya.

"Sabihin mo sa akin, Chase. Hindi pa rin ba nawawala ang pagtingin mo sa akin?"

Sandali siyang natigilan.

Kilala niya na si Imee noon pa lang. He met her three years ago. Nagtaka pa nga si Chase kung bakit umakto ito na parang hindi siya kilala nang makita siya nito kanina.

Si Imee ay isa sa mga tindera ni Aling Rita sa lugar na pinag lipatan nila noon. Alam din ni Chase na anim na taon ang agwat ng edad nilang dalawa at mas matanda si Imee kaysa sa kanya.

Palagi na niyang nakikita noon si Imee sa tindahan na madalas niyang pinagbibilihan lalo na't sa tuwing galing siya sa trabaho. Nakakapag-trabaho pa kasi siya noon at rumaraket sa kung saan-saan bago pa man siya maging mandurukot kagaya ng Kuya Lakan niya.

Aaminin niya, maganda si Imee.

Kahit hindi ito maputi tulad ng ibang babae ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. Palagi siya nitong kinukulit noon, hinahabol para hingiin ang kanyang number. Makulit si Imee, hindi siya tinitigilan at palagi rin silang laman ng tukso noon dahil hindi lingid sa kanyang kaalaman na may crush si Imee sa kanya.

Aaminin din ni Chase na nagkaroon siya ng paghanga kay Imee noon. Kalaunan ay nagkagusto rin siya rito. Tuwing wala siyang pasok sa trabaho ay tumatambay siya sa tindahan ni Aling Rita para manligaw kay Imee.

Tanda pa rin niya na tatlong beses niya itong niyayang mag-date, pero after ng ilang buwan ay nagulat na lang siya na umalis na si Imee sa pagiging tindera ni Aling Rita.

Nasabi na lang sa kanya ng mga kasamahan nito na bigla na lang itong umalis at bumalik na sa Davao. Sa totoo lang ay nakaramdam siya ng inis at galit kay Imee dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya na aalis.

Ni wala man lang itong text o tawag sa kanya upang ipaalam na aalis ito. Bigla na lang itong umalis na walang pasabi.

At hetong nag-krus muli ang landas nilang dalawa makalipas ang tatlong taon ay nalaman niyang kapatid pala ni Imee si Kylo. Alam din niyang may anak na ito noon pa lang bago pa sila magkakilala.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Soon To Be Published Under GSM)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang