20

12.5K 582 221
                                    

LILIANA HELLION

Matapos kong makipag-usap kina Daddy at nasabi ko na rin sa kanilang ligtas ako ay umalis na rin kami sa tindahan, ngunit sinamahan pa namin si Kylo na mamili dahil inutusan siya ni Ate Imee namamalengke para may pagkain kami mamaya.

Maingay dahil maraming tao nang makapasok kami sa loob ng palengke. First time kong makapasok dito, ganito pala ang itsura sa mga pampublikong palengke. Basa ang sahig, maingay ang mga nagtitinda at higit sa lahat ay malansa ang amoy.

"Base sa itsura mo, mukhang first time mo lang na makapasok dito," biglang salita ni Kylo na kasabay kong naglalakad. 

Hawak niya sa kaliwa niyang kamay ang mga supot ng plastik na naglalaman ng mga iba't ibang gulay. Si Chase at Kuya Lakan naman ay nauuna na maglakad at parehas din silang may mga binibili. Ang dami ngang dalang supot ng plastik si Kuya Lakan, hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng pera panggastos sa mga binibili niya.

"Oo, first ko nga lang makapunta sa ganitong palengke," sagot ko sabay tawa kaya mahina ring natawa si Kylo.

"Sabagay, anak mayaman ka," aniya.

Hindi kasi ako sinasama ni Mommy tuwing namamalengke siya. At isa pa, kadalasan ang mga kasambahay namin ang namamalengke. Malaki ang pasasalamat ko na hindi ako maarte kaya natitiis ko kahit masangsang ang amoy.

"Sorry nga pala kung hindi naging maganda ang pag-trato ko sa 'yo. 'Yung pagtulak ko sa iyo kaya muntik ka ng masubsob sa sahig pati na rin ang paggapos ko sa yo nang mahigpit," paumanhin niya.

Ngumiti ako. "Okay lang, alam ko naman na ginawa mo lang 'yun dahil sa utos nina Esteban. Alam ko na rin ngayon ang dahilan mo kung bakit pumasok ka bilang tauhan ni Mr. Santos, syempre ayaw mo lang na mahuli ka nila," mahinahon kong sagot kaya this time ay siya naman ang ngumiti ng matamis sa akin.

"Salamat sa pag-intindi, Liliana. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang kabaliw si Esteban sa 'yo."

"Bakit naman?"

"Hindi ba obvious? Look at yourself, Liliana. Maganda ka, mabait at mayaman. Kaya siguro nagkagusto ang anak ni Mr. Santos sa 'yo."

Dahil sa sinabi niya kaya hindi mawala-wala ang ngiti ko.

"Katawan ko lang naman ang habol ni Esteban sa akin. Nakakadiri siya, napaka-manyakis niya!" mahina kong asik kaya pareho kaming natawa.

"Sorry kung wala man lang akong nagawa nung muntik ka na niyang---"

"Okay lang," putol ko sa sasabihin niya.

"Pwede bang 'wag na lang nating pag-usapan ang tungkol doon?" pakiusap ko. 

Ayoko na kasi pag-usapan ang pangyayaring iyon. Sa tuwing naaalala ko lang 'yon ay nandidiri at kinikilabutan talaga ako. Matinding trauma ang ibinigay at iniwan ni Esteban sa akin.

Alam ko rin naman na gusto ni Kylo na tulungan ako that time pero at least dumating siya at pumasok sa kwarto dahil kung hindi, tiyak na nagtagumpay si Esteban at nakuha niya ang kanyang pakay sa akin.

Hindi na muling binuksan ni Kylo ang topic na 'yun at marahan lang niya akong tinanguan bilang sagot.

Hindi ko naman sinasadya na mapatingin sa gawi ni Chase at Kuya Lakan na nangunguna sa paglalakad. Pansin kong nakakunot na ang noo ni Chase habang nakatingin siya sa amin ni Kylo. Hindi rin maipinta ang kanyang mukha.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Soon To Be Published Under GSM)Where stories live. Discover now