19

12.2K 604 211
                                    

LILIANA HELLION

Tulala akong nakatingin sa kawalan nang malaman ko lahat ng mga masalimuot na nakaraan nina Kylo at Imee. Ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko lahat ng mga kinuwento nila sa amin.

Ramdam ko kay Imee ang takot at galit dahil ganyan din ang naramdaman ko noong muntik na rin akong gawan ng masama ni Esteban. Malaki talaga ang pagkamuhi ko sa lalaking 'yon, sinusumpa at pinandidirihan ko siya.

Naglaho ang mga iniisip ko nang marinig ko ang mahinang katok sa pintuan. Nandito nga pala ako sa isa sa mga kwarto ng bahay ni Imee at itong kwarto ang pansamantala ko munang gagamitin.

Sa kabilang kwarto sina Chase at Kuya Lakan. Katatapos ko lang maligo at damit ni Imee ang ginamit ko. Pinahiram na rin niya sa akin ang tsinelas na kasya sa akin.

"Pasok," salita ko sa taong kumakatok.

Hindi iyon nakalock kaya bumukas agad ang pintuan. Pumasok si Chase na halatang bagong ligo rin. Kahit na nakasuot lang siya ng simpleng v-neck t-shirt na itim at pantalon ay angat pa rin ang kanyang kagwapuhan. Kahit siguro magsuot siya ng basahan ay gwapo pa rin siya. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganun na lamang makatingin si Imee sa kanya kanina. 

And speaking of Imee, naikuwento rin niya sa amin kanina ang tungkol sa anak niyang si Tim na pitong taong gulang. Nabuntis siya ng boyfriend niya, nagsama sila sa iisang bubong pero hindi nagtagal ay lumabas din ang tunay na ugali ng lalaki nakipaghiwalay siya. Ang kwento pa niya ay taga rito lang din 'yung tatay ng anak niya at may bago na itong kinakasama.

"Ready ka na ba? Pupunta na tayo ngayon sa bayan kasama si Kylo," ani Chase bago niya sinara ang pintuan at lumapit sa akin.

Ngayon ang punta namin sa bayan para maghanap ng teleponong pwedeng gamitin para makatawag ako kila Daddy. Wala ring cellphone si Imee at kahit manghiram kami sa mga kapitbahay nila na may cellphone ay pahirapan naman sa paghahanap ng signal.

Kaya naisip nila na habang maaga pa ay tawagan ko na ang pamilya ko para makahingi ako agad ng tulong at para na rin masabi ko sa kanila kung sino ang may pakana ng pag-kidnap sa akin. 

"Magkikita pa rin ba tayong dalawa kapag nakauwi na ako sa amin? Wala namang magbabago kung sakaling bumalik sa dati ang lahat, 'di ba?" tanong ko habang hindi ko magawang salubungin ang kanyang tingin.

Isa iyon sa iniisip ko.

Paano kung bumalik na ulit sa normal ang lahat? Paano kung nakulong na si Esteban at ang kriminal niyang ama tapos makabalik na ulit ako sa dati kong buhay? Iiwas ba si Chase sa akin?

Hindi ba't may dahilan siya kung bakit ayaw niyang magpakita sa akin? Dahil nahihiya siya at wala siyang kumpiyansa sa sarili. Dahil iniisip niya na magkaiba kami ng mundong ginagalawan.

Parang gusto ko pang makasama si Chase, dahil kapag bumalik ako sa bahay namin at maging okay na ang lahat, baka lumayo siya ulit sa akin.

"Look at me, Liliana."

Sinunod ko ang sinabi niya. Mariin siyang nakatitig sa akin. Malalim pa muna siyang bumuntong-hininga at masuyong hinaplos ang aking pisngi.

"Walang magbabago sa nararamdaman ko para sa 'yo," aniya na nag patigil saglit sa akin. "Kung ano ang nararamdaman ko sa 'yo noon ay ganun pa rin hanggang ngayon."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

He took a deep breath.

"Ang importante sa akin ngayon ay ang kaligtasan mo at nagkita na ulit tayo. Kailangan mo pa ring bumalik sa poder ng pamilya mo, kailangan mong bumalik sa dati mong buhay. Huwag kang mag-alala, hindi pa rin magbabago ang pagkakaibigan nating dalawa," wika niya. Parang naninikip na ewan itong dibdib ko.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Soon To Be Published Under GSM)Where stories live. Discover now