Epilogue---- Goodbye to you (for now?!)

468 10 5
                                    

[a/n]:

at last nai-post rin. sorry sa mga nag-intay ng matagal.

ayan basa nuh! patugtugin ang GOOBYE TO YOU by MICHELLE BRANCH

------

~

Of all the things I’ve believed in,

I just want to get it over with,

Tears form behind my eyes,

But I do not cry,

Counting the days pass me by

~

May mga bagay sa mundo na hindi permanente.

May mga bagay na nagdaan lang sa buhay mo para subukin ka. Para patatagin ka.

May mga taong hinayaan ng tadhanang dumaan sa landas mo para paligayahin ka.

Meron naman para paiyakin ka.

Ako si Chesca Francisco. Isang ordinaryong tao. Hindi mataas ang antas sa lipunan. Hindi ispesyal na tao, hindi ako masama pero hindi rin mabuti.

Pero bakit ganito ang buhay sakin? Bakit marahas ang tadhana sakin?

Ilang taon na ang nakakaraan, namatay ang mama ko. masakit, kasi napaka-buti niyang tao pero maaga siyang kinuha sakin ng Diyos. Ngunit, tinanggap ko ang nangyari kahit napaka-hirap. Lumaban ako sa  ikot ng mundo.

Nawala na ang isang napaka-halagang tao sa buhay ko, hahayaan ko pa bang mangyari yun?!

~

I’ve been searching deep down in my soul,

Words that I’m hearing are starting to get old,

It feels like I’m starting all over again,

The last three years were just pretend

And I said…

~

Nandito ako sa stage. Naka-salampak. Hawak-hawak ko yung mukha ng lalaking mahal na mahal ko.

“MATT! Wag mo kong iwan!”

Tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak.

“kayo jan! tulungan niyo kami!”sigaw ko sa mga estudyanteng naka-paligid sa amin.

Nakatitig lang sila.

“BAKIT AYAW NIYO KAMING TULUNGAN!?! MGA G*G* BA KAYO?! PANO NA SI MATT?!”

Naiinis ako. Sa sarili ko, sa lahat ng tao dito.

Bakit ayaw nila kaming tulungan? Nasan na yung mga taong dati eh humahanga sa taong yakap-yakap ko ngayon?

Pati nasan na yung mga naturingan naming kaibigan?

“ANO BA!! TUTUNGANGA NA LANG BA KAYO JAN?! TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!”

Kahit anong sigaw ko, nakatayo lang sila dun at nakatingin sakin. Sa amin ni Matt.

Tinignan ko yung mukha ng lalaking nagmamay-ari ng puso ko.

Nakapikit siya.

~

Goodbye to you,

Goodbye to everything that I thought I knew,

You were the only one I loved,

SECRET OF MS. STALKER(book one-COMPLETED) ON HOLD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon