Inbox 28. The Retreat Part 1

9.7K 242 9
                                    

Yuri's POV

YEYY!! :))) This is it pansit na malagkit na inihampas sa puwit! Retreat day! Maaga talaga ako nagising. Nandito kami ni Mama at Papa for our family breakfast.

Nakahanda na lahat ng gamit ko! Ready na talaga ako haha! Na excite ako,kasi nung junior ako hindi ako nakasama sa retreat sa dati kong school, at ngayon makakasama na ako kaya sobra akong excited.

Ng matapos kumain ay may nadinig kaming busina. Malamang si Gelo yon,ihahatid daw nya ako sa school eh. Sinabi na namin kina mama at papa relasyon namin,walang rason para itago eh nahuli nga kami ni Mama diba? Mabuti na lang tanggap nila agad kami. Binibiro pa nga ako ni papa na ang bilis ko daw idespatsa si Kurt,baka daw hindi magaling sa kama! Si papa talaga =__=

"Oh anak,andyan na sundo mo,mag ingat ka sa retreat ah? Yung mga bilin ko,sundin mo" paalala ni Mama habang sinasamahan ako palabas sa bahay.

"Opo Ma,thank you" sagot ko.

Iniharap ako ni Mama sa kanya saka nagsalita.

"Malaki ka na nga anak,huwag iyakin sa retreat okay? Kasi dati nag ganyan din kami puro iyakan lang"- Mama.

"Opo Ma,hindi ako ganun no?" sagot at deny ko,kahit ang totoo eh iyakin talaga ako,hindi lang nila alam.

"At saka next time anak,kung gagawa kayo ng milagro ni Gelo,siguraduhin nyong lock ang pinto para hindi ako nagugulat okay? Mag-gagala daw pala ah? Ganun na ba bagong style ng pag gagala at pamamasyal anak?" sabi ni Mama na dinugtungan ng malakas na tawa,lumapit tuloy si Papa >_

"Ma!" sabi ko,grabe 4days na nakakaraan hindi pa din yon nakakalimutan ni Mama. Pakiramdam ko ang pula pula na ng mukha ko. Si mama talaga! XD

"Oh sya,tsupi na,baka maiwan ka ng bus" - Mama

"Ingat anak"- Papa

"Sige po! Salamat" sagot ko at dali daling sumakay sa kotse ni Gelo.

"Oh bakit namumula ka Mhy?" bati sakin ni Gelo after ako halikan.

"Si mama kasi! Inaasar ako,hindi pa din nakakalimutan yong nakita satin" nahihiyang sagot ko.

Tawa lang ang sukli nya. Talagang gustong gusto nya ah? Hindi na sya makaka ulit! Haha!

Ng makarating kami sa school ay nakahilera na ang mga school bus. Dalawa yon na ipinagtaka ko. Dapat isa lang kasi isang section per retreat. After namin ay yung next section naman. May nagbago ba sa plano ng school?

Nagpaalam na ako kay Gelo na pupuntahan mga classmates ko,pero bago yon hinalikan nya ako,syempre gumanti ako no? Bawal magpatalo! At jusme! Almost 3minutes din kami naghahalikan >///

"Sige na alis na,baka maiwan ka at baka hindi din ako makatiis hindi na kita pasamahin" sabi ni Gelo, nagpasalamat ulit ako at lumabas na,diretso ako sa mga classmates ko.

Isang bagpack lang dala ko,mga damit at undies lang,sabon,shampoo,lotion,toothbrush at toothpaste lang dala ko plus my perfume. Bawal daw kasi gadget kaya hindi na ako nag abala pa magdala maliban sa digicam na ipinahiram sakin ni Mama at Papa ^_^

"Uhoy! Kala ko hindi ka makakapunta best eh" salubong sa akin ni Clyde.

"Pwede ba yon? Hindi ako papayag no? First time ko ata to!" sagot ko sabay ngiti.

"Exciting nga eh! Kasabay at makakasama natin sa retreat house ang First year college ng Engineering!" kinikilig na sabi ni Jepoy sa akin.

ANO DAW?! Ibig sabihin kasama si Gelo?

Oh well,makakasama ko pa rin pala sya.

Bigla ako napa ngiti dahil don.

"Kaya pala dalawa ang bus" nasabi ko na lang.

Kurt's POV

Nakaka badtrip! Kasama pala sa retreat ang mga freshmen Engineering kung san nandon yung Gelo! Tss! Mukhang papalpak ang plano ko ah? Hindi pwede!

Buo na loob ko! Ill redeem my self at babawiin ko and Ill get back whats rightfully mine,si Yuri. Mahal na mahal ko pa din sya. I know Ive been such a Jerk na nagpaloko kay Ana,alam ko din na nasaktan ko sya at malaki ang posibilidad na hindi na nya ako mahal. Kaya nga labis akong nagsisisi eh. Medyo huli na ang lahat pero hindi ako susuko! Yuri is my happiness, and I will do anything and everything para mahalin nya ulit ako the way he loves me before.

Maghintay ka lang Yuri. You'll be mine again!

Makalipas ang ilang minuto ay pinasakay na kami ng bus. Agad akong naupo dahil medyo antok pa ako. Gusto ko matulog kahit saglit.

Lahat na ata naka upo maliban kay Yuri na nakatingin sa tabi kong upuan na walang nag o-occupy. Psh! Wag kana umarte mahal ko,no choice ka,umupo ka na dito dali ^___^

"Hoy bakla! Kung bet mo tumayo buong byahe sige dyan ka lang!"- Sugar.

"Ayon oh! Bakante sa tabi ni pareng Kurt- Jinx

Ganyan nga! Itulak nyo sya sakin hahaha!

Walang nagawa si Yuri at umupo na din sa tabi ko. Ako naman kunyari deadma at nagsimulang maglaro ng games sa cp ko. Yung couple phone pa din gamit ko,ewan ko lang kay Yuri kung gamit nya pa ang kanyan.

Paglingon ko sa kanya,nakita kong nakatingin sya sa cp. Napangiti ako. Hindi nya pa din ako makalimutan talaga.

"Uhm.. Ah.. Ano,. Uhm.." sabi nya.

Ano daw?

"Bakit ano yon?" tanong ko sa kanya. Para naman syang nagulat ng magsalita ako.

"uhm,pwede palit tayo ng pwesto? Gusto ko kasi sa tabi ng bintana eh" sagot nya.

"Sure" at ngumiti ako ng napaka tamis.

"thanks" at nagpalit nga kami ng pwesto. Nag start na umandar ang bus at si Mam Sanchez nakatayo sa gitna at dinidiscuss ang mga do's and donts.

Paulit ulit na lang.

Maya maya ay nag start na magkulitan mga classmates namin. Kanya kanya na ng kwentuhan,asaran,biruan sa pangunguna ng tropa.

"Ikaw Poy,bilang isang bakla,ano ang masasabi mo sa kasabihang ang babae ay para sa lalaki vice versa" tanong ni Jopet dito. Lahat kami nakikinig kahit si Mam Sanchez.

"Hindi ako naniniwala don!" sagot ni Jepoy na taas noo pa.

"Pano mo nasabi?"- Jopet.

"Dahil ang mga lalaki ay para sa aming mga bakla,Period! No erase!"- Jepoy.

"Kung ganon,para kanino ang mga babae?"- Jopet.

"Sa TOMBOY! Ang mga babae ay para sa Tomboy!" proud na sabi pa ni Jepoy.

Lahat talaga kami nagtawanan maski si Mam pati tong katabi ko.

How I Love this section! Kakaiba talaga! =)

AN ~ Waaahh! Maya ulit! Isip ako ng idudugtong! Wala talaga ako Idea sa ginagawa sa Retreat,but Ill try my best,kakalap ako ng mga idea's para po may mailahad ako sa inyo :)

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon