Inbox 13. First Date! <3

11.7K 290 5
                                    

Yuri's POV

Kinabukasan,9am palang ginising na ako ni Mama. I wonder kung bakit? Eh every weekends hinahayaan nila akong tanghaliin ng gising,ano meron ngayon?

"Anak,gumising ka na dyan,may bisita ka" ani Mama.

"Ang aga naman nyan Ma! Sino po?" tanong ko pa habang nakapikit at nakahiga pa. Kulang pa beauty rest ko ning,hindi kasi ako nakatulog agad kakaisip sa nangyari kagabi at kakaisip kay Kurt! Nyemas! Lakas ng tama eh!

"Aba malay ko? Bisita mo yun eh,maligo ka na at bihis na bihis bisita mo,may lakad ata kayo" sagot ni Mama at lumabas na sa kwarto ko.

Kaya kahit tinatamad pa at inaantok,tumayo na ako para masilip kung sinong ulupong ang bisita ko ng ganito ka aga.

Ng makarating sa sala literal na napanganga ako! It was him!

Si Kurt!

Habang kausap ni Papa at nagkakape.

Agad sana akong magtatago dahil nahiya ako sa itsura ko,pajamas ba naman na si Pikachu ang design plus gulo gulo pa ang hanggang leeg kong buhok,sinong hindi mahihiya?! >_

Ngunit ako ay bigo :| napalingon sila sa akin at nginitian ako,sinuklian ko na lang sila ng tipid na ngiti.

"Oh anak, nandyan ka na pala,bilis bilisan mo at maligo na,hindi ba't nakakahiya ata na pinaghihintay ang manliligaw?" naka ngising sabi ni Papa.

Nanlaki ang mata ko at napanganga sa sinabi ni Papa. Ano daw? Sinabi ba ng mokong na Kurt na to na nanliligaw talaga sya? MeGED!!

"Pa!" tanging sabi ko lang,tawa lang ang sinagot ni Papa! Ang adik ng tatay ko! Parang alam ko na kanino ako nagmana?! XD

Tumayo si Kurt at lumapit sa akin sabay abot ng rose at chocolates.

"goodmorning,flowers and chocolates for you" sabi nya ng nakangiti. At ohmyGhad! I can almost die with that smile! And the smell? Tungunu teh ang bango ni Kurt! At nagpaka abnormal na naman ang tibok ng puso ko,sobrang bilis at lakas na naman! Ano ba?! Sarap dukutin eh.

"uhm thank you" sabi ko saka nag smile." wait lang maliligo lang ako ah?" dagdag ko pa,at bago sya maka react tumaliko na ako.

-----

Sa wakas! Nandito na kami sa Mall ni Kurt,kaya lang nagugutom na ako -__-

"Oy Kurt!" tawag ko.

"Nagugutom na ako" dagdag ko.

"hahaha! Sabi ko na nga ba eh,tara, hanap tayo ng makakainan,ayoko naman mamatay sa gutom ang mahal ko" sagot nya at hinawakan na ang kanang kamay ko at pinag intertwine.

Pakiramdam ko nag init ang mukha ko sa sinabi nya at pag hawak sa kamay ko. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang,nagtitinginan kasi ang bawat taong madaanan at makasalubong namin,pero parang wala pakialam si Kurt.

Napunta kami sa Jollibee,medyo mahaba ang pila,natural weekends. Agad akong pumila para maka order na.

Dinukot ko ang wallet ko para tingnan ang laman.

150 pesos,anong mararating nito? >_

"Oy oy! Bakit ikaw ang pipila? Dun ka at humanap ng pwesto natin" awat nya sa akin.

"Pero--"

"Walang pero pero,treat ko to,this is our first date,kaya leave it to me" bara nya sa kung ano pang sasabihin ko.

Labag man sa aking kalooban ay sinunod ko sya,ayoko kasi ng puro sya gagastos,nakakahiya!

Ng makahanap ako ng pwesto sa tabi ng glass wall ay dumating na din sya after 10minutes.

Ang dami nyang order! Dalawang large code,apat na burger,dalawang fries, fried chicken na apat basically tig dalawa kami at tatlong extra rice.

"here" lapag nya sa tray at umupo na sa harap ko ng naka ngiti.

"ang dami naman ng inorder mo" sabi ko sa kanya.

"dapat lang yan,damihan mo kain ah? Para tumaba ka" naka ngiti nyang sagot.

"Ginawa mo naman akong patay gutom" nasabi ko na lang at tinawanan lang nya.

"Hindi ganun ibig kong sabihin,kumain ka na nga lang" naka ngiti nyang turan at sinimulan na naming kumain.

Sa totoo lang,sa gutom kong ito ay kaya ko talaga ubusin tong order namin no! Pagkain talaga ang pinakahilig ko sa lahat. Though I often wonder kung bakit hindi ako tumataba sa lakas kong kumain. Oh well mabilis lang siguro talaga ang metabolism ko.

Ng matapos kami kumain ay halos hindi na ako makahinga sa kabusugan! Ito ang kabayaran sa pagiging sugapa ko sa pagkain.

Naglakad lakad pa kami para daw matagtag ang kinain namin hanggang sa pumasok kami sa isang cellphone shop.

"Bibili ka ng new phone?"tanong ko habang tumitingin kami sa iba't ibang phone model. Pinagtitinginan pa din kami na ipinagtaka ko. And to my surprise magkahawak padin pala ang aming mga kamay. Hindi ko namalayan yon ah? >_>

"Yup" sagot nya then lumapit kami sa sales lady.

"Miss,kukunin ko po itong couple phone" aniya, nanlaki ang mata ko at napalingon sa kanya,ngiti at kindat lang sinagot nya sa akin. Ang gago neto! Talagang gusto ako neto mapahiya eh! Sarap sakalin!

"Okay Sir,just wait for a while" anito at umalis saglit.

Ng bumalik ito ay nakalagay na sa box ang couple phone at binayaran na ni Kurt. Ang ganda ng phone! Latest model ata ito. May kasama ng sim card,tiningnan ko ito at halos magkapareha ang number ng mga sim namin maliban sa huling digit. Napangiti ako, couple nga ^_^

"Thank You Maam and Sir, bagay na bagay kayo,ang swerte nyo sa isa't isa,come again po"

sabi sa amin ng palabas na kami ng shop,lalo naman ako napangiti dahil dun.

"Nadinig mo yon? Maam ka daw at bagay daw tayo" ani Kurt at ngayon naman ay umakbay na sa amin.

"Oo,hindi ako bingi" nakangiti kong sagot.

"Hahaha! Sungit,tara dun mahal ko,may bibilhin pa tayo" sabi ni Kurt sabay turo sa bottique ng mga damit.

Ng nandun na kami,nagtingin tingin naman ako sa mga damit. Halos maduling naman ako ng makita ang presyo.

Grabe! Ilang sako ng bigas at pang ulam din yon ah?

Tinawag ako ni Kurt at may pinasukat sa aking damit,maganda sya,sakto sa akin at bagay,paglabas ko sa fitting room sakto kakalabas lang din ni Kurt sa katabi ding fitting room.

Then I realized,couple shirt pala yon! Ang utak talaga ng timawa na to! Ng makapag bayad ay nag ikot ikot pa kami. Pakiramdam ko tunaw agad lahat ng kinain namin sa Jollibee kanina!

Nakakita kami ng Photo boot at nagpgpicture. Magaganda ang kuha namin at tig iisa kami ng copy. Iniligay ko ang sa akin sa aking wallet at ganon din sya.

"Tara na Yuri kong mahal,may pupuntahan pa tayo" aya na nya sa akin.

"San naman?"

"Sa tropa,sasabihin na natin sa kanila" sagot nya. Parang bigla ako nakaramdam ng kaba at excitement dahil dun.

Ano kaya magiging reaksyon ng tropa?

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon