Inbox 2. Sugar and Jopet!

15.9K 377 12
                                    

-----

Pagkapasok sa room ay hindi na maipinta ang mukha ko,badtrip talaga! Kaasar! Naghanap ako ng upuan, sakto sa may bandang dulo kaso nandun yung hinayupak na bumunggo sakin!

At yung mga kaklase ko naman ay OA kung makatingin sakin nung papunta na ako sa uupuan ako.

Psh! Ngayon lang ba sila nakakita ng bakla? 0_0

umupo na agad ako pero hindi ko pinansin ang kurimaw na katabi ko dahil baka pag hindi ako makapag pigil eh tadyakan ko ngala ngala nya!

Hayst! Bagong pakikisalamuha na naman ang haharapin ko. Akala ko magiging okay ako dito pero first day pa lang malas na!

Pero okay din dito sa school na to ah? Pwede may kulay ang buhok at pwede sa lalaki ang mahaba ang buhok parang yung sa pinanggalingan ko lang na sa school. Im glad hindi ko pinagupitan ang buhok ko na hanggang leeg na ^__^

Mejo nakakaboring din ah? wala kumakausap sakin >_

Kinuha ko ang phone ko and I started typing my very first gm for this day.

"oh well! 1st day of

class,malas na boring pa! >.

unreplied TexKol?

Later na pag uwi koh,

tc kayo =)

gm@BLR

Syempre habang nagsesend yan ay tinago ko na ang phone ko dahil pumasok na ang ka una unahan naming teacher.

Paglingon ko sa katabi ko, ayun tulog! Ang kapal ng mukha talaga! Nakakagigil!

"Okay class,ako nga pala si Ms.Regina Sanchez, ang filipino teacher nyo and adviser nyo. Get a 1/4 sheet of paper,write your fullname and pass it forward" yan ang sabi ni maam na mukhang mabaet.

At dahil masunurin ako,agad ko yung ginawa para wala ng hassle at pagkatapos itinuon ko na ulet ang atensyon ko kay maam.

"pst" sabay kalabit sakin.

Sino pa nga ba? Edi yung animal na naka bunggo sakin. Hindi ko nga pinansin. Pero tungunu naman! Ang kulet ayaw tumigil!

"bakit ba? Ang kulit mo ah! Kanina ka pa!" pagalit kong sabi pero mahina lang,ayoko naman magka record sa unang araw pa lang ng klase no?

"penge 1/4, wala akong ganun eh" sagot nya sakin.

Tingnan mo nga naman kakapalan ng mukha ng unggoy na to,matindi pa sa aspalto eh! Hindi na nga nag sorry kanina manghihingi pa ng papel?!

Pero dahil ayoko ng kulitin pa nya ako ay binigyan ko na haha! Para sa ikakatahimik ng pagkatao ko.

At infairness naman sa kanya,hindi nya yata talaga alam ang salitang Thank You at Sorry!

Bahala ka dyan impakto ka! Una't huli mo na yan!

Ng makapagpasa na lahat ay nag roll call si Maam Sanchez, at pag talaga namang minamalas ka ako pa unang natawag.

"John Yuri F. Mendoza, introduce your self" ani Maam na naka ngiti pa sa akin.

Sorry ka Maam! Hindi pa ako nagkainteres sa mga kalahi ni Eba haha!

Syempre pumunta na ako sa harapan, nakakahiya naman sa mga classmate kong tutok na tutok sakin ang mga mata.

Tusukin ko mga mata nyo eh!

"Goodmorning maam and classmates, im John Yuri Mendoza,but you can call me Yuri. Please dont hate me cause Im bekiful" sabi ko pang ganyan at nagtawanan sila lahat.

Bumalik na ako sa upuan ko at pinanood ang mga sunod na nagpakilala.

Hanggang sa tawagin na ang katabi kong kakambal ni Mojojojo hahaha!

"Goodmorning everyone Im Kurt Lindon Montenegro, Kurt for short" sabi nya at nagmamadali pang pumunta sa upuan nya.

"Mr.Montenegro,ka ano ano mo ang isa sa varsity ng school na si Dexter Montenegro?" ani Maam. Wow ha? Intregera si Maam XD

"Kuya ko po" - Kurt.

"Okay,thank you" - Ms.Sanchez

after naming magpakilala lahat ay nag lecture sya ng konti at tinanong kami about Noli Mi tangere. Syempre panay ang sagot ko no? Paborito ko yang Noli at crush ko si Ibarra eh! Hahaha!

After ng mga tanungan ni Maam bout Noli ay nagbigay sya ng konting preview para sa magiging lesson for the whole year, ang El Filibusterismo.

Yung iba kong kaklase parang mga hindi interesado palibhasa mga mayayaman. Ang sarap kaya magbasa ng ganung Novel. Kung pwede nga lang ipublished sa wattpad ang Noli at ElFili ay ginawa ko na! May account ako dun at every weekends ako nagbabasa dun no? Hindi lang ako panay GM.

Dalawang subject pa ang mabilis na lumipas, at syempre break time na! Hindi pa ako nakakalabas ng room ng lapitan ako ng dalawa kong classmates, sina Sugar Santos at Joseph Natividad.

"Uy Yuri! Sabay ka na samin"- Sugar.

"Huh?"- ako.

"Sige na! Maganda ka naman eh" sabi naman ni Joseph sabay kindat pa. Gosh! Ang cute nya ah hihi!

"Hoy Jopet! Pakindat kindat ka pa dyan! Magkasing ganda naman kami ni Yuri pero hindi ka ganyan sa akin!" parang batang maktol ni Sugar.

Infairness napatawa ako dun kasi para syang si Sugar ng Sexbomb,bagay sa kanya name nya.

"kita mo na,pinagtawanan ka ni Yuri" buska ni Joseph dito " nga pala,Jopet na lang din itawag mo sakin" dagdag pa nya.

"tse! Tara na dali gutom na ko!" hila sa akin ni Sugar na nagmamadali talaga. Kahit naman ako nakaramdam na ng pagkagutom.

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon