Inbox 8. The Cookie Monsters!

12.3K 287 4
                                    

-----

-Kurt's POV-

"Hoy!! Mga panget hintay!" sigaw ni Jinx kina Yuri hinabol kasi namin sila,unfair naman kung sila lang ang magkaka grade diba? Buti na lang hindi na sila nagmatigas at huminto sila sa paglalakad.

"Huwag kayong madaya! Ano yan? Kayo lang may grade?"- Marx

"Dun ba tayo senyo ha Joseph? Convoy na tayo"- Clyde.

"Psh! Akala ko mag mamatigas pa kayong mga ulupong kayo eh!" sabi ni Joseph.

Matapang din talaga ang isang ito,hindi na lang ako nagrereact. Ayoko makisali,gusto ko matapos na lahat ng ito para maka iwas na ng tuluyan kay Yuri.

"Hoy! Mag ingat ka sa pananalita mo kung ayaw mong basagin ko bungo mo"- sagot ni Clyde, sa tropa namin sya talaga ang pinaka barumbado >__

"wala akong pakialam,kayo ang umayos, kung gusto nyong pare pareho naten magawa to"- Joseph

"Aba't!?"- Ani Clyde na aamba na sana ng suntok pero pinigilan nina Marx at Jinx.

"Tama na yan, kalimutan na muna natin kung anong hidwaan meron tayo,para sa atin naman ito diba? I bet ayaw nyo naman makakuha ng palakol na grade diba? Well ganun din kami" singit ng napakagandang si Yuri ^_^

Psh! Ano na naman bang sinabi ko? Hayst Kurt! Magtigil ka!!

"Oo naman! Baka nga ikaw pa makasira dahil bakla ka eh" ani Clyde at nag smirk pa,tarantado talaga to, agad namang lumapit si Joseph at susuntukin dapat si Clyde pero nahawakan ni Sisa este Sugar ang kamay nya.

"Jopet,huwag,huwag mong ibaba ang level mo." ani Sugar, agad kumunot noo ng mga tropa ko "kayong apat,kung gusto nyo makatapos tayo sa hindi pa natin nasisimulan, makisama kayo,taong humarap at nakitungo sa inyo si Yuri kaya sana tao nyo din syang ituring" dagdag pa nito at nagpatiuna ng sumakay sa kotse ni Joseph na sinundan ng pangalawa at umupo na sa drivers seat.

Naiwan si Yuri sa harapan namin na nakatungo,nakaramdam ako ng matinding guilt dahil sa pinagsasabi ng mga tropa ko at sa sinabi ni Sugar.

"Yuri halika na! Ayaw mo naman sigurong dito sa school matulog diba?" tawag ni Sugar kay Yuri na parang ngayon lang natauhan.

"uhm guys sundan nyo na lang kami" mahinang sabi ni Yuri at ngumiti samin saka sumakay sa kotse ni Joseph. Alam ko peke ang ngiting yon,alam ko nag ngingitngit na kalooban ni Yuri pero pilit nyang ginagawa na huwag magalit.

"Psh! I was just stating the fact" ngayon lang nakapag salita si Clyde,halatang tinamaan din pero tulad ko hindi agad nagpapatalo si Clyde sa mga ganon,at ganon din si Marx at Jinx.

"Tara na! Sundan na lang natin sila" aya ko sa kanila at tumalima na kami.

Habang nasa byahe panay lang ang kwentuhan namin habang si Marx ang driver.

Pumasok ang kotse ni Joseph sa subdivision namin.

Teka? Taga dito din sya?

"Pre taga dito din pala yung Joseph na iyon eh" ani Marx habang nagdadrive.

"Tingnan mo nga naman,hindi na mahihirapan sa pag uwi tong si Kurt, walking distance lang pala"- Jinx

"Nagugutom na ako,siguraduhin lang ng Joseph na yan na may papakain sya sa atin" mainit pa din ang ulo na sabi ni Clyde -__-

"ayos pala to eh,magkalapit lang kami" nangingiti ko pang sabi. Agad naman akong binigyan ng tatlo ng nagtatanong na tingin. Hindi ko na lang sila pinansin. Maski ako nagulat sa sinabi ko eh,san kaya galing yon?

Tumigil ang kotse ni Joseph sa tapat ng isang napakalaking bahay, triple sa laki sa bahay namin pero mas malaki pa din ang bahay ng mga totoo kong magulang.

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon