Inbox 20. The Unexpected Part 1

9.7K 234 2
                                    

Yuri's POV

"Ow YES! TGIS! Sarap humilata dito sa kama ko hihi" sabi kong ganyan na pagulong gulong. Kapagod yung two weeks preparation for the intramural and foundation ah? Nalaspag beauty ko dun haha!

Well,worth it naman, madami kami booth na nagawa, kissing booth,marriage booth,tatoo both,photo booth,dedication booth at ang pinaka the best ay yung mini restaurant. Yun talaga ang tinuunan namin ng pansin.

Buti na lang madaming cute na idea si Kousagi,medyo japanese ng konti ang theme nung mini restaurant.

I can't wait for monday to come ^_^

Miss ko na din si Kurt,pero usapan namin monday na magkita para hindi magkasawaan ng mukha. Duh? Hinding hindi ako magsasawa sa mukha nya no? XD

Hayst ang sarap magmahal at ng minamahal. I never thought I could feel this way,na may mamahalin ako at mamahalin din nya ako kahit ganito ako.

With Kurt,I found the true meaning of happiness and contentment :)

At nagpapasalamat ako sa Diyos for giving him to me.

After lunch with Mama and Papa ginawa ko na ang mga gawaing bahay. Kesa humilata eh maglilinis na lang.

Anyway,plano ko na din sabihin kina Mama at Papa na kami na ni Kurt, kahit medyo matagal na haha! Atleast sasabihin ko pa din. Sya nga eh sasabihin na din nya sa Mom at Dad nya na kami at papakilala na daw nya ako sa mga totoo nyang magulang. Nakaka excite na nakaka kaba.

5pm nasa kwarto ako at nagpapahinga ng katukin ako ni Papa.

"Anak,may bisita ka"- Papa.

Huh? Hindi na nakatiis si Kurt hihi^o^

pero para maka sigurado,tinanong ko pa din si Papa.

"Classmate mo daw" sagot ni Papa.

Dali dali ako lumabas ng kwarto at bumaba. Nagtataka kasi ako kung sino sa mga classmate ko ang bumisita.

Lalo akong nagtaka sa nakita.

Si Ana.

Hindi kami close,ni hindi nga nya ako tinatapunan ng tingin, kaya anong pakay nya sa akin?

"Oh Ana,naparito ka? Anong atin?" tanong ko ng makalapit sa kanya,bihis na bihis sya at parang may pupuntahan.

"Sinusundo lang kita,birthday ni Brix eh" -Ana.

"Ha? Bakit mo ako susunduin? Saka hindi naman kami close nun" sagot ko.

"Ano ka ba? Lahat ng classmates natin invited,nandun na nga mga tropa mo eh"

"Ganun ba? Sige magpapa alam lang ako kay Kurt pati kina Mama at Papa" kahit hindi pa din ako kumbinsido ay sumang ayon na lang ako.

"No need,si Kurt ang nagsabi na daanan na kita since medyo magkalapit lang ang lugar natin" - Ana.

"Okay,magbihis lang ako" paalam ko.

Gggrr! Ang adik ni Kurt! Hindi man lang ako sinabihan na birthday ni Brix, ganyan din sya nung birthday ni Clyde!

-----

Nang makarating kami kina Brix ay madami ngang tao,pero hindi lahat ay classmates namin.

Ng lumapit kami ni Ana kay Brix ay parang nagulat pa ito ng makita kami.

"Happy Birthday Brix,pasensya kana wala akong gift,hindi ko kasi alam na birthday mo" bati ko at paliwanag sa kanya.

"Its okay,your presence is enough,here have a seat ikukuha kita ng pagkain" sagot nya at inalalayan ako sa upuan.

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon