Inbox 6. Iwasan? Deadmahan?!

12.3K 305 4
                                    

-----

- Yuri's POV -

Hay! 3days na ang nakakalipas since that incedent. 3days na ding hindi ko pinapansin si Kurt,ewan ko,parang nawala lahat ng inis ko sa kanya at napalitan ng hiya. Pero ang nakakapagtaka din ay hindi sya namamansin at parang umiiwas din.

Sana mag break na! Gutom na ako eh >_

Bigla ko na naman naalala nung kinabukasan pagkatapos ng insedente. Pagpasok ko pa lang ng room eh nagtinginan na lahat ng kaklase ko. Panong hindi? Eh ang dami kong galos kahit sa mukha! Ayaw ko na nga sanang pumasok nun kaso pinilit ako ni Mama at Papa, syempre wala ako nagawa.

At ayun nga pagkapasok ko inusisa agad ako nina Sugar at Jopet,hindi ko naman sila sinagot. Pero nung nagbreak time na at nasa canteen na kami ay napansin agad ni Aifha at Pat ang mga galos ko.

"Oh my gosh?! Anong nangyari sayo Yuri?" tanong agad ni Aifha ng maka upo sila sa harap namin,si Pat naman ay pinag masdan ako mula ulo hanggang paa,lokong to ah? Ano akala mo sakin experiment? -__-

"yan! Buti nandito kayo! Ayaw kasi sabihin ng baklang to kung ano nangyari sa kanya"singit ni Sugar na lumakas pa boses,nagtinginan tuloy samin ang mga tao.

"ano ka ba Sugar,hinaan mo nga boses mo!" suway ni Jopet sa kanya,nilibot ko tingin ko sa paligid at nakita ko sa kabilang mesa si Kurt kasama mga kaklase naming lalaki at nakatingin sya sakin. Sa totoo lang hindi ko gusto yung mga tropa nyang classmate namin,mga gwapo nga maaangas naman,parang mga gangster!

"ano kasi,nung first day of class,nung dismissal na may nangyaring hindi maganda sa akin" panimula ko sa pagkwento. Halata namang interesado sila,mga chismoso't chismosa no? Haha I know! Kaya nga naging kaibigan ko sila ^___^

Ng matapos akong magkwento ay nagulat na lang kami kay Sugar.

"OMG?! I can't believe this! Niligtas ka talaga ni Kurt?" nanlalaki pa mata nya nung sinabi yan saka lumingon sa pwesto nina Kurt.

"Sige teh! Ipahalata mo pa! Gaga ka talaga!" sabi ko na lang na ganyan. Parang adik kasi maka react.

- Kurt's POV -

"Hoy bro!" untag sakin ni Jinx. Lumilipad kasi isipan ko sa kung saan. Kaya hindi ko na napapansin na kinakausap na pala nila ako,nandito kami sa canteen at nasa kabilang mesa lamang sina Yuri.

"Ha?"- Ako.

"Anong huh? Adik ka ba? Kanina ka pa namin kinakausap nakatulala ka dyan" inis na sabi sakin ni Jinx. Muli kong nilingon ang table nina Yuri at masaya silang nagkekwentuhan at tawanan.

"Psh! Kanina pa yan eh! Patingin tingin sa table nina Sugar! Dont tell me Dude type mo yung baliw na Sugar na yan?" singit naman ni Marx.

"Ulol! Hindi no?!" depensa kong sabi,ayoko namang mahalata nila ako. Mahirap na baka mapagtulungan akong asarin ng mga kumag na to.

"Oh baka naman si Aifha ang type nya? Nako dude huwag na,boyfriend nyan yung kasama nila si Patrick,taga section B sila" dagdag din ni Clyde.

"Mga gago! Wala akong balak manulot no? Ayoko ng ganun!" tanging sagot ko. Sakto tumunog na ang bell!

Wooh! Yes! Save by the bell! Ayoko namang mapunta pa kay Yuri ang usapan. Baka macorner ako,hindi pa naman ako magaling mag deny at mag sinungaling.

Halatang inis ang mga tukmol dahil wala silang nakuhang sagot. Ngayon naglalakad na kami pabalik sa room at nasa unahan lang namin sina Yuri.

After that incedent,umiwas na ako sa kanya. Hindi ko kasi gusto yong nararamdaman ko. Hindi normal. Kaya habang maaga pa gusto ko ng pigilan. Hindi ako sanay sa ganun,napaka strange ng feeling at talagang bago sa akin yon.

Pagkadating namin sa room ay nagsiayos na kami,at after 5minutes dumating na si Mrs.Ignacio ang English teacher namin.

A/N ~ waahhh?! Pasensya na po kayo,yan lang ang kinaya ng 1mb kong brain >_

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon