Inbox 7. The Group Project!

12K 324 5
                                    

-----

-Yuri's POV-

Pagbalik namin sa room galing sa canteen ay agad ng pumasok ang English teacher namin. Si Mrs.Ignacio.

"Okay class, magkakaroon tayo ng group project" announce ni Mrs.Ignacio agad nagbulungan mga classmates ko. Ano ba to? Ngayon lang ba sila makakaranas ng group project?

"Sa bawat isang group ay 7 members,at ang group project na iyon ay tungkol sa History ng school na ito,bakit kelangang group? Dahil ireresearch nyo at ipepresent,bahala kayo kung anong klaseng presentation ang gagawin nyo, okay to start the groupings, first name na lang babanggitin ko" sabi ni Mrs.Ignacio at ayon na nga,nag groupings na.

Nakaramdam ako ng kaba dahil last group na daw ang babanggitin nya,at hindi pa ako nababanggit maging sina Kurt at Sugar.

"The last group is... Kurt,Sugar,Marcelino,Joseph,Junixon,Clyde and Yuri,two weeks from now isa-submitt nyo ang presentation" pagtatapos ni Maam at nag start na mag lecture.

Shit namang malagkit oh! Bakit kagroup ko si Kurt at mayayabang nyang tropa? Hayst pag talagang minamalas nga talaga, buti na lang kagroup ko din sina Sugar at Jopet,sila na lang lagi ko papansinin HAHAHA! Ayoko mahawaan ng pagiging arogante at mayabang ng mga gangster na yon no! Napaka viral kaya! Mabilis makahawa at mabilis kumalat.

After 45minutes natapos na din sa kakatalak si Mrs.Ignacio at dinismiss na kami. Agad naman lumapit sa akin sina Sugar at Jopet.

"bakla! Isn't it amazing? Magka group tayo hihi" - Sugar.

"Anong amazing dun? Kagroup din natin sina Kurt pati yung mayayabang na mga yon" sagot ko at tinapos na ang pag gawa ng note at pinasok sa bag ko ang notebook.

"Huwag ka mag alala Yuri,ako bahala sayo,hindi ka magagalaw ng mga kumag na yon" naka ngiting sabi naman ni Jopet.

"Aba dapat lang! Kung hindi pati ikaw pipilipitin ko ang tonsil!" sagot ko at tumawa lang si Jopet,ang kyuuut talaga nya ^_^

"Isa tong pandaraya! Sya lang? Ganun lang yon? Pano ako? Eh kung asarin din ako ng mga gagong yun parang wala ng bukas! Kapatid ko daw si Sisa?" react ni Sugar na ikinatawa namin ni Jopet.

"Totoo naman diba?"- ako at Jopet. Biglang sumimangot si Sugar.

"Sige ganyan kayong dalawa! Nakakasama kayo ng loob"- Sugar.

"eto naman,syempre Joke lang yon,pababayaan ko ba bestfriend ko?"- Jopet.

Sa totoo lang bagay sila at nakikita ko naman na may something sa kanila,kaya lang eh baliw lang talaga si Sugar haha!

"Sabi mo yan Jopet ah? Pag hindi eh hindi din kita ilalakad sa mga gusto mong ligawan" sabi ni Sugar at saka bumaling sakin. "Te pagkakataon mo na din yon makausap si Kurt? Ano yon ganun na lang? After ng nangyari magdedeadmahan at mag iiwasan kayo?"

Napa buntong hininga na lang ako. Ewan ko din bakit bigla sya umiiwas, ayoko naman sya lapitan at kausapin,nahihiya pa din kasi ako.

Hindi ko alam kung ano iniisip ng Kurt na yon at bigla syang nagkaganyan. Oh well hindi dapat ako magpa apekto,dahil una hindi kami close at hindi kami magkaibigan. Niligtas nya ako at taos puso naman akong nagpasalamat no! Kung ano man yang inarte nya,kiber lang. I have my own life na dapat kong intindihin.

"Pabayaan na natin yon,nga pala kelan tayo mag start at kaninong bahay tayo gagawa ng project natin?" sagot ko na lang.

"Yan ang ewan,mukhang hindi din naman nila gustong maging ka group tayo"- Jopet sabay kibit balikat.

"Kausapin kaya natin si Mrs.Ignacio na humiwalay na lang tayong tatlo? Saka apat naman sila,kaya na nila yon" suggest ni Sugar, kahit papano naman pala may magaganda ding idea ang babaeng ito,akala ko puro kabaliwan lang haha! :D

"Huwag! For sure mapapagalitan pa tayo, try ko na lang ako mag approach kina Kurt mamaya after class" pag disagree ni Jopet. Tama din naman sya,sino ba kami para mamili ng gusto at ayaw namin maging kagroup diba?

"Sige" ako at Sugar.

Yes! Dismissal na! Agad kong tiningnan ang phone ko,dami agad ulit messages. Nagtype na ako ng ijiGM at sinend ito then inayos ko na gamit ko sa bag ko,nagsilabasan na din mga classmate namin,sina Sugar at Jopet naman inaayos din mga gamit nila.

Ng tatayo na ako para lapitan silang dalawa,bigla naman humarang ang mga gangsters na tropa ni Kurt! Psh! Aura pa lang hindi ko na gusto.

- Kurt's POV -

Dismissal na,agad ng nagsilabasan mga classmate namin. At ako naka upo pa din. Badtrip eh! Bakit naging kagroup ko pa si Yuri eh umiiwas nga ako? Ang sarap lang bugbugin ni Mrs.Ignacio >_<

Nagulat ako ng biglang lapitan nina Jinx,Marx at Clyde si Yuri. Kita ko din na nagulat sina Sugar at Joseph,agad din silang lumapit. Pero nanatili pa din akong naka upo,papakinggan ko na lang sila.

"Bakla! Magka group tayo kaya galingan mo,ayaw namin mapahiya"- Jinx

"Oo nga,huwag mong gawin kabaklaan mo habang gumagawa tayo ng project"- Clyde.

Hayup tong mga tropa ko! Ang brutal! Tss kawawa naman si Yuri! Pero dapat ako mag matigas,hindi ako dapat patalo sa nararamdaman ko!

"Hoy! Hoy! Ayus ayosin nyo pakiki pag usap nyo!" asik ni Joseph sa mga tropa ko,aba matapang din pala ang mokong na to?

"Kayo na nga ang lumapit ganyan pa kayo"- Sugar.

"Nagpapa alala lang kami,grade nating lahat ang nakasalalay dito,mahirap na pumalpak dahil sa kabaklaan"- Marx

Kita ko kung pano mag ngitngit si Joseph at Sugar,hindi sila mananalo sa mga tropa ko, pero si Yuri bakit ang kalmado nya? Hindi ba sya napipikon at naaasar?

Maya maya ay biglang ikinapit ni Yuri ang dalawa nyang kamay sa armchair,napa atras ang mga tropa ko.

"Anong ginagawa mo?!" asik ni Clyde kay Yuri.

"Hindi ba obvious? Kumakapit! Ang hangin nyo kasi baka matangay ako" sagot ni Yuri. Napangiti na lang ako at tumawa naman sina Sugar at Jopet. Ang mga tropa ko naman ay natahimik.

"Tara na Yuri,dun na lang tayo kina Jopet gumawa ng project,magpaalam kana kina tito at tita" aya ni Sugar kay Yuri at lumabas na sila ng classroom.

Naiwan naman kami sa loob,tumayo na din ako at nilapitan ang tropa.

"tara na,sundan na natin sila,hindi ko alam bahay nung Joseph na yon" aya ko sa kanila at lumabas na din kami ng class room para sundan yung tatlo.

<3

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon