Inbox 16. Kath and Jepoy!

10.2K 261 7
                                    

Clyde's POV ^_^

"Hello everyone,Im Kathrina Mae Velazco,but you can call me Kath,please be good to me" naka ngiting pakilala nung babae.

Para akong na mesmirize sa kanya,ang ganda nya sobra!

"Woah! She's a Goddess" narinig kong komento ng kaklase kong si King sa aking likuran. Tama nga,maganda sya,para syang nanghihipnotismo.

"halooooo everyone! Im Jefferson Dale Cruz, But you can call me Dyosa!For short" maligalig na sabi naman nung bading.

"weh?" sabay sabay na sabi ng mga classmates ko,mga gago ka talaga natawa ako dun ah?

"ahehe Joke lang mga teh at fafa,just call me Jepoy for short or Poy for more shorter!" sabi pa nung bakla.

"Okay,maupo kayo dun sa dalawang bakanteng chair" ani Maam Sanchez,agad naman sumunod yung dalawa.

"Kung napapansin nyo,lagi may nililipat sa section nyo, ang section nyo kasi ang pinaka star at tinitingala sa buong fourth year high school dito sa St.Adams,malaki ang expectaions ng lahat sa inyo kaya huwag nyo silang biguin. And by the way, Intramurals na three weeks from now pati foundation day. Sa section nyo nakatoka ang mga booths and fun fair and we will discuss that tomorrow,for the mean time,lets start our lesson" mahabang litanya ni Maam.

Ako naman,tinuon ko ang sarili sa pagtingin ng pasimple kay Kath, shit! Tinamaan ata ako, sya na kaya yung sinasabi ni Yuri na darating para sa akin?

Nakatingin lang ako sa kanya ng biglang mapatingin yung bading.

Patay!-___-

"Hi! Nagagandahan ka ba sakin?" sabi pa nung bading akala nya siguro sya ang tinitingnan ko.

Agad akong nag iwas ng tingin at itinuon sa lesson ang atensyon ko.

-----

Eto na, P.E time na namin! Ano naman kaya ngayon ang gagawin namin?

Tiningnan ko ang tropa may kanya kanya ng ginagawa.

"Okay class,pumili na kayo ng partners nyo,we will have a game,karera at paunahan makadami ng flag" sabi ng P.E teacher namin. Unahan tumakbo at kumuha ng flag sa pinaka dulo ng track field at a-apir sa partner pag nakabalik at yung partner naman ang gagawa,hanggang maubos ang flag,syempre paunahan at pabilisan yon.

Paglingon ko lahat may partner na.

Pat at Aifha

Kurt at Yuri

Jopet at Sugar

Marx at Kousagi

Jinx at Kath

JINX AT KATH? Tangna! Nu nangyare? Naunahan ako ni gago! Kaasar naman! >_<

Nang biglang may kumalabit sakin.

"Pafa partner tayo^o^"

Tang ina naman oh!! -___-

"Ha? Ah eh .. Kuwan.." sabi ko na lang,wala ako maisip sabihin eh.

"Mr.Perez kayo na lang ni Mr.Cruz ang partner" sabi ng P.E teacher namin.

Shit! Katapusan ko na T.T

Ngiting ngiti pa tong baklang to! Sungalngalin kita eh!

"Ayie! Oh ayan fafa! Partner na tayo,huwag kana pumalag,si Sir na nagsabi!" sabi pa nya.

Syempre wala na ako ginawa. Kung minamalas ka nga naman,at ang mga gunggung kong tropa nakatingin ng mapang asar!

Humanda kayo sakin mamayang mga kulugo kayo!

And the game starts! Nakakapagod at nakakahingal pero enjoy! Lalo na nung nagkasabay tumakbo sina Yuri at Jepoy. Parang nag uusap pa nga sila tas biglang tumambling si Jepoy,dahilan para mas maunang makakuha ng flag si Yuri. Tawanan mga kaklase ,ako nainis. Kulelat tuloy kami! >_<

Nang makapag banlaw at makapag palit na kami ng damit ay dumiretso na kami sa canteen. Dun pa din sa paborito naming pwesto.

Syempre,inalok ko si Kath na sumama,nagpa unlak naman sya,gusto ko kasing maging kaibigan namin syang lahat.

Ng lahat na kami ay naka order,maliban kay Kousagi na may baon pa din japanese food na isineshare kay Marx, ay nagsimula na kami kumain.

Actually maingay kami,puro baliw ba naman kami lahat dito eh haha! Masaya ako at naging tropa ko sila,syempre ang mas masaya, katabi ko si Kath :D

"Hoy Junixon,moment ko to! Tapos na moment mo kanina sa P.E" sabi ko kay Jinx.

"Lul! Walang bakuran" sagot ni gago. Pinagtatawanan tuloy kami ng tropa. Maski si Kath tumawa. Ang cute nya at nagbablush pa^_^

"Nakakatuwa kayo" sabi ni Kath.

"Ganun kami,masanay kana" sagot ni Marx at saka bumaling kay Kousagi."Waahh! Odango! Bakit kinain mo lahat ng tempura! Hindi ko pa natitikman eh!"

"Sayo ba to?" sagot ni Kousagi at nag simula na naman sila sa lambingan nila. Ang mag barahan!

"Best" tawag sakin ni Yuri,napatingin ako sa side nilang dalawa ni Kurt.

"wala ata maupuan jowa mo,paupuin mo dito" si Kurt ang sumagot.

"Gago! Wala akong jowa no!" sagot ko, tas bigla ako kinalabit ni Jopet at may tinuro, napatingin tuloy ako,dapat hindi na ako tumingin eh.

Si Jepoy,bitbit ang tray ng pagkain nya at palinga linga.

"tawagin mo na"- Jinx

"Pagkakataon mo na yan dude"- Pat

"Go for the gold"- Sugar at Aifha

"Ayoko!" at binalik ko atensyon ko sa pagkain at kinausap si Kath.

"walang puso" nadinig kong sabi ni Yuri. Tae! Ayokong masabihan ng ganon,lalo pa at kay Yuri nanggaling. Syet naman oh!

"kawawa naman sya,wait ako na tatawag" biglang sabi ni Kath at tumayo nilapitan si Jepoy.

Maya maya pa,tumabi na sa akin,umurong kasi si Kath para magkapwesto si Jepoy.

Tiningnan ko sila isa isa,at lahat naka ngisi! Kaibigan ko ba talaga ang mga to?

"Thanks guys!" pasalamat ni Jepoy.

AN~ Wew! Nablangko na naman utak ko haha! Kamusta po kayo? Comment at vote naman sa mga mababait jan^_^

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon