Binuhat ako ni Kaiden papunta sa kama.

Umupo siya sa kama at sumandal sa headboard, pinaupo niya ako sa kaniyang hita at muling niyakap.

"Makikinig ako." An'ya at tumahimik na pagkuwan.

"Kaiden, bakit kailangan kong masaktan ng ganito?"

"Pakiramdam ko sobrang pagod na ako, pero minsan hindi ko alam kung saan ba ako pagod? Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling 'yung bigat. K-kasi sa sobrang dami kong problema ay hindi ko na alam."

"Mula pagkabata ko sobrang bigat na ng dinadala ko."

"Ang hirap... Sobrang hirap umiyak na mag-isa ka lang kasi wala naman nandiyan para sa akin... Kasi wala namang makakaintindi sa akin kundi ako lang."

"Nakakapagod maging ako... Nakakapagod kapag kahit sinusubukan mo naman pero at the end of the day talo ka pa rin."

"Ang hirap-hirap kapag 'yung kalaban mo ay 'yung nakaraan mo na nagbigay ng takot sa 'yo."

"Ang hirap na kahit anong gawin ko ay palagi ko na lang nakikita ang batang ako na umiiyak. Ang hirap kalimutan ng pamilyang nagbigay ng pasakit sa buhay ko."

"Nakakapagod ng tumakbo kasi pakiramdam ko wala namang ending ang lahat."

"Alam mo Kaiden, ang sakit-sakit isipin na tuwing nasasaktan ako ng ganito, na tuwing ang bigat ng nararamdaman ko palagi na lang akong mag-isa. Nasa sulok ng kwarto habang umiiyak."

"Ang sakit isipin na sa tuwing umiiyak ako ay walang nagpupunas ng luha ko, na walang nagsasabi na 'Tahan na, magiging ayos din ang lahat' ang sakit isipin na tuwing nakakaramdam ako ng takot ay walang yumayakap sa akin."

"Ang bigat sa pakiramdam kapag alam mong ikaw lang mag-isa. Na sa lahat ng bagay, ako lang palagi. Tuwing birthday ko, ako lang mag-isa ang nag cecelebrate, na sa tuwing nagkakaaward ako sa school ay ako lang palagi ang mag-isa. Na sa tuwing may nang-aapi sa akin ay ako lang ang nagtatanggol sa sarili ko."

"Nakakapagod ng itago 'yung bigat na nararamdaman ko sa ibang tao kasi sino ba naman sila para maitindintihan ako? Nakakapagod ng palagi na lang akong patagong umiyak kasi wala namang may pakialam."

"A-ang sakit-sakit isipin na para kahit papaano ay mawala ang bigat na nararamdaman ay iiyak na lang ako tuwing mag-isa. Pero hindi pa rin sumasapat 'yon, minsan nga tinatanong ko 'yung sarili ko kung bakit kailangan masaktan ako ng ganito."

"I just want to live a normal life pero bakit kailangan pang ipagkait sa akin 'yon?"

"I... I'm not a bad person. I'm j-just a kid, but why do I feel like this world doesn't want me to be happy?"

Nagtuloy-tuloy lang ako kahit pa hindi ko na alam ang mga pinagsasasabi ko. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay malabas ko ang nararamdaman.

"Alam mo, akala ko kaya ko ng kontrolin ang kung ano mang nararamdaman ko kasi ginagawa ko na ito mula pagkabata ko, kaya dapat immune na ako sa sakit. Pero hindi pala gano'n... Kasi kahit umiyak ako buong araw, o ilabas ko ang lahat ng sakit kulang pa rin 'yon."

"Akala ko kaya ko na pero mali ako kasi sa huli ito pa rin ako, talo."

"Can you imagine that, Kaiden? I have been crying since I was a kid in the darkroom alone because of this fucking problems that this world gives me."

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now