21: Kritisismo

2 0 0
                                    

Noong summer class ko sa ikaunang taon ko sa kolehiyo, isa sa mga pinag-aralan ko ay ang Oral Communication. Tinuturo dito ang iba’t ibang klase ng pagsasalita, pakikipag-usap, at ang nangyayari sa pagitan ng mga ito. Tulad ng panayam, speech, paghikayat na makapagsalita sa maraming tao, at ang mga klase ng pakikipagkomunikasiyon.

Mayroong elemento ang komunikasiyon. Pero hindi ko na iyon lalahatin. Ang itatalakay ko lamang dito ay ang tungkol sa “feedback.”

Sa isang usapan, mayroong nagsasalita siyempre. Sila ang tinatawag na “messenger.” (Hindi iyong application sa cell phone, ha.) Sa kanila nagmumula ang mga sasabihin. At ang tawag naman doon, “message.” Maaaring ang nilalaman niyon ay ideya, konsepto, galaw o kilos, senyas, at kung ano-ano pa. (Sa komunikasiyon, hindi lang mga salita na nanggagaling sa bibig ang laman ng isang mensahe. Paano ang mga bingi at pipi? Sariling paraan nila sa pakikipag-interaksiyon ang sign language.) Ang makaririnig, makakukuha, o makatatanggap ng mensahe ay ang taong papangalanang “receiver.” Sila iyong magbibigay kahulugan roon. At kapag nagsalita o kumilos siya pabalik sa messenger, ang tawag sa bagay na ito ay “feedback.”

Opinyon, panghuhusga, reaksiyon, at damdamin ang maaaring pundasiyon ng feedback. Positibo man o negatibo, hanggang sa may natanggap na salita o kilos ang messenger sa receiver, ay maituturing nang feedback.

Halimbawa: natuwa ang sanggol sa paglabas ng bilugang maliliit na nangungulay tutong na kanin ang kuneho sa kaniyang puwitan. Ang nag-aalaga sa kaniya, nakaramdam ng disgusto—nandiri; napadila at lumukot ang mukha niya nang hindi inaasahan. Iyong pagkatuwa at pagdila ng dalawang tao ang tinutukoy na feedback.

Sobrang mahalaga na makatanggap ng feedback sa pagsusulat. Dito natin makikita kung ano ang nagustuhan at kinaayawan ng mga mambabasa sa ating akda. Mula sa mga iyon, magninilay-nilay tayo. Titimbangin natin ang mga babaguhin, aayusin, at isasawalang-bahala. Dahil sa larangang ito, hindi mawawala ang mga opinyon na makasisira sa atin bilang manunulat. Hindi lang ang mga akda nating ang inaatake—maging tayo sa personal. At ang nakalulungkot, namemersonal. Minasama ang hitsura, pananamit, pagsasalita, ugali, at ano pa man iyan ang karaniwang natatamasa ng mga tao (sa pangkalahatan at hindi sa pagiging manunulat).

Sa kabila ng mga iyon, mayroon at mayroong magagandang opinyon na nasa gilid-gilid lang. Hindi napapansin bagamat masiyadong nakatuon sa masasakit na tingin at pananalita ng iba. Doon dapat maglaan ng oras—sa mga feedback na makatutulong sa atin magbago, lumago, at gumaling.

Panghuhusgang Nakabubuti

Naniniwala ako na mayroong magandang aspeto ang panghuhusga. Sa mga kinaiinteresan nating tao, nagagawa natin ito, hindi lang tayo aware. Para mas maintindihan, nasisiguro ko na alam ninyo ang “impression.” Iyan . . . . Diyan umaaksiyon ang puso at isip na mahanap ang magagandang katangian ng natitipuhan. Kapag nakipag-tsismisan na sa matalik na kaibigan—nagbubulungan at nagkukuringgian na para bang kinikiliti ang singit—at napunta sa usaping crush, magtitilian sa nakitang pogi o cute (parang ako lang). Ang sasabihin ng matabang kalog na babae: “Mukha naman siyang mabait kasi tinulungan niya si Ma’am na bitbitin ang mga notebook ng mga kaklase niya. Nagpasa yata sila ng kanilang takdang-aralin.” Ang sagot ng payat na masungit: “Baka tungaks ‘yan, ha? Walang laman ang utak, ganoon! Ano ba ‘yan . . . nagka-crush ka lang, nabobo ka na? Paano kapag nahulog ka na? E ‘di . . .” Kinalampag ang cubicle sa palikuran dahil ang tagal na nilang nag-uusap. Naudlot tuloy ang pagtili ng mga gaga.

Sa dalawang feedback ng dalawa sa pagtulong ng “lalaki” sa guro nito, ang impression na tumatak doon sa nagkakagusto ay ang mabait. Ito ang panghuhusga na maganda ang hangarin. Hindi iniisipan ng masama kumpara sa masungit na hinala ay bobo ang crush ng kaniyang kaibigan, hindi pa man nakikita ang grado o sagot sa takdang-aralin.

Mga Payo NiyaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz