Ilan lang ang mga ito sa nakikita kong ginagamit ng mga manunulat. Hindi ko alam ang sa iOS. (Sa Notes lang ako nagta-type at nagawa ko namang makatapos ng tatlong kuwento rito. Puwede rin siyang maging organisado. Kalikutin lang.)

Maganda na rito mo MUNA ilagay ang draft. Huwag deretso sa Wattpad o kung ano mang writing platform iyan dahil may posibilidad na mawala o mabura roon. Iyak ka niyan. Minsan pa naman, nagloloko ang Wattpad at basta na lang nawawala ang nilalaman ng kabanata kahit naka-publish na. Ingat-ingat na lang din.

Hindi ko na iisa-isahin kung ano ang features at function ng mga iyan. Ikaw na ang sumubok at tumingin.

Outline ni Kuya

Inihahanay ko ang aking sarili sa klase ng manunulat na tinatawag na “plotter.” Sila iyong pinag-iisipang mabuti ang mangyayari sa kuwentong isusulat. Gayon din sa mga sanaysay na ipinapapasa ng mga professor. (Katamad magsulat kapag akademiko ang pinag-uusapan.)

Sa tuwing may konseptong sumasagi sa aking isipan, at natanto kong kakaiba kahit papaano at gugustuhin kong isulat, tina-type ko na AGAD sa phone. Una, siyempre, ay pangkabuuang ideya—tungkol saan ang kuwento. Kapag kuntento na ako, susubukan kong pagdugtungin hanggang dulo, ang wakas. Saka na lamang ako naglalagay ng ibang detalye kapag nasulat ko na lahat ng naiisip ko. At ito ang mga ginagawa ko:

1. Simula

Ipapakilala ko rito ang mga tauhan. Dahil wala pa silang pangalan, pansamantalang “bida” ang palatandaan ko. Dito papasok ang mundo nila; anong mayroon sa mundon ginagalawan nila; at, ang mangyayari kapag nagsimula nang mabanggit ang magpapabago sa kanilang mundo.

Sa maikling salita, introduksiyon, background, at inciting incident.

Introduksiyon – paano magsisimula ang kuwento

Background – tungkol sa bida, mundo, kapaligiran, at iba pa.

Inciting Incident – ang simula ng pagbabago sa bida (nakilala ang magiging kasintahan, mapapadpad sa ibang dimensiyon, hahabulin ng mamamatay-tao)

2. Gitna

Nag-iisip ako ng mga hadlang at problema para hindi nila maisakatuparan ang kanilang layunin sa kuwento. Kalimitan, matinding plot twists lang ang nilalagay ko rito. Saka na iyong mga minor kapag nagsusulat na ako mismo.

Sa maikling salita, conflict at climax.

Conflict – ang problemang kahaharapin ng mga tauhan.

Climax – ang sukdulan ng problema.

3  Wakas

Ano pa ba, ang katapusan. . . . At oo, sinusulat ko na ang magiging wakas ng kuwento. Pero hindi ito talaga nasusunod, lalo na’t nagbabago ang takbo ng kuwento sa aktuwal na pagsusulat. Maaaring may ibang mas akmang wakas para sa mga tauhan mo. At ang solusiyon sa mga problema na magtutungo roon sa katapusan.

Sa maikling salita, solusiyon at katapusan.

Solusiyon – paano naresolba ng mga tauhan ang lahat ng problema. Ibig sabihin ng lahat, maging ang maliliit na problema ay mabibigyang solusiyon.

Katapusan – ano ang nangyari matapos noong solusiyon.

Mapapansin mo na hindi ako gumagawa ng character profile at detalyadong pag-a-outline (may pa-mapa pang nalalaman). Ito ako sa tuwing nagsusulat. At gumana sa akin. Sa ngayon, mayroon na akong apat na kuwento na ganito lamang ang gabay ko. Alam kong babaluktot ang noo mo riyan at mapapatanong ng “Bakit?” o “Paano?” Ibabahagi ko sa iyo ang lihim ko.

Maliban pa sa pangkabuuang pag-a-outline, gumagawa ako ng “specific.” Kada kabanata, sinusulat ko ang magiging daloy ng kuwento (mga phrase lang). Pero sinisiguro kong konektado pa rin ito sa Simula, Gitna, at Wakas ko.

Halimbawa:

Kabanata 1: ipakilala si bida (ano hitsura, ugali, kilos); makikilala ang mga kaibigan; darating ang kalaban

Ganiyan lang ang ginagawa ko. Tapos, hahayaan kong pumasok ang mga bagong maiisip ko. Naniniwala kasi akong mas magandang isulat ang mga “spontaneous” o biglaang ideya. Hindi ako detalyado mag-outline kahit plotter ako. Sa pagsusulat ko na mismo sinusulat kung ano ang pangalan ng mga tauhan, paano sila kumilos at umasal, at kung ano-ano pa. At hindi ko nino-note; kinakabisado ko lang sa aking utak. Hanga ka ba? (Hindi ako nagyayabang.)

Sa hindi piksiyon, sinusulat ko lang ang introduksiyon, katawan, at konklusiyon. Naglalagay ako ng mga facts base sa nasaliksik ko, at iyon . . . basahin lang nang basahin hanggang sa marating ang resulta kung saan naipabatid ang nais iparating na mensahe.

Ang pag-a-outline ay naiiba sa bawat manunulat. Mayroong hindi nag-a-outline at sulat na lang nang sulat (pantser), at mali ito para sa akin. Hinuha ko, kahit pantser man sila, nag-a-outline pa rin sila; hindi nga lang nila gaano natatanto.

Maipapayo kong kilalanin mo muna kung sino at ano kang manunulat. Gayon pa man, mas nababagay pa ring mag-outline. Makatutulong ito sa iyo nang sobra.

• • •

Ang reference na ginamit ko sa pagpapaliwanag ng uri ng outline ay galing sa website ng penandthepad(.)com.

• • •

Paano ka mag-outline?

— A.V. Blurete

Mga Payo NiyaWhere stories live. Discover now