"Miss, sana kay Rence ninyo sinabi iyan, hindi sa akin," I told her calmly. "Hindi ko naman po siya pinilit na... magkaroon ng malalim na ugnayan sa akin, eh. Why blaming on me right now? Was it my fault that he fell in love with me? Miss, I'm trying hard not to talk back to you, pero masyado ka nang below the belt kung magsalita sa akin, eh. Para bang napakababa ko nang klase na babae. Bakit hindi mo sabihin kay Rence ang lahat ng sinabi mo sa akin?"



"I already told him about it, Miss Clarkson," she said in a lower voice.



"Eh 'yon naman pala, eh, napagsabihan mo rin naman siya," madiin kong sabi. "Sa totoo lang, ayokong makipaghiwalay sa kaniya. I know, I might hurt him if I ever leave him and that will be the least thing I do. Ayokong saktan siya, eh, ayos na rin sana kung ako lang itong masaktan sa aming dalawa. I know also how hard everything for him, siya kasi palagi ang nag-a-adjust, eh."



"Fine," she surrendered. "Everything are up to the both of you. Nasa huli ang pagsisisi, Miss Clarkson."



"Magsisi lang ako sa lahat ng ginawa ko, pero hindi ko pagsisihan na binigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong makapiling siya. At... kung mayroon pa kayong hindi magandang sabihin, huwag n'yo na lang pong sabihin sa akin dahil ayoko pong mawalan ng pasensya ulit sa inyo. I don't want to mock you because I don't wanna be called disrespectful person. Kung gusto ninyong respetuhin ko kayo, respetuhin n'yo rin po sana ako at ang mga desisyon ko."



"What's happening here?"



Tumuwid ako ng tayo 'tsaka bumaling sa gawi ni Rence. Hindi ko napansin na tapos na pala siyang kausapin si Marco at hindi rin ako sigurado kung narinig ba niya ang usapan namin ni Miss Deizel, mukhang hindi naman yata pero mukhang alam niyang sumabat ako sa guro. Inirapan ko siya at umiwas ng tingin sa gawi niya.



"Rai, didn't I tell you not to talk back?" he said.



"Mababa lang kasi ang pasensya ko, eh. I tried my best not to talk back but I really can't help it," I reasoned. "Aalis na po ako, Sir, have a nice day na lang."



"Rai," he uttered my name warningly. "Stop being stubborn, okay?"



"Are you controlling me now?" I gently asked him.



Napabuga siya ng marahas na hininga at napasentido. "Rai, I am not controlling you, alright? I just want you to be a better person. I don't want to control you also, I know that I might suffocate you. Huwag naman matigas ang ulo, Rai, please?"



Inismaran ko siya. "Oo na, aalis na nga ako, naghihintay na si Marco sa akin sa labas."



"We're not done talking, Rai," he stopped me. "Marami pa tayong pag-uusapan."



"Let's talk later," I coldly said before walking passed by him.



Lumabas kaagad ako sa kaniyang opisina matapos iyon, hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Pagkalabas ko naman mula sa kaniyang opisina ay bumungad sa akin si Marco na nakasandal lang sa may wall at tahimik na may tinitipa sa kaniyang cellphone.



Nang maramdaman niya ang aking presensya ay ibinulsa niya iyong cellphone niya at hinarap ako. He glanced at the Clarence's office before giving me an astonishingly look. Tipid na kumibit-balikat lamang ako at nauna nang naglakad.



"Tapos na ba kayong mag-usap ni Sir? Kapapasok niya pa lang, ah?" he asked.



"Hindi kami nag-usap nang matino," tipid kong sabi. "Tara na? Pasok na tayo?" sa halip ay anyaya ko na lang sa kaniya.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now