Chapter Three

519 14 0
                                    

Dara's POV

Medyo gabi na nang makauwi ako sa mansyon. Nagmall pa kase ako matapos kong dumalaw sa school.

Nilibot ko ang mansyon pero wala pa pala si Jiyong.

"Manang, umuwi na ba si Ji?"

"Hindi pa po mam"

Tumango ako at nagtungo sa kwarto namin at nagdive ako sa kama.

"Cold parin sakin si Jiyong. Dahil ata dun sa kagabi? Hmpp. Hindi ko naman alam ang ginawa ko. May nasabi ba ako?"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya umayos na ako at napaupo ng mabilis.

Napatitig ako sa pumasok. Si Jiyong na nakapoker face.

"J-Ji! Welcome home!"

Inirapan nya ako. So gay! At dumiretso sa banyo. Dumapa ukit ako sa kama at naghalumbaba.

Biglang nag pop up sa isip ko yung lalaking nakita ko sa garden kanina. Yung boses nya , naririnig ko parin sa isip ko. Naalala ko ang mata nyang matalim ang tingin sakin.

Park Chanyeol

Magkaparehas kami ng apelyido. Sino ba sya? Hindi naman kami magkamukha para maging magkapatid? Siguro nagkataon lang.

"Darabbit"

Napalingon ako sa umimik. Si Ji. Nakaupo narin pala sya sa kama. Galit pa kaya sya sakin? Eh bat parang malambing na ang boses nya ngayon?

"Ji. Yung kagabi... Sorry kahit hindi ko alam kung ano mang nasabi ko."

Ngumiti sya. Pati mata nya , nakangiti narin. Magkaharapan na kami ngayong nakaupo sa kama.

Magkatitigan lang kami. Nang bigla nyang hawiin ang ilang hibla ng buhok ko at sinipit nya sa tenga ko.

"Bata pa ang isip mo Darabbit , hindi dapat kita pinepressure sa kagustuhan kong magkaroon na tayo ng buong pamilya."

Kumabog ang dibdib ko. Nadidis appoint ko ba si Ji?

"Ji..."

"At para makabawi ako sayo , nagleave ako sa trabaho para makasama ka. Now , san mo gustong pumunta?"

Nangislap ang mata ko sa narinig ko. Minsan nalang kase kaming magkatime ni Ji sa isat isa. Kaya naisipan kong sulitin ang oras na ilalaan nya saming dalawa.

"Gusto kong mag out of the Country tayo!"

Ginulo nya ang buhok ko bago sya tumango "Sige? San ba?"

Tumayo ako ng kama at nagtatatalon! Ang saya kase, aalis kami ni Jiyong ng Pilipinas! First time kong mag out of the country na ksama sya!

"Sa Korea!!" Suggestion ko.

"Hahaha! Tama na ang talon Darabbit! Halika nga!"

Hinatak nya ako palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit "Sige Darabbit , pupunta tayo sa Korea"

Gumanti rin ako ng mahigpit na yakap.

-----

Chanyeol's POV

Kasalukuyan akong nag aayos ng tono ng gitara ko ngayon. Lintik na Nerd na yan! Sinagi kase. Yan tuloy , bumagsak at nawala sa tono.

"Yey! Uno na naman marka ko sa history! Salamat kay Sehun at tinuruan nya ako!" Chen

Si Chen , sya ang tinutukoy kong nerd. Pano ba naman kase , nag didis guise as nerd para di pagkaguluhan. Singer kase yan sa SouKor. Sikat sya at kasama nya pa si Suho , D.O at Baekhyun.

Actually , Labing dalawa kaming mag babarkada na galing sa SouKor. Lumipat kami sa Pilipinas para mag aral. Nung una ayaw namin pero sa huli , may kanya kanya kaming dahilan para tuluyang lumipat.

Ako.. Ang dahilan ko? Pinapunta ako dito para pangalagaan ang branch ng kompanya namin dito. Nagtayo kase ang Papa ko ng branch dito. At naatasan akong palaguin iyon.

May kanya kanyang dahilan yung natitirang 11. Tulad nga nina Chen , pumunta dito para palawakin ang kasikatan nila at magpromote ng music dito at syempre , para rin mas matutong gumaling sa pagkanta. Kilala ang Pilipinas sa pagkanta at halos lahat ng Pilipino ay may takent dito kaya di kataka takang naanyaya sina Chen dito. Yung iba? Di ko alam ang dahilan.

Habang nagstastay narin dito , naisipan narin naming mag aral.

"Iingay ka pa ba Chen o palalabasin kita ng studio ko?" Sabi ko.

"Tatahimik na. Nakakaproud lang kase"

Umiling iling lang ako. Gabi na oero nandito parin kaming labing dalawa. Pinagpatuloy ko ang pag aayos ng gitara ko. Nang maaninag ko sa isip ko yung babae kanina sa Garden.

Naalala ko ang mata nya at kung pano sya tumitig.

Naisip ko rin ang Butterfly hunting? Ang weird nya. Umiling iling ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko..

-----

Papasok na ako ngayon sa school.. Pero bago yun , dumaan muna ako sa coffee shop. Para bumili ng maiinom.

Pumasok ako sa shop. Medyo masigla ang kulay at attire ng shop pero hindi yun ang mga style ko

Lumapit ako kung saan umoorder. Pero yung taong nandon ay nakayuko na parang may dinadampot ba kung ano.

"Miss. Isa ngang...."

Napatigil ako nang tumayo yung babae. At nakita ko ang mukha nang babaeng nakita ko sa garden.

"Park Chanyeol!?" Tanong nya sakin

Nakita nya nga pala ang name plate ko kahapon kaya alam nya ang pangalan ko.

Nakangiti sya ng malapad. Mukha syang gorilla sa inaasta nya.

"Nagbago na ang isip ko" sabi ko at sinubukan kong umalis pero pinigilan nya ako.

"Wait!" Sigaw nya

Tinaasan ko sya ng kilay.

"First time mong bibili dito sa shop ko diba? Here! Take this! Its for free! Ako gumawa nyan"

Iniaabot nya sakin ang styro cup ng feeling ko , choco flavored na kape. Pero hindi ko tinatanggap.

"Tanggapin mo na! Masamang tanggihan ang biyaya?"

Kukunin ko na sana ang cup pero iniipod nya uli palapit sa kanya.

"Teka... Lagyan natin ng pangalan!"

Kinuha nya yung pen sa side at sinulatan ng pangalan ko yung cup.

"Here! Come again , Chan!"

Kinuha ko ang cup at nilisan ang shop. Napatingin ako sa sinulat nya...

Chan <3

Psh.

Ang panget ng handwriting. Tapos , nilagyan pa ng heart. Umiling nalang ako at nagtungo na sa sasakyan ko.

Baliw ang babaeng yun. Hindi yun makakapag asawa. For sure.

---

Lame

Vomment?

Real Love [Book2]Where stories live. Discover now