Chapter Sixteeen

368 13 0
                                    

Dara's POV

Di ko namalayan na nakatulog pala ako sa may field. Ang sarap kase ng simoy ng hangin at ng weather.

Umupo ako at luminga linga. Marami paring tao rito...

Napakagat ako sa ibabang lip ko. "Jiyong.." Bulong ko. Napaginipan ko sya..

Pero umiling iling lang ako at tumayo na. Uuwi muna ako. Baka nakauwi na rin kase si Bommiee!

--------

Nadatnan ko si Bommiee sa salas habang kumakain ng mangga at nanunuod ng cartoons.

"Wahahaha!" Tawa nya sa pinanunuod nya.

"Bommiee.." Tawag ko at umupo sa tabi nya.

"Oh! San ka nagpunta?"

"Ah.. Dyan lang sa field. Sa labas.."

Kumunot ang noo nya. "Field?" Sumubo sya ng slice ng mangga. "Ah oo! Tumatambay rin kami doon ni Top minsan! Maganda nga don" sabi nya ulit.

Napatingin ako sa pinggan nya na may nakalagay na mangga. Medyo nangangasim ang panlasa ko. Ewan?

"Ui.. Gusto mo ba?" Alok ni Bommiee at inilahad yung pinggan.

"Ah. Pwede ba?" Tanong ko. At tumango naman sya kaya kumuha ako ng isang slice.

"Ikaw naman , Santokki! Parang di mo ko inaagawan ng pagkain dati eh noh? Wag ka ng magpaalam. You are free to use and eat kahit ano rito sa bahay."

Nginitian ko naman sya at kinagat yung mangga. "Aba! Sarap nito ah?" Sabi ko.

"Ha? Hindi ka ba naasiman?"

Umiling ako. "Hindi?"

Napakamot sya sa ulo "Sobrang asim kaya nito! Sabi ni Top , binili nya raw ang pinakamaasim? Eh bat di ka naasiman?" Nagkibit balikat lang ako. "Manang! Lika nga!" Tawag nya dun sa yaya nila at lumapit naman ito.

"Yes mam?"

Nilahad nya ang isang slice ng mangga kay manang. "Tikman mo nga." Kinain nman yun ng katulong at slomong nangasim ang mukha.

"Pwe! Ang asim po mam!!" Reklamo ng katulong.

"Talaga? Sige okay na. Inom ka na lang dun ng tubig. Hehe" sabi ni Bommiee.

"Ui Bommiee penge pa ha!" Sabi ko at kumuha na dun sa pinggan.

"Nakakapagtaka." Bulong ni Bommiee pero pakinig ko.

----------

Sinamahan ko si Bommiee sa company ni Chae. May pinaglilihian daw kase syang artist doon. At isa pa.. Hindi pa ako nakakapunta doon eh.

"Chaerin!!!!" Sigaw ni Bommiee nang makapasok kami sa isang practice room. Nadatnan namin nandon si Chae at nagsasayaw mag isa ng hiphop song.

Pinatay ni Chae amg tugtog at lumapit samin "Bommie? Dara?"

"Bat ka nagsosolo dyan?" Tanong ni Bomiee.

"Ah.. Ako ang gagawa ng choreo ng bago kong ihahandle na group. At papangalanan ko silang.. The Ark!" Sabi nito at nagningning ang mata. Masaya akot nagiging successful na si Chae."Bat kayo narito?" Tanong naman niya.

"Eto kase si Bommiee. May pinaglilihian daw na cute artist dito?" Sagot ko.

Bumuntong hininga si Chae."Ah. Si Baekhyun!"

Real Love [Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon