Chapter Fifteen

352 14 0
                                    

Bommiee's POV

Pumunta ako sa bahay nina Dara. Nabalitaan ko na kase kay Top na nabili na ng isang business man ang SC... At nabalitaan ko ring sinugod si Dara sa ospital.

Nagulat akong malaman na hindi na sya magkakaanak.

Bumaba ako ng kotse at nagdoorbell sa malaking gate nina Dara. Maya mayay pinagbuksan na ako. Pinapasok na ako dahil kilala na naman nila ako eh.

Dumiretso agad ako sa kwarto ni Dara at kumatok. Mga ilang saglit ay pinagbuksan nya na ako.

Natulala ako sa mukha nya. Pugtong pugto at namumula ang mata nya. Umiyak ata. Sabagay , sino bang hindi iiyak kung malaman mong wala ka ng pag asa bilang maging isang ina.

"Bommiee?"

"Dara.." Niyakap ko sya ng mahigpit.

Ang bestfriend ko. Naaawa ako sa kanya. Bakit kailangang mangyari sa kanya to?

Pumasok ako sa loob at umupo sa kama nya.

"Nga pala.. Eto oh. Galing Korea. Nakalimutan kong ibigay"

May inabot syang paperbag at nang buklatin ko iyon , nakita ko ang ibat ibang gamit pang baby.

"Dara.."

"Congrats Bommiee , magiging nanay ka na talaga"

Naaawa ako sa kanya. Para syang hopeless na talaga. Dinadamdam nya ang mga nangyayari sa kanya. Kita iyon sa mga fake smiles na pinapakita nya sakin.

"Dara... Salamat ha. Pero.. Okay kalang?"

"Oo naman! Haha." Another fake smile again

Sinubukan kong mag iba ng topic. "Kamusta kayo ni Ji?"

"H-ha.. Eh"

Nag aalinlangan sya "Sagurtin mo ko ng tunay." Feeling ko kase , may ayaw syang sabihin

"Galit sakin si Ji. Di ko alam kung dahil ba sa kinaibigan ko si Chanyeol , yung business man na bumili ng SC or yung kawalan ko ng pag asang magkaanak kami. Siguro both" sabi niya.

What the..

Ano bang pumapasok sa isio ng Jiyong na yan! Ngayon sya kailangan ni Dara! Sasabay nya pa ba ang galit nya? Kung may nahihirapan dito , yung kaibigan ko yun! Taekla naman!

"Malilintikan sakin yang Jiying na yan!!"

"Bommiee.. Wag na" pagpigil nya.

Anong wag na. Hindi maaari. Dapat may gawin ako para sa kaibigan ko.

"Cassandra. Sa ayaw o gusto mo , sasama ka sakin ngayon! Doon ka muna sa bahay ko!" Utos ko

Tumayo ako at hinalwat halwat na ang drawer at cabinet nya para ihanda ang mga damit nya.

Kailangan nyang magrefresh. Kailangan nyang lumayo. Para matauhan ang hayup na Jiyong na yun.

"Bommiee naman.." Tinatry nyang pigilan ako pero buo na ang desisyon ko.

"Tumigil ka. Sasama ka sakin" sabi ko

"Ayoko. Ayokong madamay pa kayo ni Top sa problema. Wag na lang"

Tumigil ako saglit "Ayoko ring makita kang ganyan. Walang pakialam si Jiying ngayon sayo. Ayokong mag isa ka sa problema."

Bumuntong hininga sya "Pero hayaan mo Dara , pansamantala lang to" pampahubag ko sa kanya.

Sa huli ay napapayag ko na sya. Lumabas kami sa kwarto dala ang dalawang medium sized nyang maleta , Nang makasalubong namin si Jiyong.

"San ka pupunta?" Tanong nito kay Dara pero hindi makaimik si Dara.

Real Love [Book2]Where stories live. Discover now