Chapter Twenty-Eight

530 12 4
                                    

Dara's POV

Pumunta kami ngayon ni Ji sa school for pregnant women. Ewan , diko alam ang tawag. Si Ji ang nag enroll samin dito.

Ye , tama ang basa nyo , SAMIN.

Mag aaral kami ng about sa pag aalaga sa baby and such. For example , pano ang tamang pagbubuhat sa baby , pagpapabreast feed at marami pang iba.

"Good Morning Mr. and Mrs. Kwon.. I will be your teacher. I'm Florence Matsuyama-Kim. Just call me teacher Kim" sabi nung babaeng bumungad samin. May suot syang nerd glasses at medyo bob cut ang buhok nya. Sa tyantya ko , hindi nalalayo ang edad namin.

Teka... Pamilyar sakin ang pangalan nya ah? Parang narinig ko na. Aish. Ewan!

"Hi teacher Kim!!" Bati ko at winave ko ang hand ko.

"So.. Let's go?" Sabi ni teacher Kim at nanguna na sa paglalakad.

Pumasok kami sa isang maaliwalas na room , parang yoga room. At nadatanan ang iba pang buntis kasama ang mga asawa nila.

"Wow. Ang ganda dito , Ji" bulong ko kay Ji.

Feeling ko , refreshing dito. Parang nakakawala ng stress.

"I always choose what's best for you , Darabbit" sabi nya naman.

Bat ba ang cheesy ni Ji? At masyado na kong nassanay. Hahha.

"Mr. And Mrs. Kwon , please occupy the vacant mat." Utos ni Teacher Kim.

Umupo kami sa may bakanteng mat. Nanatiling nasa likod ko lang si Ji gaya ng ibang mga asawa na ganun din ang pwesto.

"Okay... Para maging healthy si Baby , dapat healthy din si mommy. So we will do the Yoga activity today. Are you ready? So... Inhale.. Exhale.. Inhale.. Exhale..."

Ginawa ko yung mga sinasabi ni Teacher Kim. At nakaalalay naman si Ji na nasa likudan ko lang---- t-teka?!

Lumingon ako sa likuran ko at...

Click!

Click!

Click!

"Mr. Kwon! Focus please!" Saway ni Teacher Kim kay Ji.

Pano ba naman kase , pinicturan nya ako habang ginagawa ko yung activity!

"S-Sorry teacher Kim!" Sabi ni Ji at umayos na

"Hahaha" tawanan naman nung iba.

Aish. Ano ba naman kaseng nangyayari kay Ji? Naaadik na sa pagpipicture. Lagi nalang akong pinipicturan. Tch.

"Umayos ka naman Ji. Bakit ka ba namimicture dyan?" Bulong ko ng pasegway.

"Ah. Eh.. Haha , gagawa ako ng journal." Medyo hiya nyang sabi.

Journal?

Aish. Sabi na nga ba eh , may taglay na kabaklaan tong asawa ko. Hahaha.

------------------

Second day

For second day namin sa school , tinuruan kami ni teacher Kim kung pano lagyan ng diaper ang baby.

"... And slightly and carefully attached the tape." Turo ni teacher Kim habang nagdedemo at sinusundan namin.

Medyo mahirap din pala to! Phew!

Real Love [Book2]Место, где живут истории. Откройте их для себя