Chapter Seventeen

360 13 0
                                    

Chanyeol's POV

Gabi na pero dumaan pa ako ng studio para kunin yung isa kong gitara. Nagulat ako dahil andun si Kris. May mga duplicate key kase ang mga kabarkada ko nitong studio ko. Kaya nakakalabas pasok sila rito.

"Kris?"

"Oh. Chan , gabi na.. Andito ka pa din?" Tanong nya.

Ako dapat nagtatanong nyan. Tch. "Eh ikaw? Gabi na ah"

Ngumiti sya ng nakakaloko. "Dito ako tutulog. Patulog ha? Yoko sa condo." Sagot nito. At tumango na lang ako..

Kinuha ko yung gitara na nasa tabi niya lang pala.

"Chanyeol! Namumula tenga mo?!" Laking gulat nyang saad kaya napahawak agad ako sa tenga ko

Aish. Dahil to ni Dara! "Dahil ni Dara.."

Nanlaki mata nya. "Piningot ka nya?"

Kung alam nya lang.. "Mas matindi pa."

"Eh. Anong ginawa sayo? Eh diba , nasauli mo na ang SC?"

Pansin ko , wierd si Dara ngayon. Ewan , di ata pinapakain roon ng maayos. Tch. "Oo nga. Ewan , basta na lang pinangigilan at kinagat ang tenga ko."

Napailing na lang si Kris sabay sabing. "May sa lahing aso pala yang si Miss Dara" at tsaka na ulit sya nahiga.

Krinnggg

Tumunog yung phone ko at di ko na natingnan kung sino "Hello?" Bungad ko.

[Chanyeol!!]

Nailayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa nakakarinding boses! At pagtingin ko , si Dara pala yung tumatawag.

"Oh?"

[Oi.. Punta kang Jollibee please! Nagkecrave ako.] Nanlaki ang mata ko.

Aba nga naman! Kung makapag utos to! At san pa ko makakakita ng Jollibee? Pero siguro , may 24 hours naman. Pero bakit sakin pa sya nagpapabili!?

"Bukas ka na kumain! Gabi na!"

Napatingin naman si Kris sakin at binigyan ako ng *sinoyan* look. Pero tumalikod lang ako sa kanya.

[Please Chan! Nagcrecrave talaga ako!]

Napahawak ako sa bridge ng ilong ko at napailing "Magpabili ka dun sa asawa nung Bommie?" Suggest ko.

Sa totoo lang , pagod na ako. Pumasok ako nung umaga tas nung break , pumunta ako sa kanila tas after school , dumaan pa ako sa kompanya. Hinahanap na talaga ng likod ko ang lambot ng kama ko. Tch.

[Kay Top? Hala.. Yoko nga! Nakakaabala naman dun sa mag asawa.. Ehh di naman ako palalabasin ni Bommiee]

Ang totoo nyan , isa pa sa kinatatakot ko ay kapag pumunta na ako sa kanila at ibibigay na yung pagkain , baka kagatin nya naman yung kabila kong tenga.

Pero. Tch. "Sige na nga.. Bigyan moko ng konting minuto"

----------

Nagdoorbell ako gamit yung siko ko. Madami kase akong dalang pagkain.. Eh di ko kase naitanong kung anong ipapabili nya.. Hindi ko na naman sya makontak. Kaya binili ko nalang ang mga pedeng bilhin. Halos buong pagkain dun , nabili ko na ata. Tch.

Dingdong

Agad bumukas ang gate at bumungad sakin si Dara na tuwang tuwa.

"Waaaa Chan! Thankiie!! Pasok ka?" Aya nya.

Real Love [Book2]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum